Alam niyo ba parents na maganda raw ang competition para sa development ng mga kids, ayon sa mga eksperto.
Mababasa dito sa artikulong ito:
- 8 Reasons why competition are good for your kids
8 Reasons why competition are good for your kids
Larawan mula sa Pexels
Sa school, marami ang mararanasang iba’t ibang activities ng mga student. Naririyan ang spelling bee kung saan malalaman nila ang iba’t ibang vocabularies. Mayroon ding speech choir, dance contest, o theater play na mae-enhance nila ang kanilang mga talents and skills.
Siyempre, mawawala naman ba ang mga sports activities na nakapag-uunlad ng kanilang physical na pangangatawan maging ang maraming areas of development. Sa mga ganitong pagkakataon magandang i-engage ang kids na sumali sa mga competition. Lalo na sa mga gawaing nai-involve sila sa team.
Sa isang pag-aaral ng mga eksperto, nakita nilang ang competitions o team sports na tulad ng soccer at basketball ay may magandang epekto sa mga bata. Tiningnan nila sa 11,200 bata na may edad 9 hanggang 13 ang benefits ng ganitong mga activities.
Dito nila nalamang mas mababa ang signs ng anxiety, depression, social problems, attention problems, at withdrawal sa mga bata. Ito ay kinumpara sa mga batang hindi naiinvolve sa mga ganitong activities.
Kung hanggang ngayon ay nagdedecide ka pa rin kung dapat ba na isali sila, narito naman ang ilan pang benefits ng pagsali ng mga bata sa competitions:
Larawan mula sa Pexels
Nade-develop ang kanilang kakayahan na magkaroon ng collaboration
Sa mga contest tulad nga ng team competitions, narerequire ang bata na magkaroon ng collaboration. Nae-engage kasi silang mag-communicate kasama ang team upang maipanalo ang laro laban sa opponent. Magandang halimbawa dito ang mga team sports.
Nagagawa nilang malaman ang kanilang mga strengths and weaknesses
Sa kanilang pagsabak sa competition, unti-unti nilang nae-explore kung ano ang kanilang kalakasan at kahinaan. Sa ganitong pagkakataon ay magandang paunlarin ang kanilang strengths upang lalo pa itong maging beneficial for them.
Samantalang ang kahinaan naman ay magandang ma-recognize upang magkaroon kaagad ng step on how to cope with it. Matuturuan mo silang lalo pang palawigin ang kanilang mga skills, expertise, at talents.
Makakahanap sila ng kanilang role model
Kadalasan naman ng competitions sa school ay mayroong mga seniors na pwedeng sundin ng inyong mga anak. Dito nagkakaroon ang bata ng ideya kung sino ang susundan nila ng yapak dahil nagiging role model nila sa partikular na gustong tahaking landas.
May tendency na magta-try silang i-work out ang mga bagay upang makuha rin nila ang achievements na nakuha ng kanilang role model.
Natututunan nila ang pagiging matatag at disiplinado
Nagiging way ang competitions upang maturuan ang kids na maging matatag at mapagtagumpayan ang isang bagay. Nagkakaroon din sila ng idea on how to discipline themselves upang maging consistent sa kanilang ginagawa.
Nalalaman nila kung papaano haharapin ang kanilang takot
Magandang na i-explore ng mga bata na lumabas sa kanilang comfort zone upang marami pang bagay na maranasan. Sa kanilang pagsali sa competitions nagagawa nilang maharap ang takot na dala nito kasabay ng pagiging matapang nila sa mga bagay-bagay.
Nade-develop ang kanilang lifelong interest
May mga pagkakataon na ang mga activities na engaged ang bata sa school ay ang nagiging idea nila upang gawing career. Ang mga ganitong competitions kasi ay nai-improve ang kanilang mga skills dahilan upang malaman nila ang gusto nilang tahakin sa college pati na rin sa kanilang career.
Larawan mula sa Shutterstock
Magkakaroon sila ng chance na ma-celebrate ang success
Ang bawat winning moments nila ay isang malaking ambag sa kanilang happiness. Dito kasi nila naba-validate madalas ang hard work at skills na kanilang ibinuhos maipanalo lamang ang contest. Kaya nagkakaroon sila ng chance na ipagdiwang ang success nila sa buhay kahit pa bata pa lamang sila.
Mas nagiging independent ang bata
Hindi naman madalas kasali ang parents sa mga competitions na ganito, kaya ang karaniwang itsura ay mag-isa niyang ipapanalo ang contest kasama ang team. Ito ang pagkakataong kailangan nilang makinig sa teachers o sa coach at i-apply ito base sa kanilang skills at kakayahang gawin ang instructions. Kaya nagkakaroon ng independecy ang bata physically, mentally at maging emotionally.
Sa kabila ng mga benefits na ito, kasabay rin dapat ang pagtuturo sa kanila ang ibang cons ng competitions. Ang ilan kasi sa maaaring mangyari ay ang mga sumusunod:
- Pagkakaroon ng labis na pressure sa kanilang mga kasabayan at sa kanyang sarili mismo.
- Hindi pagtanggap ng pagkatalo.
- Tumatanggap na lang ng validation sa pagkapanalo sa mga contest.
- Pagiging labis na competitive.
- Pagpapabaya sa kanilang academics.
Sa tamang gabay ng mga magulang ay maiiwasan nila ang ganitong pangyayari.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!