Matapos ang ilang taon nang siya ay nabuntis, Phoemela Baranda inanunsiyo ang kaniyang 2nd pregnancy sa edad na 40. Looking young and blooming din ang kaniyang Instagram posts!
Mababasa sa article na ito ang:
- Pregnancy announcement ni Phoemela Baranda
- Phoemela Baranda kasama ang panganay na si Kim Baranda
- Pagbubuntis sa edad na 40
Phoemela Baranda, nasa 2nd trimester na ng pregnancy sa edad na 40! | Image from Phoemela Baranda Instagram
Phoemela Baranda, nasa 2nd trimester na ng pregnancy sa edad na 40!
Bago matapos ang year 2020, nagbigay ng magandang announcement ang TV host-actress na si Phoemela Beranda. Siya ngayon ay nasa second trimester ng kaniyang pregnancy mula sa professional race car driver niyang partner na si Jason Choachuy.
Sa naging exclusive interview kay Phoemela Beranda sa Preview.ph, ibinahagi nito na plinano talaga nila ng kaniyang parter na si Jason ang pagbubuntis nito at inaasahan ang paglabas ng kaniyang baby sa susunod na taon, March.
Ayon sa aktres, matagal na niyang gusto ng isa pang anak. Ganito rin ang nais ni Jason kaya naman agad nilang plinano ang magkaroon ng isang anak. “I’ve always wanted another child, and my partner [wanted one] as well–it’s his first.” Sa ngayon, hindi pa niya sinasabi ang gender ng kaniyang baby.
View this post on Instagram
Nagpost din sa kaniyang personal Instagram account si Phoemela ng kaniyang pregnancy photo at may caption na, “Life begins.”
Kilala bilang aktibo sa sport at physical workout ang TV host-actress na si Phoemela. Kaya naman sa edad na 40, physically fit pa rin ito at living healthy! Ngunit hindi mawawala ang pangamba ng aktres sa kaniyang pagbubuntis lalo na sa panahon ngayon. Ayon sa kaniya, nakakatulong ang pag-inom ng vitamins na bigay sa kaniya ng doctor niya sa pagbubuntis, samahan pa ng suportang ibinibigay ng kaniyang partner na si Jason.
Phoemela Baranda, nasa 2nd trimester na ng pregnancy sa edad na 40! | Image from Phoemela Baranda Instagram
Matatandaan na unang nagkaroon ng anak si Phoemela noong 18 years old siya. Dahil sa kasagsagan ng kaniyang modelling career, sinabihan siya ng kaniyang nanay na itago muna ito sa publiko at saka lumipad ng America para doon nanganak. Nang makabalik sa Pilipinas si Phoemela, ipinakilala nito ang kaniyang anak na si Kim Nichole Baranda bilang pamangkin.
“Nung una, ipinapakilala ko siya bilang pamangkin ko. Nung 5 to 8 years old na siya, sister ko na siya,”
Sa naging interview sa kaniya, hindi niya naiwasang maluha nang isalaysay ang pangyayaring ito. Sa una ay naging awkward ang kanilang relasyon ng anak na si Kim ngunit nang mamatay ang kaniyang nanay, hinarap na niya ang kaniyang responsibilidad sa panganay.
Taong 2013 nang ipinakilala ni Phoemela Beranda si Kim bilang kaniyang anak. Sumali rin ito sa longest reality show na Pinoy Big Brother (All in), at dito na nga nagsimula ang career ni Kim.
Unang nagkakilala sila Phoemela at Jason noong November 2019 sa Formula V1 Endurance.
Pagbubuntis sa edad na 40
Ayon sa survey, habang tumatagal ang panahon tumataas ang bilang ng mga babaeng nagbubuntis sa edad na 40 pataas. Marami ang pinipiling magbuntis sa ganitong edad dahil mas inuuna nilang buuin ang kanilang career para na rin sa kapakanan ng kanilang magiging anak.
Maraming babae ang mas pinipiling magpundar muna ng bahay, mag ipon ng pera o magplano para sa kanilang pamilya bago manganak kahit. Ito ay para masiguro ang secred na buhay ng kanilang magiging anak.
Marami ang benepisyo na matatanggap ng nanay kapag nagbuntis ito sa edad na 40. Katulad na lamang ng mas mahabang life span at pagkakaroon ng mas magandang educational outcome sa mga anak.
BASAHIN:
STUDY: Mainit na panahon, mayroong epekto sa pagbubuntis
LOOK: Coleen Garcia, balik sa dating katawan 1 week after manganak
#TAPTalks: Ryza Cenon, nagbahagi ng struggles niya bilang new mom
Delikado ba ang magbuntis sa edad na 40?
Sa panahon natin ngayon, hindi na mahirap bigyan ng solusyon ang mga dating komplikadong sakit. Kaya naman para sa mga babaeng magbubuntis pa lamang sa kanilang edad na 40, makakatulong ang teknolohiya para mapadali ang kanilang panganganak.
Ngunit ayon sa pag-aaral, maaaring maging high risk ang mga buntis sa mga sumusunod na kondisyon:
- Gestational diabetes
- Miscarriage
- Preeclampsia
- High blood pressure
- Mababang timbang ng anak kapag pinanganak
Ayon rin sa pag-aaral, ang fertility rate ng isang babae ay bumababa pagsapit ng 36 years old. Dahilan rin ito ng:
- Hindi malusog na itlog
- Hindi maayos na magrelease ng itlog mula ovary
- Pagkakaroon ng iba panghealth condition
- Kaunting bilang ng itlog
Kung sakali namang hindi pa rin nakakabuo ang isang babae sa edad na 40, mas mabuti nang humingi ng tulong sa fertility specialist.
Makakatulong ang pagkonsulta sa espesyalista para isailalim ka sa test na gagawin para masuri ang iyong fertility. Kasama dito ang mga ultrasound para matignan ng maigi ang iyong uterus at ovary pati na rin ang iyong dugo.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!