Bettina Carlos ikinasal na!

Bettina Carlos ikinasal na!

"Bettinna Carlos Eduardo po, nagpapakilalang bagong COVID bride.?" - Bettina Carlos-Eduardo

Ikinasal na nga ang aktres at mommy na si Bettina Carlos sa kaniyang non-showbiz boyfriend na si Mikki Eduardo.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Kasal nina Bettina Carlos at Mikki Eduardo
  • Engagement ni Bettina Carlos kay Mikki Eduardo

Hindi mapipigil ng kahit ano mang unos ang makakapigil sa pagpapakasal nina Bettina Carlos at ng kaniyang non-showbiz boyfriend na si Mikki Eduardo.

bettina carlos

Ibinahagi ni Bettina Carlos sa kaniyang Instagram account ang kanilang wedding photos nila ni Mikki at kung gaano siya nagpapasalamat sa blessing na ito ni Lord sa kaniyang buhay.

Sa caption ng picture sinabi ni Bettina,

“It will no longer be said to you, “Forsaken,” Nor to your land will it any longer be said, “Desolate”; But you will be called, “My delight is in her,” And your land, “Married”; For the Lord delights in you, And to Him your land will be married.” -Isaiah 62:4

For some reason I knew in my heart I was going to get married this year….

BUT I did not expect it to be TWICE and on the same day.

Thankfully to the same man. 😉

Bettinna Carlos Eduardo po, nagpapakilalang bagong COVID bride.👰

Grateful to have @jayjaylucas (@chestknots) cover our morning wedding and @patdy11 capture moments in our afternoon celebration.❤

AHHHH THANK YOU LOOOOORD!!!!!!🙌❤🙏#KasalangBeKki2020
#BeKki”

Napabilang na nga si Bettina sa mga COVID-19 brides dahil sa pagpapakasal niya ngayong taon, na panahon din ng pandemic.

Engagement ni Bettina Carlos at ni Mikki Eduardo

Inanunsyo ng ni Bettina Carlos ang kaniyang engagement sa kaniyang non-showbiz boyfriend noon na si Mikki Eduardo noong Oktubre.

bettina carlos

Larawan mula sa Instagram ni Bettina Carlos

Si Bettina Carlos ay mag-isang pinapalaki ang kaniyang napakagandang anak na si Gummy simula nang siya’y ipanganak. Marami ang nagmamahal kay Bettina dahil sa kaniyang talent sa pag-arte at passion sa pagluluto.

Kaya naman masayang-masaya ang fans ni Bettina Carlos nang siya’y mag-post ng picture nila ni Mikki Eduardo noong August 2. Matagal na kasing walang balita ang marami patungkol sa love life ni Bettina kaya naman marami ang natuwa para sa aktres.

Pagpapakilala ni Bettina kay Mikki sa kaniyang anak na si Gummy

Bilang isang single mom siyempre hangad ni Bettina na ang lalaking kaniyang minamahal ay tanggap ng kaniyang anak. Ganun na tanggap niya ang kaniyang anak. Kaya naman answered prayer nga umano para kay Bettina dahil nagkasundo sina Mikki at Gummy.

BASAHIN:

Goin Bulilit star na si Hopia Legaspi engaged na at malapit ng bumuo ng sarili niyang pamilya

LOOK: Phoemela Baranda, nasa 2nd trimester na ng pagbubuntis sa edad na 40!

#TAPTalks: Aicelle Santos-Zambrano: “Wear your stretch marks proudly”

Nag-post si Bettina ng mga larawan ni Mikki na nagkikipag-bondng sa anak niyang si Gummy. Sa caption pa ng post na iyon sinabi ni Bettina na,

“I didn’t have to wait for you to love G because from day 0, you have already decided or taught you how to get along with a child because you are a child at heart. And neither did I have to wonder if you know what you’re getting yourself into and if you’re ready to be a dad because God Himself already prepared you for that role and placed that desire in your heart… before we met,”

Nagkwento rin si Betiina sa Kaniyang Instagram account kung paano naging bahagi si Mikki ng kanilang pamilya simula pa nung August 29. Pinunto rin ni Bettina kung paano minahal ni Mikki ang kaniyang pamilya pati na kaniyang nanny.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bettinna Carlos (@abettinnacarlos)

Sobra umano ang appreciation ni Bettina sa mga efforts ni Mikki para sa kaniyang anak. Hindi naman kasi lahat ng lalaki’y kayang tanggapin at nag-e-effort para mapalapit sa mga anak ng kanilang karelasyon.

Answered prayer nga umano ang pagdating ni Mikki sa buhay ni Bettina. Nang inanunsyo nga ni Bettina Carlos ang kaniyang engagement sa publiko sinabi niya nagpapasalamat siya kay Mikki. Nagpasalamat din siya sa mga taong bumati sa kanila ni Mikki.

Congratulations Mikki Eduardo at Bettina Carlos-Eduardo!

 

Source:

preview

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

Marhiel Garrote

Article Stories
app info
get app banner