Matteo Guidicelli umaasang magkakaayos rin sila ng mga magulang ng misis na si Sarah Geronimo

Matteo Guidicelli umaasang magkakaayos rin sila ng mga magulang ng misis na si Sarah Geronimo

Matteo may mensahe rin para sa mga magulang ni Sarah

Sarah Geronimo’s parentsgustong maka-usap at makaayos na ni Matteo. Ito ang hiling at nais ng aktor na siguradong magpapasaya raw sa kaniyang misis.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Kasal ni Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo
  • Mensahe ni Matteo sa mga magulang ni Sarah Geronimo
  • Buhay mag-asawa ni Matteo at Sarah
  • sarah geronimo’s parents

    Larawan mula sa Facebook account ni Matteo Guidicelli

Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo’s wedding

Halos sampung buwan na ng makalipas ng palihim na maikasal sina Sarah Geronimo at mister niyang si Matteo Guidicelli. Mula noon ay nanatiling tikom ang kanilang bibig sa ginanap na kasal at sa gulong nangyari kaugnay nito. Hanggang nitong December 1, sa isa mga vlog ng TV-host na si Tony Gonzaga ay nagpaunlak ng panayam si Matteo. Dito nilahad ng aktor ang kaniyang mga nais sabihin sana sa mga magulang ng kaniyang misis na si Sarah Geronimo.

Ayon kay Matteo, ang ginanap na kasal nila ni Sarah ay planado. Iyon nga lang ay medyo nabago ito dahil sa ipinatupad na lockdown, isang linggo matapos ang kanilang secret wedding.

“A week before lockdown, Feb. 20, 2020, we got married. A very small wedding. A week after, was supposed to be a wedding with our friends but lockdown happened. Everything was planned.”

Ito ang pahayag ni Matteo.

Hindi man siya nagkuwento o nagbigay detalye sa nangyaring gulo sa kanilang naging secret wedding ni Sarah, para kay Matteo ay napakaganda umano ng araw na iyon. Ito umano ang the best na araw ng buhay niya.

“It was a beautiful day. Two people synergized together becoming as one. That’s one of the best days of my life. It wasn’t perfect but I consider it the best day of my life.”

Matteo’s message to Sarah Geronimo’s parents

Sarah Geronimo’s parents

Sarah Geronimo’s parentsDelfin and Divine Geronimo./Image from Tempo

Pero dagdag pa ni Matteo, mas magiging masaya pa nga umano ang araw na iyon kung nandoon kasama nila ang mga magulang ni Sarah. Isang bagay na alam niyang ikakasaya at pangarap rin ng misis niya.

“That would have completed my wife’s dream in God’s time. In time, we are positive things will heal.”

“When the day comes when everything’s gonna be united I know she’ll be the happiest person.”

Ito ang positibong pananaw ni Matteo sa gulo sa pagitan nila ng in-laws niya.

BASAHIN:

Goin Bulilit star na si Hopia Legaspi engaged na at malapit ng bumuo ng sarili niyang pamilya

Bettina Carlos ikinasal na!

6 na epekto ng stress na pumapatay sa relasyon ng mag-asawa

Kung mayroon nga umanong nais sabihin si Matteo sa mga magulang ni Sarah. Ito’y ang masaya si Sarah sa piling niya. Umaasa siya na sa tamang panahon magkakaayos rin sila at magiging isang buo at masayang pamilya.

“Sarah is beautiful. Sarah is amazing. She is independent. And she is happy.”

Ito ang mensaheng nais ipaabot ni Matteo sa magulang ni Sarah.

Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo’s married life

Sarah Geronimo’s parents

Image from Matteo Guidicelli’s Facebook account

Sa ngayon, para kay Matteo ang buhay may asawa ay isang napakagandang bagay. Dahil maliban sa kasama niya na si Sarah ay may na-realize rin siya.

“Marriage is so beautiful because you realized that you have this person for the rest of your life. And all your dreams and all your goals you’ll do it with this person.”

Naging daan nga rin umano ito na mas makilala niya pa si Sarah na hindi niya pinagsisihan. Kung may isang discovery nga umano si Matteo kay Sarah ng magsama sila. Ito’y pagiging perfectionist ng singer sa mga bagay na ginagawa niya.

“Sarah is a perfectionist. At home she likes everything to be perfect. Like baking, you cannot talk to her when she is working in the kitchen. It’s her time. She is very perfect with in measurements. When she records at home, you cannot enter the studio.”

May natutunan nga rin umano si Matteo sa kanilang pagsasama ni Sarah. Ito’y ang ibaba ang kaniyang pride sa oras na may pagtatalo sila.

“Times of conflict, times of disagreement is really the challenging part. Parang when you got on that stage, wait a minute here we go. But at the end of the day, what I’ve learned is “Sorry it’s my fault.”

Ito ang natatawang pagbabahagi ni Matteo.

Sarah and Matteo’s relationship

Sa kabuuan ay very happy and contented si Matteo sa kanilang married life ni Sarah. Napag-uusapan na nga rin umano nila ang pagkakaroon ng anak na para kay Matteo ay isang magandang blessing sa kanilang pagsasama.

Habang wala pang baby sa kanilang pamilya, sa ngayon, ang goal lang ni Matteo ay makita at panatilihing happy ang kaniyang misis. Dahil kapag nakikita niyang masaya si Sarah ay masaya narin umano siya.

“When I see Sarah happy, when I see Sarah being independent. When I see Sarah enjoying laughing talagang it completes me.”

Naibahagi rin ng aktor sa panayam na 6 na taon sila ni Sarah na magkasintahan bago sila magpakasal. Ang pagtatago sa kanilang relasyon ay desisyon at hiling daw ni Sarah na sa ngayon ay pinasasalamatan niya at ginawa nila.

“We try to keep our relationship as private as possible. That was Sarah’s decision.”

“I always never had a problem of talking about it because I felt it is such a beautiful thing e. I respect Sarah’s decision. Now looking back, I am thankful for that.”

Ito ang pahayag pa ni Matteo.

 

Source:

Celestine Gonzaga-Soriano

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Article Stories
app info
get app banner