Masungit na bata ba ang anak mo? 6 ways para tulungan siyang mas maging mabait

Nagiging masungit na bata ba ang anak mo? Tulungan siyang maging mabait gamit ang ilang mga paraan sa artikulong ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Karamihan sa mga bata ay wala pang self-awareness o skills para malaman kung ano ang kanilang mga kinikilos. Kung madalas mo nang napapansin na masungit na bata ang anak mo at may ibang negatibong ugali ang anak, dapat ay tulungan siyang mabago ito.

Malaki ang magiging role ng parents sa development nila lalo na sa ugali nila. Kaya naman tutulungan namain kayo ng ilang ways para turuan silang maging mabait.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • 6 ways para tulungan ang anak maging mabait
  • Tips para sa mga magulang

6 ways para tulungan ang anak maging mabait

May mga batang mapapansin mong mayroong ugali ng pagiging bossy. Mayroon din nakikipag-usap in a “mean way” o kaya ay nagsusungit na. Ang mga ganitong ugali ng bata ay hindi nila sinasadya at hindi pa nila intention na nagagawa.

Kalakhan sa mga ganitong bata ay nakararanas ng feelings of insecurity, self-doubt at anxiety. Kaya naman umaakto sila gamit ang projection. Nadadala nila sa ibang bata ang mga hindi komportableng emosyon na ito.

Larawan mula sa Shutterstock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya naman na mahalagang turuan sila kung paano maging mabuti. Bukod dito, kailangan pa ring ma-address kung saan nanggagaling at bakit ganito ang kanilang behavior. Ito ang 6 effective ways mula sa Psychology Today para matulungan ang inyong kids na mag-improve pa sila:

1. Kontrolin ang iyong emosyon at iyong mga reaksyon.

Iwasan ang magkaroon ng reactive-mode sa inyong mga anak. Talaga namang stressful para sa mga magulang na makita silang nagkakaroon nagiging mean. Minsan, nauuwi sa pagsasabi ng mga magulang na wala nang gustong makipaglaro sa kanila dahil sa ganitong ugali.

Hindi maganda ang ganitong response para sa mga bata. Nauuwi lamang ito sa shaming dahil nalulunod sila ng emosyon. Hindi sila magkakaroon ng chance para mag-reflect pa.

Mas magandang paraan ay ipakita sa mga bata na handa kang tulungan sila nang walang judgement. Sa ganitong paraan ay matutunan nilang magkaroon ng good choices para sa sarili.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2. Matuto na makipag-communicate sa iyong anak kapag galit siya o nagsusungit siya. 

Parating ipaalala sa kanila na sila ay mabuting tao, pero kung minsan ay nagpapakita ng mga ugaling hindi maganda. Pwedeng sabihin sa kanila na lahat naman ng tao kahit matatanda na ay nakararanas kung minsan ng pagseselos at kompetisyon.

Hindi nga lang tama na maiparamdam na makasakit na ng damdamin ng tao. Mainam na tulungan silang mag-engage sa usapin kung paano maaaring magrespond sa mga kaibigan in a positive way.

3. Huwag silang husgahan o pagalitan agad

Sa tuwing gusto magkaroon ng objective na usapin, subukang i-demonstrate ang maling pangyayari nang walang judgement. Maganda kasing matutunan ng bata na mag-isip muli sa ginawa niyang pagkakamali.

Halimbawa, nakipag-agawan siya sa laruan hindi naman sa kanya, sabihing “Kanina nakita kong kinuha mo ang bola ng kaibigan mo at nagalit ka nung hindi nabigay sa’yo. Siya ang may-ari ng laruan.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa ganitong paraan, inilarawan mo lang ulit kung ano ang nangyari pero wala kang pinakitang kinakampihan mo. Kapag naririnig niya ang ganito ay mapapaisip ulit siya sa naging maling gawi.

Larawan mula sa Shutterstock

BASAHIN:

6 na habits ng isang sensitive na bata na dapat mong malaman

7 parenting mistakes kaya madali kang nagagalit sa anak mo

4 parenting mistakes kaya lumalaki na irresponsable ang bata

4. Gabayan ang iyong anak

Maging curious kaysa mag-demand. Dapat ay palaging objective ang mga tanong mo sa kanya para siya ang kusang titingin sa sitwasyon.

Gusto kasi nilang tulungan sila sa tuwing may difficult encounter na naranasan. Mas hindi nakakatulong kung sila ay dinidiktahan sa kung anong dapat gawin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Halimbawa na lang ay magtanong ng, “Kung sakaling inagaw mo iyong laruan kahit hindi naman sa’yo. Ano ang sunod na mangyayari?” Para magkaroon sila ng time na i-evaluate ang kanilang sarili.

5. Tulungan siya

Magiging open sa consideration at corrections ang bata sa kanilang kilos kung hindi sila ipinapahiya. Kung nakita mo nang may maling ginawa, tulungan sila kung ano ang dapat gawin para naman maitama ito.
 
Halimbawa ay nakita mo ngang nakikipag-agawan siya sa ng laruan magandang ipaliwanag ang sitwasyon. “Sinusubukan ng mga kaibigan mong makipaglaro sa’yo, pero dahil inaagawan mo sila ng laruan wala nang laruan para sa kanila. Kaya dahil dun, nalulungkot silang kasama ka. Okay lang ba sa iyo na maglaro na lang mag-isa?”

Larawan mula sa Shutterstock

6. Magbigay ng mga cue word o cue tools para sa iyong anak

Effective na way ang magkroon ng cue word. Ang mga cue words na ito ay dapat signal na sila ay nagkakaroon na naman ng bad behavior. Sa ganitong paraan kasi magiging aware sila na narireach na nila ang limitation. Pwedeng gamitin ang salitang, “banana brain.”

Halimbawa ay nakita mong nakipaghatakan siya sa laruan, para hindi siya mapahiya kung mapagsasabihan banggitin ang cue word sa kanya na “banana brain.” Dapat ay alam niyang ang ibig sabihin nito ay may mali na siyang ginagawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kinakailangang solusyunan ng inyong anak ang kanilang mga problema. Sila ang may responsibility at in-charge sa kanilang mga actions.

Ang mga paraan na ito ay para lamang matulungan silang umunlad ang mga positive behaviors kaysa sa mga positive behaviors na ipinapakita nila.

 

Sinulat ni

Ange Villanueva