TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login / Signup
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Bata, nagkaroon ng amag sa tenga dahil sa laging pagsusuot ng earphone

4 min read
Bata, nagkaroon ng amag sa tenga dahil sa laging pagsusuot ng earphone

Sa kaso ng isang bata, nagkaroon siya ng infection sa tenga dahil sa palaging pagsusuot ng earphones, ito ba ang masamang epekto ng pagsuot nito? | Warning: Graphic content.

Masamang epekto ng pagsuot ng earphones?

Tumaas ang percent ng mga batang gumagamit ng gadgets ngayon lalo na dahil ang iba ay naka home-based learning o kaya naman ginagamit sa entertainment. Mayroong mga bata na gumagamit ng screen devices at kadalasang kasama nito ang audio devices para mas maganda ang resulta ng pinapanood o pinapakinggan. Katulad na lamang ng mga batang nanonood ng video o naglalaro sa cellphone. Kadalasan ay naka earphone sila para mas maganda o rinig ang pinapanood.

Akala natin ay harmless ang madalas na paggamit ng audio device pero hindi narin alam na delikado rin ito lalo na sa kaso ng batang nagkaroon ng tila amag sa loob ng kanyang tenga dahil daw sa madalas na pagsusuot ng earphone.

May masamang epekto ba ng pagsuot ng earphones?

Sa kaso ng 10 years old na batang lalaki sa Beijing, reklamo nito na hindi siya nakakarinig ng maayos at sobrang nangangati ang kanyang tenga.

Dahil sa lumalalang kondisyon niya, sinabi niya agad ito sa kanyang nanay at agad naman siyang dinala sa Shunyi Women and Children’s Hospital para matignan ang kanyang tenga. Ayon ito sa report ng ETtoday.

Nang masuri ang bata, dito nakita na tila may “fluff-like fungus” ang loob ng tenga nito. Ang suspect nila ay ang palaging pagsusuot ng earphone nito.

Ayon sa doctor, nangyari ito dahil walang proper ventilation ang tenga ng bata dahil may nakasuot ditong earphone na nagdulot ng hot flashes.

Kapag walang ventilation ang tenga, dito nagkakaroon ng moisture “humidity and elevated temperatures” Dito may pagkakataon ang black mold na magdevelop at dumami.

masamang-epekto-ng-pagsuot-ng-earphones

Masamang epekto ng pagsuot ng earphones Image from ETtoday

Pagsundot sa tenga

Isa ring nagpalala ng kondisyon dito ang palaging pagsundot ng batang lalaki sa kanyang tenga. Dahil dito, ang mucosal membrane sa tenga ng bata ay nasira kaya nagkaroon rin agad ng fungal ear infection o yung tinatawag na Otomycosis.

Magandang balita naman dahil nagamot din agad ang bata mula sa infection at mold sa kanyang tena. Bumalik na rin ang kanyang pandinig.

Ayon sa doctor, aabutin ng tatlong linggo bago tuluyang gumaling ang fungal infection ng bata. Babala rin nito na ang mga fungal disease ay mabilis tumubo at kadalasang bumabalik agad. Kaya naman ugaliin ang kalinisan sa katawan ng tao para maiwasan ang ganitong kondisyon.

masamang-epekto-ng-pagsuot-ng-earphones

Masamang epekto ng pagsuot ng earphones Image from iStock

Tips sa paglilinis ng tenga ng bata

Akala natin na kapag malinis at tuyo ang tenga ng ating mga anak ay magandang kondisyon na tio. Ngunit hindi natin alam na hindi pa talaga ito nalilinis.

Believe it or not, okay lang ang magkaroon ng ear wax sa tenga basta hindi lang ito magkakaroon ng amoy. Dahil nagagawa nitong malinis ang ear canal.

Kung nais mong malaman kung paano linisin ang tenga ni baby ng safe, narito ang tips mula sa Cambridgeshire Community Services NHS Trust.

Do’s

  • Kung may dumi sa external ear, linisin ito gamit ang malinis at basang tela.
  • Iwasan ang paggamit ng sabon kapag nililinis ang tenga ni baby. Pwede kasi itong magbara at magkaroon ng poisonous agents.
  • Gumamit ng cotton ball kapag lilinisan ang loob ng tenga ni baby. Iwasan ang gumamit ng sabon. Patuyuin ito pagkatapos linisan.
masamang-epekto-ng-pagsuot-ng-earphones

Masamang epekto ng pagsuot ng earphones Image from Freepik

Don’ts

  • ‘Wag sundutin ng iyong daliri
  • ‘Wag sundutin ng cotton bud
  • Iwasan ang paglilinis gamit ang washcloth
  • ‘Wag gumamit ng matalim na bagay. Delikado ito at maaaring magkaroon ng injury ang loob ng tenga. Pwede rin itong maging dahilan ng pagtulak sa wax sa pinakaloob ng tenga na magdudulot ng infection dahil sa nakabarang dumi.

 

Translated by Mach Marciano

Translated with permission from theAsianparent Singapore

 

Partner Stories
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Safety First, Mommies! Know What's in Your Baby Wipes
Safety First, Mommies! Know What's in Your Baby Wipes
Dinner Time and Traditions: Strengthening Family Bonds, One Meal at a Time
Dinner Time and Traditions: Strengthening Family Bonds, One Meal at a Time
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin

Lead image from iStock and ETtoday.

 

BASAHIN:

Luga sa tenga: Sanhi, sintomas, at lunas para sa earwax buildup

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Gabay ng Mga Magulang
  • /
  • Bata, nagkaroon ng amag sa tenga dahil sa laging pagsusuot ng earphone
Share:
  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

  • Let’s Not Fail Our Kids: An Open Letter to Corporations and Builders

    Let’s Not Fail Our Kids: An Open Letter to Corporations and Builders

  • How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

    How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

  • Let’s Not Fail Our Kids: An Open Letter to Corporations and Builders

    Let’s Not Fail Our Kids: An Open Letter to Corporations and Builders

  • How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

    How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko