Talaga namang magkakaiba ang katangian ng bata. Kaya nga hindi maitatanggi na isa sa mga pinakamahirap na gampanin ay ang maging magulang lalo sa panahong nasa kasagsagan ng kabataan pa ang mga anak. Inilista namin ang 5 katangian ng isang sensitive bata.
Madalas na problema ng mga nanay at tatay ang walang katapusang sermon at bangayan dahil sa mga kinikilos ng kanilang mga chikiting. Kung minsan ay nagbabatuhan pa ang mag-asawa ng, “nagmana kasi sa’yo ‘yan!”dahil sa kinalalabasang ugali ng kanilang anak.
Isa sa maraming katangian ng bata na magandang talakayin at maunawaan ay ang mga tinatawag na “highly sensitive children” o “hs children.” Sila iyong mga bata na mas malalim ang pagtanaw at reaksyon sa mga bagay-bagay.
Kadalasang sila ang maituturing na “passionate” dahil sa kakaibang pagtingin nila sa buhay. Dahil sa intesidad ng kanilang mga nararamdaman madalas ay nahihirapan silang tanggapin ang mga pagsubok sa buhay.
Katulad ka ba sa mga nais malaman kung ang katangian ng isang bata ay maituturing na “highly sensitive children?” Ito raw ang ang mga habits nila ayon kay Claire Lerner, isang child developmental at parenting expert.
Katangian ng isang bata
Magpopokus tayo sa 5 katangian ng isang sensitive na bata, ngunit ano nga ba ang karaniwang katangian ng isang bata?
Ang mga maaaring katangian ng isang bata ay makikita sa kanilang development milestones. Kasama na rito ang mga kasanayan tulad ng mga unang paghakbang, unang pag-smile, at matutong mag-wave ng bye-bye, first word, unang pagtawa, na ilan sa maituturing na mga 5 halimbawa ng katangian ng isang bata.
Ang mga katangiang ito ay maaaring matutunan ng isang bata sa isang partikular na phase ng kanilang paglaki. Napupulot nila ang mga development milestones na ito sa kung paano sila matuto, maglaro, magsalita, kumilos, at gumalaw (tulad ng paglakad, paggapang, at pagtalon).
Mga mapapansing katangian ng isang bata
Sa pagtuntong ng isang bata sa eded na 2 hanggang 5 taon, ang mga katangian nila ay mas madalas na gumalaw-galaw. Maliban pa dito, mas nagiging malay sila sa kanilang mga sarili at sa kanilang kapaligiran.
Dagdag pa, mas nadaragdagan ang pagnanais nila na mag-explore sa mga bagong bagay at ibang tao. Sa stage na ito ng kanilang paglaki, ilan sa mga katangian ng bata ang pagpapakita ng independence, nagsisimulang magpakita ng defiant na behavior, at nagiging sensitibo.
May mga katangian din ng bata na nagtuturo sa kanila ng mga bagong kasanayan at pagkilala sa sarili tulad ng pagtingin sa kanilang reflection sa salamin. Gumagaya rin sila ng mga paggalaw at behavior sa mga taong nasa kanilang paligid.
Halimbawa ng 5 katangian ng isang bata na nasa edad 2 taon
Ang mga bata na nasa edad 2 taong gulang ay kapapansinan ng iba’t ibang development milestones. Ilan sa mga ito ay makikita sa kanilang pisikal na katangian. Narito ang 5 katangian ng isang bata na nasa edad 2 taon:
- Pag-develop ng muscles sa kanilang dibdib.
- Ang mga braso, binti, at maging katawan ay nadadagdagan ng sukat.
- Hindi pa ganoon ka straight ang kanilang posture.
- Naka-bend forward pa rin ang kanilang ulo.
- Ang mga tuhod at siko ay naka-bend na ng bahagya.
Ilan lamang ang 5 pisikal na katangian na ito sa mga development milestone ng isang bata na edad 2 taon. Ngunit, magkakaiba ang paraan ng paglaki ng bawat bata batay na rin sa kanilang genetic traits, kapaligiran, at kung paano sila mabuhay ng malusog.
5 katangian ng isang sensitive na bata
Gaya ng nabanggit ang mga “hs children” ay nakararanas nang matinding emosyon at karanasan sa mundo kumpara sa iba pang mga bata. Kadalasang inilalarawan ng mga magulang na “enraged” o parating galit ang damdamin ng mga katangian ng batang ganito.
Halimbawa na lang ay sasabihin niyang, “Hindi naman ako pinaghahandaan ni Mama ng paborito kong pagkain!” Ngunit sa reyalidad talaga ay parati siyang nilulutuan kumpara sa iba niya pang mga kapatid.
Maaaring ipaliwanag sa kanila nang masisinan ng kanilang mga magulang na ginagamapanan mo naman ang kanilang mga hiling.
