COVID-19 ikinakalat ng aircon, ito ang natuklasan ng isang pag-aaral na isinagawa ng mga researchers sa China.
COVID-19 ikinakalat ng aircon, ayon sa isang pag-aaral
Ayon sa WHO at CDC, ang COVID-19 ay kumakalat o naihahawa sa pamamagitan ng droplets mula sa ilong o bibig. At ito ay humahalo sa hangin kapag umubo at umatsing ang isang tao.
Pero dagdag ng isang bagong pag-aaral, ang virus ay maari ring maikalat sa pamamagitan ng paggamit ng airconditioner. Lalo na sa mga lugar na walang proper ventilation o labasan ng hangin. Ito ang natuklasan ng mga researchers mula sa Guangzhou Center for Disease Control and Prevention sa China matapos pag-aralan ang kaso ng tatlong pamilya na na-infect ng sakit.
Pag-aaral sa tatlong pamilya na nag-positibo sa sakit
Base sa kanilang pag-aaral, January 24 ng sabay-sabay na mag-lunch ang tatlong pamilya sa isang airconditioned restaurant na walang bintana sa Guangzhou, China. Magkakalapit umano ang puwesto ng mesa ng tatlong pamilya na may isang metro lang na pagitan sa bawat isa. Kumain sila sa restaurant sa loob ng isang oras na kung saan ang buga ng hangin ng centralize aircon ay nakatapat sa table ng isa sa mga pamilya.
Kinahapunan, isang miyembro ng isa sa mga pamilya ang nilagnat at inubo. Siya ay dinala sa ospital. Ayon sa kaniyang travel history, siya ay nagmula sa Wuhan, China at kababalik lang sa Guangzhou ng January 23.
Sa loob ng dalawang linggo, apat na miyembro mula sa kaniyang pamilya ang nagkasakit rin at nag-positibo sa COVID-19. Habang may tatlong miyembro naman sa isang pamilya na nakasabay niyang kumain sa restaurant noong January 24 ang nag-positibo rin sa sakit. At dalawa sa isa pang pamilya ang ganoon rin ang naranasan.
Sa kabuuan 9 na miyembro mula sa tatlong pamilya ang nag-positibo sa COVID-19. Lumabas sa ginawang contract tracing na ang tanging naging source of exposure nila sa sakit ay ang nagmula sa Wuhan, China na nakasabay nilang kumain sa airconditioned restaurant noong January 24.
Pahayag ng mga researchers
Sinubaybayan rin ng mga researchers ang kalagayan ng 73 pang customers ng naturang restaurant na nakasabay kumain ng tatlong pamilya noong January 24. Pati na ang mga staff na nagtratrabaho sa restaurant ng oras at araw na iyon. Ngunit wala sa mga ito ang nagpakita ng sintomas ng sakit at lahat ay lumabas na negatibo sa COVID-19.
Kaya naman dahil rito ay nagkaroon ng konklusyon ang mga researchers. Ayon sa resulta ng kanilang pag-aaral, maaring nahawa ang 9 na miyembro ng tatlong pamilya sa taong nagmula sa Wuhan, China. At ito ay sa pamamagitan ng droplet transmission na ikinalat ng aircon na nakatapat sa mga mesa nila.
“Virus transmission in this outbreak cannot be explained by droplet transmission alone. Larger respiratory droplets remain in the air for only a short time and travel only short distances. The distances between patient A1 and persons at other tables, especially those at table C, were all 1 meter. However, strong airflow from the air conditioner could have propagated droplets from table C to table A, then to table B, and then back to table C.”
Ito ang pagpapaliwanag ng mga researcher ng ginawang pag-aaral.
Rekumendasyon ng pag-aaral
Kaya naman dahil sa kanilang natuklasan ay may rekumendasyon ang mga researcher ng ginawang pag-aaral.
“To prevent the spread of the virus in restaurants, we recommend increasing the distance between tables and improving ventilation.”
Ito ang kanilang suhestisyon.
Sinuportahan naman ng isa pang pag-aaral ang natuklasan nilang ito. Dahil base sa isang research na nailathala sa Journal of the American Medical Association, may natagpuang traces ng coronavirus sa air duct ng isang ospital. Isang patunay na naikakalat ng galaw ng hangin ang virus at kumakapit sa vents ng airconditioner.
WHO: Poor ventilation nakakatulong sa pagkalat ng sakit
Samantala, sa isa sa mga guidelines na inilabas ng WHO ay una na nilang sinabi kung paano nakakatulong sa pagkalat ng sakit ang poor ventilation sa mga buildings. At ang mga microorganisms tulad ng nagdudulot ng tuberculosis o legionellosis ay maaring maikalat sa pamamagitan ng airconditioning system.
“Poorly ventilated buildings affect air quality and can contribute to the spread of disease. Microorganisms, such as those causing tuberculosis and legionellosis, can be transmitted by air-conditioning systems. Particularly when they are poorly maintained or when the number of air exchanges per hour in a room is insufficient.”
Ito ay bahagi ng pahayag mula sa WHO guideline tungkol sa ventilation at airborne diseases.
Kaya naman dahil rito ay kanilang ipinayo na gumamit ng well-designed natural ventilation system ang mga ospital at clinic na mas epektibo sa pagkontrol ng pagkalat ng mga sakit.
Source:
SCMP, Express UK, CDC, WHO
Basahin:
COVID-19 cure baka handa na sa mga susunod na araw, ayon kay Pres. Duterte
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!