Maxene Magalona may paalala kung paano magiging maayos ang mental health ng isang tao.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Maxene Magalona sa kaniyang mental health.
- Paano hinaharap ni Maxene ang mental health condition niyang C-PTSD.
- Payo ni Maxene sa mga couples o mag-asawa.
Maxene Magalona sa kaniyang mental health
Pagdating sa kaniyang mental health ay very honest ang aktres na si Maxene Magalona na amining may pinagdadaanan siyang problema. Sa isang panayam nga sa kaniya ng host at vlogger na si Toni Gonzaga ay ibinahagi niya kung paano siya na-diagnose na may complex post-traumatic stress disorder o C-PTSD.
Ayon sa health website na Very Well Mind, ang complex post-traumatic stress disorder ay isang anxiety condition na kung saan ang sintomas ay tulad ng post-traumatic stress disorder. Ang kondisyon na ito ay madalas na nararanasan ng mga nakaranas ng traumatic events.
Gaya na lang ng car accident, natural disaster, violence, abuse o near-death experience. Bagamat ayon sa mga eksperto ay mas malala o severe ang C-PTSD kaysa sa PTSD. Ang PTSD ay gawa ng isang traumatic event lamang habang ang C-PTSD ay dulot ng long-lasting trauma na nauulit-ulit.
Sa kaso ni Maxene, C-PTSD ang natukoy na mental health condition na nararanasan niya. Noong una ay medyo in denial pa si Maxene sa kondisyon niya. Hanggang sa naging abusive siya sa mister niyang si Rob Mananquil. Ito ang punto kung saan nag-desisyon na si Maxene na magpatingin sa espesyalista.
“But at first, of course, I was in denial because here in our country, when you say therapy, it means there’s something wrong with you, that you’re a little crazy.”
Ito ang sabi noon ni Maxene sa nasabing panayam.
Isa nga sa mga paraan na ginawa ni Maxene noon para magpagaling ay ang mag-yoga. Sa katunayan ay nagpunta pa sila ng mister niyang si Rob sa Indonesia para mas mahasa ang yoga skills nila.
Pero kamakailan lang ay naging usap-usapan na dumadaan sa pagsubok ang pagsasama ng mag-asawa. Si Maxene nanatiling tahimik tungkol sa isyu.
Sa isa kaniyang bagong Instagram post ay ibinahagi ni Maxene na marami ang nagtatanong sa kaniya kung paano siya nagmumukhang peaceful sa kabila ng mga personal struggles niya sa buhay. Ang sagot ng aktres ay ito.
“A lot of people are wondering how I can still stand and smile despite the personal struggles that I have been dealing with in my life. My answer is this: I never give up. By God’s grace, I am still here—standing and shining with unlimited hope in my heart.”
Ito ang bungad ni Maxene sa kaniyang Instagram post.
Pagpapatuloy pa niya ay naging malaking tulong rin sa kaniya ang self-healing at exploration. Sa pamamagitan noon ay naayos niya ang sarili niya at mas na-empower pa ito.
View this post on Instagram
Mula daw ng matukoy niyang may mental health condition ay hindi siya tumigil na i-improve pa ang sarili niya. Nagkaroon rin daw siya ng koneksyon sa kaniyang sarili na mas naging daan para mas maintindihan niya pa ang buhay.
“I have connected to myself so much that I completely understand that my life is 100% my responsibility. I do not blame anyone or any circumstance in my life for my current situation. And I know that if I want to be genuinely happy and find inner peace, I have to be the one to do this for myself. No one else.”
Kaya naman payo ni Maxene sa mga tulad niyang may pinagdadaanan ay ito.
“I encourage you to look within and ask your soul what it needs to be able to quiet the overthinking mind and heal the wounded heart.”
Payo ni Maxene sa mga couples o mag-asawa
Larawan mula sa Instagram account ni Maxene Magalona
Kamakailan lang ay ipinaliwanag rin ni Maxene na ang kaniyang mental health ang dahilan kung bakit hindi pa siya nagkakanak. Ito umano ang pumipigil sa kaniya dahil sa natatakot siyang maipasa niya sa magiging anak ang trauma at negative emotions na mayroon siya.
“I was really hesitant to get pregnant because of my mental health condition. I was scared that I might just end up passing on my traumas and projecting my negative emotions onto my children.”
“And I didn’t want to get pregnant while I was still carrying so much trauma and pain inside of me. Since kids usually copy and inherit the behavior of their parents.”
Ito ang sabi noon ni Maxene sa isang Instagram post.
Sa isa pang hiwalay na IG post ay sinabi ni Maxene na ito ang gusto niyang i-break na cycle. Kaya naman payo niya sa mga mag-asawa mas mabuting magkaroon ng anak sa oras na talagang handa na sila. Hindi yung dahil sa ito ang idinidikta ng lipunan at na-prepressure sila.
“So please research on ‘conscious coupling’ before you get into relationships and marriages and “conscious parenting” before having children to save yourselves from unnecessary heartaches.”
Ito ang sabi pa ni Maxene.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!