2. Parating takot o ‘di kaya’y mapagbantay sa mga bagong sitwasyon.
Maraming katanungan ang sumusulpot sa utak ng isang bata na may katangian ng pagiging “higly-sensitive.” Kung sakaling mapupunta siya sa isang handaan, salu-salo o ano pa mang bago hindi niya maiiwasang mag-isip at magtanong ng kung anu-ano.
Ganito nila parating inaalisa ang mga bagay-bagay kaya naman kinokonsidera silang mga matatalinong bata.
Sa kabilang banda maaaring magdulot sa kanila ito ng matinding “anxiety.” Kinakailangan nilang bumalik sa mga komportableng bagay o sitwasyon para sa kanila upang maiwasang mangyari ito. Kaya naman maaaring mahirapan silang makadiskubre ng mga bagong bagay.
Sa tuwing makikita na ang iyong anak na ganito, mainam na sila ay pakalmahin sa pamamagitan ng pagyakap o hindi kaya ay pakikipag-usap sa kanila ng upang sila ay hindi mataranta.
Larawan mula sa Shutterstock
3. Maaaring maging “perfectionist”
Isa sa mga katangian ng ganitong bata ay maging “perfectionist.” Hindi gusto ng mga batang may katangian ng pagiging “highly sensitive” ang maging palpak, magkamali o talunan sa kahit anumang bagay. Nawawalan sila ng kontrol sa sarili kung hindi nila magagawa ang mga bagay sa kung paano nila ito gugustuhin.
Labis na kahihiyan para sa kanila ang pakiramdam ng pagkatalo.
Mainam na ipaintindi sa kanila na hindi palaging nananalo sa lahat ng pagkakataon. Maraming beses na makakaranas sila ng pagkatalo ngunit ang mahalaga ang ginawa niya.
Larawan mula sa Shutterstock
4. Mabilis ma-stress
Ang pagiging mabilis kung mastress ay isa rin sa katangian ng batang “highly sensitive.” Dahil sa madalas ay sensitibo ang kanilang isipan, may tendesiya ang mga batang ito na makaramdam ng stress maging sa mga simpleng bagay lamang.
Parati nilang iniisip na malubha ang mga pangyayari kahit pa ito ay hindi gaanong dapat problemahin. Makikita dito na bunga rin ito ng naunang senyales ng pagiging “perfectionist.”
5. Madaling panghinaan ng loob
Ang katangian ng batang “high sensitive” ay mas madaling panghinaan ng loob kumpara sa mga hindi sensitive na bata. Lalo itong lumalala kung makakadaupang-palad ng isang pagsubok kahit pa simple lamang iyan.
Ang mga bagay na na sinusubukan ng ibang tao na pag-aaralan pa ay kung minsan masyado nang mabigat para sa kanila. Nagbubunga ito sa hindi na nila tuluyang pagdidiskubre sa mga bagay-bagay.
Maganda ang magiging papel ng magulang sa pagpapalakas ng loob ng kanilang mga anak. Dapat ay pana-panahong pinapaalala sa kanila kung paano maging matatag.
Larawan mula sa Shutterstock
Iba pang halimbawa na maliban sa 5 katangian ng isang bata
Hindi rin maipagkakaila na ang mga 5 katangian ng isang bata ay madadagdagan pa, na kailangan maging mapagmatyag ni mommy. Narito ang ilan sa iba pang halimbawa maliban sa mga nabanggit na 5 katangian ng isang sensitibong bata:
Hindi tumatanggap ng pagkakamali
Nakararamdam sila ng labis na hiya kung sila ay tinatama o pinagsasabihan sa kanilang mga pagkakamali.
Maaaring magpakita sila ng galit, natatawa o hindi naman kaya ay hindi na lang mamamansin. Dahil nga matindi ang damdamin at emosyon, ilan lamang ito sa kanilang mga “coping mechanisms.” Sa ganitong paraan hindi sila lalamunin ng kanilang sensitibong pag-iisip.
Kinakailangang ipaintindi sa iyong anak na ang pagkakamali ay parte ng pagkatuto. Sa ganitong paraan matatanggap niya na hindi lamang siya ang tanging bata na nakararanas ng pagkakamali.
Sa kulturang Pilipino, madalas nai-“invalidate” ang mga pinapakitang katangian ng bata. Kadalasang nasasabihang,
“Bata ka pa kasi kaya ka ganyan!”
Ang mga ganitong salita ay maaaring makaapekto nang lubha sa mga bata lalo sa mga “highly sensitive children.” Malaki ang magiging parte ng magulang sa paghubog ng isipan at buhay ng kanilang magiging anak. May malaking ambag ang kanilang pakikitungo sa kung ano ang kahaharapin ng isang bata.
Ganitong mga usapin ang dapat laging nabubukas at napag-uusapan sa relasyon ng mga magulang at anak.
Maiging bantayan, magbigay ng espasyo sa pag-discover at maging gabay sa inyong mga anak. Batay sa mga naibigay nating 5 katangian ng isang bata, ang bawat bata ay maaari pang makapagpakita ng ibang traits habang sila ay lumalaki.
Karagdagang ulat mula kay Nathanielle Torre
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!