Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo nag-celebrate ng kanilang 2nd wedding anniversary. Matteo may sweet na mensahe para sa misis na si Sarah.
Mababasa sa artikulong ito:
- Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo 2nd wedding anniversary.
- Mensahe ni Matteo para kay Sarah.
- Love story ni Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo
Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo 2nd wedding anniversary
Image from Matteo Guidicelli’s Instagram account
February 20, 2020 nang maganap ang secret wedding ng aktor na si Matteo Guidicelli at popstar princess na si Sarah Geronimo. Ang pagpapakasal nilang ito na pinili nilang itago ay gumawa ng ingay matapos umanong sumugod noon sa gitna ng event ang ina ni Sarah na si Mommy Divine.
Si Mommy Divine at ang pamilya ni Sarah wala umanong kaalam-alam sa planong pagpapakasal ng dalawa na naganap sa Shangri-La at the Fort, Bonifacio Global City.
Dahil piling-pili at tanging pinaka-malalapit na kaibigan lang nila Sarah at pamilya ni Matteo ang nandoon sa naganap na kasal ay limitado ang impomasyong nakaabot sa publiko. Pero magkaganoon pa man, marami ang naging masaya sa naging pagpapakasal ng dalawa.
Ngayon nga, nitong nakaraang Linggo ay nagdiwang na sila ng kanilang 2nd wedding anniversary bilang mag-asawa. Si Matteo may sweet na mensahe sa kaniyang misis na si Sarah ng batiin niya nito.
“Through thick and thin and all the ups and downs, we will be partners for life. I love you my beautiful wife! You’re the best. Happy 2nd year anniversary! #theguidicellis @justsarahgph.”
Ito ang sweet na mensahe ni Matteo kay Sarah sa kaniyang Instagram account. Kalakip ng mensaheng ito ang ilang pinakabagong litrato nilang magkasama.
View this post on Instagram
Tulad ng kasiyahan ng kanilang mga kaibigan at followers noong sila ay maikasal, marami ang bumati kay Matteo at Sarah sa milestone na ito ng kanilang pagsasama.
Ilan na nga dito ang malalapit na kaibigan ng dalawa sa mundo ng showbizness gaya nila Iza Calzado, Angel Locsin at Vice Ganda.
BASAHIN:
Matteo Guidicelli umaasang magkakaayos rin sila ng mga magulang ng misis na si Sarah Geronimo
Mikael Daez at Megan Young ibinahaging matagal itinago ang kanilang engagement sa kanilang magulang
LOOK: Hayden Kho binigyan ng luxury car si Vicki Belo noong Valentine’s Day
Love story ni Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo
Taong 2014 ng umamin sa publiko sina Sarah at Matteo na sila ay magkasintahan na. Ngunit sa kabila ng kanilang pag-amin ay nanatiling pribado at malihim parin ang dalawang celebrity sa kanilang relasyon.
Hanggang noong 2019 ay binigla nila ang lahat sa balitang sila ay engage na. Ang announcement ay isinagawa isang taon matapos ang naging actual proposal ng kasal.
Naging mainit na usap-usapan ang kasal ng dalawa. Ito ay dahil sa tutol raw ang mga magulang ni Sarah sa kanilang pagpapakasal.
Dahil sa sikreto ang naging civil wedding nina Matteo at Sarah noong 2020 ay walang mga larawan ang ibinahagi ng dalawa sa publiko. Bagama’t sa isang interview sa vlog ng host na si Toni Gonzaga ay nagbigay ng kaunting detalye si Matteo sa naging kasal nila ni Sarah.
“A week before lockdown, Feb. 20, 2020, we got married. A very small wedding. A week after, was supposed to be a wedding with our friends but lockdown happened. Everything was planned.”
Ito ang pahayag ni Matteo.
Hindi man siya nagkuwento o nagbigay detalye sa nangyaring gulo sa kanilang naging secret wedding ni Sarah, para kay Matteo ay napakaganda umano ng araw na iyon. Ito umano ang the best na araw ng buhay niya.
“It was a beautiful day. Two people synergized together becoming as one. That’s one of the best days of my life. It wasn’t perfect but I consider it the best day of my life”, sabi pa ni Matteo.
Makalipas ang higit isang taon ng maikasal ay saka pa lang nagbahagi ng mga larawan si Matteo sa naging wedding photoshoot nila ni Sarah.
View this post on Instagram
Ayon pa sa kaniya, ang buhay nila ni Sarah bilang mag-asawa ngayon ay ang pinaka-magandang bagay na nangyari sa buhay niya.
Pagdating naman sa tanong kung kailan sila magkakaanak ni Sarah, ito ang sagot ni Matteo sa isa sa mga interview na pinaunlakan niya matapos ang kanilang naging kasal noon.
“Whatever God gives us, it would be amazing. As of now, we enjoy each other because this is the first time that we’re actually together after six years.”
Happy 2nd wedding anniversary Sarah at Matteo Guidicelli!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!