19 TAP parents ang nag-share ng kanilang mga itinatagong sikreto

19 TAP parents ang nag-share ng kanilang mga itinatagong sikreto

Narito ang mga sikreto ng ilang momshies na magbibigay sayo ng mixed emotions at realizations sa buhay.

May sikretong tinatago? Basahin ang mga sikretong ibinahagi ng mga momshies sa theAsianparent community na siguradong mapapa-wow o sad ang reaction mo.

Mga momshies na may sikretong tinatago

may sikretong tinatago

Image from Freepik

Ang theAsianparent community ay hindi lamang isang lugar para magbigay ng impormasyon sa mga magulang. Ito rin ay isang platform na kung saan maaring humingi ng mga payo at komento ang mga parents sa isa’t-isa base sa pinagdadaanan o napagdaanan nilang sitwasyon o problema.

Sa isa nga sa nakakatuwa ngunit makabuluhang usapan ay nabigyan ng pagkakataon ang mga parents na may sikretong tinatago na mailabas ito. Hindi lamang para humingi ng payo sa isa’t-isa kung hindi para narin mabawasan ang bigat ng dibdib nila sa pagtatago ng kanilang pinakanatatagong lihim.

Ang tanong: May sikreto ka bang gustong i-share ngayon? Narito ang mga naging sagot nila.

Ilan sa mga momshies ang sinagot ang tanong na ito sa pagsasabing inlove parin sila sa kanilang ex kahit sila ay hiwalay na o may bagong asawa o kinakasama na.

Ang isa ay inaming mahal niya parin ang daddy ng kaniyang baby. Kahit siya na ang kusang nagpalaya dito dahil sa sobrang pagiging babaero.

19 TAP parents ang nag-share ng kanilang mga itinatagong sikreto

Ganito din ang problema ng isang momshie na naiisip pa rin daw ang ex niya kahit happy na siya sa kaniyang bagong pamilya.

19 TAP parents ang nag-share ng kanilang mga itinatagong sikreto

Naka-relate naman sa post na ito ang isa pang momshie na hindi pa makaget-over sa kaniyang ex na hindi niya nakatuluyan dahil siya ay nauna ng ikinasal.

19 TAP parents ang nag-share ng kanilang mga itinatagong sikreto

May isang momshie naman ang hindi parin maialis sa isip niya ang kaniyang long-time crush at patuloy paring naitatanong sa kaniyang sarili ang mga what ifs kung naging sila.

19 TAP parents ang nag-share ng kanilang mga itinatagong sikreto

Ang isang momshie naman masaya at naka-moveon na sa ex niya. Yun nga lang ay naguguilty parin siya sa nagawa niya dito, at sa ex ng partner niya. Dahil kailangan nila silang iwan para maipagpatuloy ang love story nilang dalawa.

may sikretong tinatago

Isang momshie naman ang namomoblema rin sa ex. Pero hindi ang ex niya kung hindi ang ex ng asawa niyang welcome na welcome parin daw sa in-laws niya. Habang siya daw ay dinedeadma.

may sikretong tinatago

May mga momshies naman na may sikretong tinatago na may kaugnayan sa pakikipagtalik.

Ang isa ngang momshie, hindi daw masabi sa kaniyang asawa na hindi ito ang naka-devirginized sa kaniya. At ang salarin ay ang ex niya na kinaiinisan ng kaniyang asawa ng sobra. Oopsy!

may sikretong tinatago

Ibinahagi naman ng isang momshie kung gaano siya nabibitin sa ginagawa ng asawang pahalik-halik nalang. Ang dahilan? Takot daw ito na hindi naman ipinunto ng momshie kung bakit.

may sikretong tinatago

Ito rin ang sikreto ng isa pang momshie na pinopoblema ang kaniyang partner dahil hindi nito masabayan ang libido niya sa pakikipagtalik. Gustuhin man niyang mag-drive o umibabaw, buntis ang momshie ngayon. At gusto niya naman ito ang kumilos “for a change”. Dahil lagi nalang daw siya ang nagfifirst-move. The feels di ba?

