7 rason kung bakit dapat bawasan ang pag-post tungkol sa inyong relasyong mag-asawa

Paliwanag ng mga relationship experts, dahil baka sa sobrang busy mo kaka-post sa social media ay hindi mo na napapansin na may problema na ang inyong pagsasama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para maiwasan ang masamang epekto ng social media sa relasyon, mabuting maghinay-hinay sa mga isi-share mo tungkol sa pagsasama ninyong mag-asawa. Narito ang ilang bagay na dapat mong isaisip at tandaan sa susunod na magpopost ka sa iyong social media tungkol sa inyong relasyon.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Masamang epekto ng social media sa relasyon.
  • Ano ang mga hindi mo dapat i-post sa social media tungkol sa pagsasama ninyong mag-asawa.

Masamang epekto ng social media sa relasyon

Bagama’t masaya at proud ka sa iyong partner o asawa, paalala ng mga eksperto mabuting maghinay-hinay sa pagpo-post sa social media ng tungkol sa relasyon ninyo. Ito ay dahil may masamang epekto ito sa inyong relasyon na hindi mo namamalayan. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Nagiging tampulan ito ng bad energy.

Panigurado maraming mapapa-sana all kapag pinost mo sa social media ang mga sweet moments ninyong mag-asawa. Pero asahan mo ring mayroong isa sa mga friends o followers mo ang bumubulong sa sarili niya na “maghihiwalay din kayo.”

Ito ay ang parehong tao na susubaybay sa mga post mo. Matutuwa kapag nagkakaproblema kayong mag-asawa na nalalaman niya dahil sa mga status updates mo.

2. Maaari rin itong pagsimulan ng pag-aalinlangan mo sa inyong relasyon.

Hindi mo rin mapipigilan ang mga harsh comments mula sa netizens kung naka-public sa social media ang bawat ganap sa relasyon ninyo. Tulad na lamang ng “Ganyan din kami ka-sweet noong una ng asawa ko. Pero nabago ang lahat matapos ang ilang taon at nakahanap na siya ng iba.”

Nakadepende sa ‘yo kung magpapaapekto ka sa mga pahayag na ito. Pero maaaring pagsimulan ito ng pag-aalinlangan mo sa relasyon mo sa asawa mo at maging dahilan din ng kapraningan sa ‘yo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

People photo created by freepik – www.freepik.com 

3. Nagiging basehan ng happiness mo sa inyong relasyon ang komento at reaksyon ng netizens.

Masarap malaman na maraming pumupuri sa masayang takbo ng relasyon ninyong mag-asawa o magkarelasyon. Bagama’t ito ay positibong pakiramdam, ito ay maaaring magdulot ng peligro sa inyong relasyon.

Sapagkat maaari kang masanay o magdepende sa komento at reaksyon ng netizens sa satisfaction mo sa pagsasama ninyong mag-asawa.

Kaya naman payo ng relationship at dating expert na si John Bennett, hangga’t maaari ay huwag ng i-post ang relasyon ninyo sa social media. Sa halip, ituon ang pansin sa mga maaari ninyong gawin para mas lalo pang maging masaya ang inyong pagsasama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Payo ni Bennett,

“Keeping your relationship off of social media allows you to live in the moment and not be focused on making sure everything you do is perfect enough to share with others. And while it may take some getting used to, it will ultimately be way more fun.” (Kapag hindi ka masyadong nagpo-post sa social media patungkol sa inyong relasyon, mas makakapagpokus ka na ma-enjoy ang moment niyong mag-asawa. Kaysa maging focus sa pagiging perfect para sa iba. Kahit na medyo matatagalan o mahihirapan ka na gawin ito, siguradong mas magiging masaya ito.)

 

BASAHIN:

#TAPMomAsks: Dapat ko bang malaman ang password ni mister sa kaniyang social media account?

8 epekto sa relasyon kapag nanonood ng malalaswang video ang asawa mo

Negatibong epekto ng social media: Sanhi nga ba ng kalungkutan?

4. Nagdudulot sa ‘yo ng pressure ang pagpo-post sa social media. Ito ay maaaring maging dahilan para mawalan kayo ng quality time na magkasama ng iyong asawa.

Kapag nagsimula ka ng dumepende sa reaksyon at komento ng netizen sa mga post mo tungkol sa inyong relasyon, susundan ito ng pressure na dapat ay laging may bago kang mai-post na gusto mong purihin rin nila.

Ang resulta nito minsan ang mga quality time o sweet moments ninyong mag-asawa sana ay naiistorbo. Ito ay dahil sa kailangan mo munang picturan at i-post ito sa social media.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Halimbawa, ang date ninyo na maaaring maabala dahil busy ka kakakuha ng perfect shot para sa status update mo sa social media.

Photo by Samson Katt from Pexels

5. Maaaring hindi ito gusto ng partner mo at maging simula ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan ninyo.

Hindi lahat ay natutuwa sa mga happenings sa social media. Lalo na ang mga taong pinapahalagan ang privacy nila na maaaring kabilang ang partner mo pala.

Kaya naman mas mabuting alamin kung ayos lang ba sa partner mo ang iyong ginagawa. Sapagkat baka mamaya ay hindi at pagsimulan pa ng problema sa inyong pagsasama.

Gaya na lamang ng mga pinopost mong kissing selfies ninyo, unflattering pictures o kaya naman ay mga bagay na inireregalo niya sa iyo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

6. Nawawalan ng privacy at intimacy ang inyong relasyon.

Sa oras na nag-post ka sa social media ng tungkol sa relasyon ninyong mag-asawa, inaalis mo na ang privacy ng pagsasama ninyong dalawa.

Dahil rin sa pressure na idinudulot nito, hindi lang privacy ninyo ang nawawala kung hindi pati na rin ang inyong intimacy. Hindi mo namamalayan, ang mga ito pala ay unti-unti ng nauuwi sa feeling of disconnection sa pagitan ninyong mag-asawa.

Pahayag ng clinical psychologist na si Dr. Carla Marie Manly.

“The time spent posting on social media is time taken away from face-to-face contact with your partner. And, all too often, it’s genuine face-to-face contact that is lacking in a romantic partnership. Without it, you may start to feel disconnected.” (Ang palaging paglalaan ng oras sa social media ay inilalayo kayo ng partner mo sa isang face-to-face na connection. Madalas, ang kawalan ng face-to-face contact ay sanhi rin ng pakawal ng romantic relationship ninyong magkarelasyon. Kung wala ito, maaaring maging disconnected kayo.) 

Photo by ROMAN ODINTSOV from Pexels

7. Maaari itong magdulot ng irreplaceable damage sa inyong relasyon.

Madaling magbura ng mga social media post o kaya mag-deactivate ng account. Ang mahirap ay ang alisin sa mga isip ng mga taong nakabasa na ng post mo ang nalaman nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang punto ng motivational speaker at author na si Bheki Zunga kung bakit hangga’t maaari ay dapat limitahan ang mga pino-post mo tungkol sa inyong relasyon sa social media.

Paliwanag niya, sa oras na dumaan sa rough road ang inyong pagsasama, hindi maiiwasang magkaroon ng palitan ng masasakit na salita. Ang tendency nito maaaring kayong magkarelasyon ay naka-moveon na.

Pero ang mga taong nakapaligid sa inyo tulad ng kaniya-kaniyang ninyong pamilya ay apektado pa. Kaya naman imbis na maayos ninyo pa ay maaaring komontra na ang inyong pamilya na ito ay mangyari pa.

Kaya naman payo ni Zunga, hindi masamang mag-share ng mga updates ng inyong relasyong mag-asawa sa social media. Pero dapat ay limitahan ninyo ito at hangga’t maaari ay iwasang mag-post ng tungkol sa mga arguments at disagreements ninyong dalawa.

Dagdag pa niya kaysa ilaan ang iyong oras sa pagpopost sa social media, mabuting mag-concentrate na lamang kung paano ninyo mas pasasayahin at patitibayin pa ang relasyon ninyong mag-asawa.

Source:

Medium, Bustle, RD List, News 24