Max Collins at Pancho Magno divorce na. Ang mga ganitong sitwasyon paano ba maipapaliwanag sa iyong anak? Alamin dito.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Max Collins at Pancho Magno divorce na.
- Paano maipapaliwanag sa iyong anak kung nais ninyo ng maghiwalay na mag-asawa.
Max Collins at Pancho Magno divorce na
Sa isang panayam ay kinumpirma ng aktres na si Max Collins na hiwalay na nga sila ng aktor na si Pancho Magno.
“We’re legally separated na. Yes, we are already divorced.”
Ito ang pahayag ni Max sa isang panayam.
Ayon sa kaniya ang pagproseso ng kanilang divorce ay ginawa sa United States nitong Oktubre. Bagamat legally separated na, si Max at Pancho ay may maayos paring relasyon sa isa’t-isa. Sila ay magkasundo ring pinapalaki ang anak nilang si Sky na isinilang ni Max noong 2020.
Si Max at Pancho ay ikinasal noong 2017.
Paano maipapaliwanag sa iyong anak kung nais ninyo ng maghiwalay na mag-asawa
Hindi tulad ng ibang magkarelasyon, hindi naging bitter ang hiwalayan nina Pancho at Max. Makikita ring napapalaki nilang ng maayos at magkasundo ang anak nila. Sa bata nitong edad ay tila aware na ito sa set-up ngayon ng mga magulang. Sa ganitong pagkakataon, paano nga ba maipapaliwanag sa iyong anak na ang paghihiwalay ng isang mag-asawa? Narito ang ilang tips.
Paano ipaliwanag ang paghihiwalay sa iyong anak
-
Sabay ninyong kausapin ang inyong anak.
Kung kaya ninyong magkausap nang maayos, mas maganda kung sasabihin ninyo ito nang magkasama. Ipapakita nito sa bata na mahal ninyo pa rin siya. Gaya gawin ito sa oras na kapwa kayo hindi busy.
-
Kausapin ang iyong anak ng ayon sa kaniyang edad.
Batang edad 3-6 taong gulang: Gumamit ng mga simpleng salita. Halimbawa, “Hindi na magsasama si Mommy at Daddy, pero mahal na mahal ka pa rin namin pareho.”
Batang edad 7-12 taong gulang: Maaaring mas marami silang tanong. Maging tapat, pero iwasan ang pagbibintang. Halimbawa, “Napagdesisyunan namin na mas mabuti kung hindi na kami magsasama, pero parehas pa rin kaming magiging magulang para sayo.”
Teenager edad 13 pataas: Mas naiintindihan na nila ang mas kumplikadong emosyon. I-acknowledge ang kanilang nararamdaman at hayaan silang magpahayag ng kanilang saloobin.
-
Maging tapat, pero iwasan ang detalye
Hindi kailangang malaman ng bata ang lahat ng dahilan ng paghihiwalay, lalo na kung may kinalaman ito sa mga isyu ng matatanda. Sabihin lamang ang mahalagang bahagi tulad ng, “Napagdesisyunan namin na magiging mas masaya kami kung maghihiwalay kami.”
-
Patuloy na iparamdam ang iyong pagmamahal
Ipaliwanag na ang paghihiwalay ninyong mag-asawa ay hindi kasalanan ng bata. Madalas, iniisip ng mga bata na sila ang may kasalanan. Siguraduhing sabihin, “Ito ay tungkol sa nararamdaman namin bilang magulang, at hindi dahil sa ginawa mo.”
-
Ipaliwanag ang mga pagbabago nang maliwanag
Sabihin kung ano ang mangyayari pagkatapos sa paraang maiintindihan nila. Halimbawa:
“Sa weekends, kay Daddy ka titira, at sa weekdays, kay Mommy.”
“Mag-aaral ka pa rin sa parehong eskwelahan at makikita mo pa rin ang iyong mga kaibigan.”
-
Panatilihin ang bukas na komunikasyon
Ipabatid sa bata na okay lang na patuloy na pag-usapan ito, kahit ilang linggo o buwan pa ang lumipas.
Halimbawang sasabihin:
“May mahalaga kaming sasabihin sa’yo. Napagdesisyunan namin ni Mommy (o Daddy) na mas magiging masaya kami kung titira na kami sa magkaibang bahay. Mahal na mahal ka pa rin namin at hindi iyon magbabago. Patuloy ka pa rin na makakasama namin pareho, at lagi kaming nandito bilang iyong mga magulang. Okay lang na malungkot o malito ka, at nandito kami handang makipag-usap sayo anumang oras.”