Muling natuto ng mga bagay ukol sa farm life ang aktor at athlete na si Matteo Guidicelli. Ito’y matapos siyang bisitahin ni Chef JR Royol at turuan ng iba’t ibang farm cooking recipes at techniques.
- Matteo Guidicelli, farm life ang gusto para sa magiging anak
- Matteo’s plans on having his own family with Sarah
Larawan mula sa Instagram account ni Matteo Guidicelli
Matteo Guidicelli, farm life ang gusto para sa magiging anak
Ibinihagi ng aktor at athlete na si Matteo Guidicelli ang pagkahilig niya sa farm life at sustainable living noong maging special guest sa weekly cooking show ng GTV na Farm To Table noong Abril 24. Kasama niya ang Kapuso chef at food explorer na si JR Royol.
Nagsimula raw ang kagustuhan niya sa farming dahil sa mga kaibigan nila ng singer at ngayon ay asawa niyang si Sarah Geronimo.
“I have some friends that really inspired me to have a sustainable living kumbaga. Especially Sarah, my wife, I have a friend that inspired us talaga.”
“When we went to his farm, talagang hundred percent sustainable. From waste management to food. They grow their crops, they eat their crops.”
Dito raw na-inspire ang aktor na pasukin din ang pagtatanim ng iba’t ibang crops lalo pa at iniisip na niya ang magkapamilya.
“Now that I have my own family, why don’t I do this? For my future kids, for my brother and sister-in-law, so it will remind us and will always humble us of where we are from ba. It’s very important to me.”
Isa sa goals niya ay maging mapagkumbaba bilang sa sariling pagtatanim nila kukunin ang kakainin.
Sinimulan nilang dalawa ang umaga nang mag-brew sila ng locally produced Cacao Tea gamit ang organic egg, habanero, at padron peppers na lahat ay fresh na kinuha sa farm. Naghanda rin sila ng steak at eggs para sa kakainin nila sa umagahan.
Habang kumukuha ng ilang tanim ay nagbigay ng payo si Chef Royol na dapat daw hindi labis na hinuhugasan ang mga tanim mula sa farm lalo kung ang tubig ay chlorinated.
Larawan mula sa Instagram account ni Matteo Guidicelli
Binisita rin nila ang Lagoon Area kung saan kumuha sila ng fresh Pangasius, isang uri ng shark catfish, na gagamitin nila sa paggawa ng Fish in Lemon Butter Sauce with Thai Mango Salad. Ginamit din ni Chef Royol ang ilan sa fresh herb produce na mula sa farm sa paggawa ng Lemon and Lime Marmalade.
Hindi rin nagpahuli si Matteo at ipinakita ang cooking skills niya nang gumawa ito ng kanyang personal recipe ng Spaghetti Aglio e Olio kung saan nagbiro pa siya gamit ang quote na, “The pasta waits for nobody” dahil ayon sa kanya mabilis daw ito maluto.
Dahilan naman ni Matteo Guidicelli kaya gusto niya ang tumira sa farm, maganda raw itong investment para sa kanyang magiging future family.
“The concept that I want is off-grid talaga. It might not be a monetary investment but it’s an investment for the family. When we have kids, I want them to grow in a space na that is very basic.”
Inamin niya hindi naman niya habol na pagkakitaan sa pagkakaroon ng farm. Mas gusto niya raw ito simulan dahil sa layuning bigyan ng basic na space ang magiging anak nila ng misis na si Sarah Geronimo.
“They will learn how to touch soil, be in the mud, cross rivers, kumbaga. So ‘yong things like these, we’re planning for the future and, hopefully, our future family.”
BASAHIN:
LOOK: Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ikinasal na!
Baron Geisler naka-graduate na ng college: “It is never too late.”
Winwyn Marquez defends boyfriend from rumors: “Pag ‘di nakikita, pamilyado o kaya nagtatago agad?”
Larawan mula sa Instagram account ni Matteo Guidicelli
Matteo’s plans on having his own family with Sarah
Mula nang ikasal si Matteo Guidicelli sa asawang si Sarah Geronimo noong taong 2020 ay nagkaroon na agad ito ng plano na magkapamilya. Ayon kay Matteo, bukas daw siya sa lahat ng nangyayari sa buhay niya sa kanyang asawa.
“I believe in sharing, so what’s mine is hers. If I go to work today, whatever I bring home is now for my family, for our future. My no. 1 priority today is my wife, not my parents anymore. It’s very important to have that mindset when you’re starting a family.”
Taong 2020 rin nang sabhiin ni Matteo na wala pa sa isip nila ang mag-anak ngunit naghahanda na sila para sa mga ganitong bagay ni Sarah.
“I can’t wait to have our own, but in God’s time. We’ll see.”
“It’s important to be ready for things like that. We’ve been blessed because we’ve been working for a long time and were able to save enough. I’m lucky, too, that my parents have taught me how to invest properly in different ventures.”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!