Philippine coronavirus Singapore: Isang Filipino citizen ang nag-positibo sa novel coronavirus o COVID 19 sa Singapore.
Ayon sa Department of Foreign Affairs o DFA, kasalukuyang nasa National Centre for Infectious Diseases Singapore na ang pasyente.
Screenshot from Twitter
Philippine coronavirus Singapore
Image from Freepik
Bagama’t hindi pa nakumpirma kung OFW ba o turista lamang ang Pilipinong nag-positibo sa COVID 19 sa Singapore, naka-antabay naman ang DFA dito. Sa kasalukuyan ay mayroong 89 confirmed cases na sa Singapore at ito ay patuloy pang dumarami. Ang global death toll naman ng COVID 19 ay nasa 2,458 na.
Ayon naman kay Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr., hindi niya raw pinapaburan ang travel ban sa Singapore dahil hindi umano dapat mag-base sa dami ng kaso ng sakit sa isang bansa. Hindi raw ito sapat na dahilan para magtaas ng travel ban sa bansa.
Novel Coronavirus o COVID 19 update
Sa kasalukuyan, mayroon ng 608 na pasyente ang binabantayan sa buong Pilipinas. Tatlo pa lang dito ang kumpirmado, 131 ang naka-admit sa ospital at 474 naman ang na-discharge na. Pinakamaraming kaso ang binabantayan sa Metro Manila na may bilang na 204. Sumunod naman dito ang Calabarzon na may 79 na hinihinalang kaso.
Sa kabuuan naman, mayroong mahigit 55 na Pilipinong kumpirmadong may COVID 19. Ang 2 kaso ay mga Pilipinong nasa UAE, isa sa Hong Kong at 51 sa naka-quarantine na cruise ship sa Japan.
Sa kabila nito, wala pa namang naitatalang local transmission ng sakit.
Mga bansang may kumpirmadong kaso
30 bansa na ang may mga kumpirmadong kaso ng COVID 19. Maaalalang nagmula ang sakit sa Wuhan, China kaya naman sa kanila ang may pinakamaraming positive cases. Karamihan din ng mga recorded deaths ay mula sa China.
Pero sa kasalukuyan, mayroon ng mga confirmed cases sa mga malalayong bansa dito katulad ng Belgium, Canada, France, Germany, Italy at United States. Bukod sa China, pinakamaraming kaso naman ang naitala sa Japan at South Korea.
Nananatiling mababa ang bilang ng mga kumpirmadong kaso sa ating bansa ngunit paalala ng Department of Health, maging maingat pa rin at alerto sa banta ng sakit.
Gaano ka-delikado ang COVID 19?
Image from Freepik
Kung ikukumpara sa 2002-2003 SARS Outbreak, masasabing mas malala ang COVID 19. Dahil nalagpasan na nito ang bilang ng namatay dahil sa sakit. Ngunit ayon naman sa World Health Organization, bagama’t mas mabilis na kumalat ang COVID 19, nananatili namang mababa ang mortality rate nito na nasa 2 percent lamang.
Ang mga scientists sa buong mundo ay nagfo-formulate na ng vaccine para dito pero kung sakali mang matapos ito ay sa 2021 pa maaaring magkaroon ng mass distribution para rito.
Itinala naman nang global emergency ng WHO ang medical outbreak na ito. Ang unang top-level alarm ay itinala noong nagkaroon ng human-to-human transmission ang sakit na nangyari sa China.
SOURCE: ABS-CBN News, Rappler, Aljazeera
BASAHIN: Kalahati sa hinihinalang may coronavirus nag negatibo ayon sa DOH
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!