19 TAP parents ang nag-share ng kanilang mga itinatagong sikreto

Deretso naman ang sagot ng isang momshie na hirap daw ang kaniyang hubby na ipaabot sa kaniya ang langit.

19 TAP parents ang nag-share ng kanilang mga itinatagong sikreto

May isang momshie naman ang ibinahaging nagkasakit ang asawa dahil sa pakikipagsex sa ibang babae. Pero ang catch siya pa ang sinisisi nito dahil sa LDR sila. At ayaw niya daw ng phone sex o kaya naman ay pagtatalik habang nagvivideo-call sila. Hard ni hubby sa kaniya!

19 TAP parents ang nag-share ng kanilang mga itinatagong sikreto

Habang may ilang momshies-to-be naman ang hindi masabi at maamin ang kanilang pagbubuntis sa kanilang pamilya at kakilala dahil sa iba’t-ibang dahilan.

Ang isa ay natatakot itong aminin sa kaniyang pamilya dahil ayaw ng kaniyang boyfie sa magiging baby niya.

19 TAP parents ang nag-share ng kanilang mga itinatagong sikreto

Ito rin ang problema ng isa pang momshie na hindi rin ma-aanounce ang kaniyang pregnancy. Dahil ang lalaking kasama niyang gumawa nito ay pamilyado na. At higit sa lahat ay tila bigla nalang nawala na parang bula.

may sikretong tinatago

Habang may isang momshie-to-be naman ang hindi ito maamin dahil wala silang relasyon ng lalaking ama ng magiging anak niya.

19 TAP parents ang nag-share ng kanilang mga itinatagong sikreto

Ang isang momshie-to-be naman ay ibinahaging hindi siya pinababayaan ng lalaking nakabuntis sa kaniya. Ang malungkot na katotohanan lang ay hindi siya nito mailabas at maipakikilalang nanay ng magiging anak niya dahil siya ay other woman nito.

19 TAP parents ang nag-share ng kanilang mga itinatagong sikreto

May isang momshie naman ang palihim palang nagseselos.

Ang kaniyang pinagseselosan ang bestfriend ng kaniyang hubby magmula pa noong highschool na very close parin hanggang ngayon. Very clingy at nagpapalitan pa nga daw ng I love you ang dalawa. Close din daw siya kay girl bestfriend pero deep in heart durog na durog na siya sa selos at inggit sa closeness nito at ng kaniyang asawa na hindi niya masabi. Ouch!

may sikretong tinatago

At ito na nga ang problema at sikretong pinakatatago ng marami sa atin, ang inis sa mga biyenan.

Ayun na nga ang tumbok ng problema ng isang momshie na swerte daw kay mister pero malas sa kaniyang biyenan.

19 TAP parents ang nag-share ng kanilang mga itinatagong sikreto

Ang isang momshie inilabas ang hinanakit sa kaniyang father-in-law na nanghihingi daw ng rental fee kapag hinihiram nila ang kotse nito. Intense ang feeling ni momshie na nagbahagi nito!

may sikretong tinatago

Relate na relate ang isa pang momshie dito. Sabi niya ganito rin daw ang mother-in-law niya na kapag nakikiusap sila ng kaniyang hubby na alagaan ang kanilang anak ay dapat may kapalit.

may sikretong tinatago

Naloka karin ba sa mga sikreto ng ilang momshies ng theAsianparent community? Kung ikaw ay may sikretong tinatago na nagpapasikip na ng iyong dibdib, huwag mahiyang ibahagi ito sa amin. Dahil sa theAsianparent community, ang mga kapwa mo magulang ay iyong kaibigan at hindi ka kahit kailanman huhugashan.

Photo: FreepikNik MacMillan on Unsplash

Basahin: Sex Secrets para sa mag-asawa

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner