X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

LOOK: Mass wedding na naging 'masked' wedding ginanap sa Bacolod

4 min read

Masked wedding Philippines, ito ngayon ang bagong tawag sa sabayang pagpapakasal ng 220 couples sa Bacolod City. Dahil ang mga ikinasal maliban sa sabay-sabay ay pareho-parehong nakasuot ng mask ng ganapin ang seremonya ng kanilang pag-iisang dibdib.

Masked wedding Philippines

Image from CNN

Mass to masked wedding Philippines

Ang mga mass wedding ay isa lamang sa mga programang inihahandog ng gobyerno ng Pilipinas para sa mga Pilipinong nag-iibigan ngunit walang kakayahang magpakasal. Dahil sa pamamagitan nito ay nagiging legal ang kanilang pagsasama ng libre at hindi na kailangang gumastos pa. Ang kinaibahan nga lang nito sa nakaugaliang kasal ng dalawang taong nagmamahalan, ay hindi ito esklusibo sa kanila lang. At kailangan nilang makisabay sa iba pang mag-partner na nais ring makuha ang basbas ng kasal.

Sa Bacolod ay itinuturing na ngang annual event ang mass wedding sa pamumuno ni Mayor Evelio Leonardia. Sa katunayan ay naitala sa lungsod ang pinakamalaking mass wedding na naganap sa Pilipinas. Ito ay noong 2013 na kung saan higit sa 2,000 mag-partner ang ikinasal.

Tulad ng mga nakaraang taon ay ginanap muli ang mass wedding sa Bacolod pagkatapos ng Valentine’s day. At ang seremonyas ay isinagawa sa lobby ng “most photographed” city hall ng Bacolod City. Ngunit ang mass wedding ngayong taon sa Bacolod ay espesyal. Dahil maliban sa maswerteng araw na isinagawa ito ayon sa astrology na February 20,2020, ay ang mga ikinasal ay nakasuot ng mask. Dahilan upang tawagin itong “masked wedding”.

“This is a mass wedding like no other because of its unique date. And for the first time ever couples have to wear masks as a precaution.”

Ito ang mensahe ni Mayor Evelio Leonilda sa ginanap na matrimonial rites ng masked wedding Philippines.

Pagsusuot ng mask bilang proteksyon laban sa COVID-19

Paliwanag ni Mayor Leonilda, ay isa lamang ito sa precautionary measures na kailangang isagawa upang matuloy ang mass wedding ngayong taon sa Bacolod. Ito ay dahil sa banta ng kumakalat na sakit ng COVID-19 o coronavirus disease. Wala pa mang nairereport na kaso ng sakit sa lungsod ay minabuti narin nilang makasigurado. At hiningi nila ang pahintulot ng Department of Heath sa pagsasagawa nito.

May travel at health checks rin

Dagdag pa nga ni Mayor Leonilda, hindi tulad ng nakaugaliang kasal ay may nadagdag din sa mga requirements na inihanda ng mga nagpakasal ngayong taon. Dahil maliban sa marriage license at iba pang requirements sa kasal, ay nagpasa rin ng kanilang travel history ang mga nagpakasal sa nakalipas na 14 days bago ang seremonyas.

Masked wedding Philippines

Image from BBC News video

Sa aktwal na wedding event ay may mga health workers rin ang kumukuha ng temperature ng mga ikakasal na pumapasok sa venue. At ng sabihin na nga ang “kiss the bride” line ay hindi lang halik ang sumelyo sa ginagap na sabayang pag-iisang dibdib. Kung hindi pati narin ang mask na nagsilbing proteksyon ng mga nagpakasal mula sa kumakalat na sakit.

Kakaiba at kakatwa man kong titingnan ang ginanap na “Kasalan ng Bayan: 220 on 02-20-2020” sa Bacolod ay naging napakahalagang event naman ito sa mga nagpakasal. Tulad nalang para oldest couple sa ginanap na mass wedding na sina Rolly Glenn de la Cruz, 60, at Jennifer Mijares, 62. Dahil matapos ang 41 years na pagsasama at pagkakaroon ng dalawang anak ay ngayon lang nabasbasan ang pag-iibigan nila. Isa sa pangunahing layunin ng mass weddings na patibayin ang pundasyon ng bawat pamilya.

“A family starts with the couple. If we have a strong family, we have a strong society, and a strong city.”

Ito ang dagdag pang pahayag ni Bacolod Mayor Leonilda sa ginanap na masked wedding Philippines.

masked-wedding-philippines

Image from Unsplash

COVID-19 sa Pilipinas

Sa ngayon ay patuloy na ipinapayo ng DOH sa mga Pilipino na mag-ingat sa pagkalat ng sakit sa bansa. Paulit-ulit paring pinaaalala na umiwas muna sa matataong lugar. O kung hindi man maiwasan ay mag-suot ng mask bilang proteksyon. Ugaliin rin ang paghuhugas ng kamay at panatilihing malusog ang pangangatawan. Sa oras na makaramdam ng sintomas ng COVID-19 tulad ng lagnat, ubo, sipon at sore throat ay magpatingin na agad sa doktor. Upang dumaan sa test at sumailalim na sa isolation. Hinihikayat rin ang sinumang nanggaling sa mga bansang may naiulat na kaso ng sakit na dumaan sa self-quarantine. Ito ay kailangang isagawa sa loob ng 14 araw. Ito ay upang masigurado na hindi na maihahawa ang sakit pa sa iba, kung sakaling sila ay infected na ng virus.

 

SOURCE: Manila Bulletin, PNA

Photo: PNA

BASAHIN: Pinoy sa Singapore nag-positibo sa coronavirus

Partner Stories
‘No Tricks, Just Treats’ at Rizal Park Hotel on Oct 30
‘No Tricks, Just Treats’ at Rizal Park Hotel on Oct 30
Sing your heart out and be inspired to chase your dreams with McDonald’s new Sing 2 Happy Meal!
Sing your heart out and be inspired to chase your dreams with McDonald’s new Sing 2 Happy Meal!
A mother’s sacrifice: Heroic tales of love and care from mom frontliners
A mother’s sacrifice: Heroic tales of love and care from mom frontliners
You #GataTry These Coco Mama Fresh Gata Twists!
You #GataTry These Coco Mama Fresh Gata Twists!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pandemya ng COVID-19
  • /
  • LOOK: Mass wedding na naging 'masked' wedding ginanap sa Bacolod
Share:
  • Pilipinas, nahuhuli sa pag-test ng COVID-19 patients - data shows

    Pilipinas, nahuhuli sa pag-test ng COVID-19 patients - data shows

  • Mass Testing: Ano nga ba ang ibig sabihin nito?

    Mass Testing: Ano nga ba ang ibig sabihin nito?

  • 10 things you should never say to your child

    10 things you should never say to your child

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • Pilipinas, nahuhuli sa pag-test ng COVID-19 patients - data shows

    Pilipinas, nahuhuli sa pag-test ng COVID-19 patients - data shows

  • Mass Testing: Ano nga ba ang ibig sabihin nito?

    Mass Testing: Ano nga ba ang ibig sabihin nito?

  • 10 things you should never say to your child

    10 things you should never say to your child

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.