McCoy de Leon at Elisse Joson pinabinyagan na si baby Felize. Tingnan ang ilang tagpo sa binyag ni Felize dito.
Mababasa sa artikulong ito:
- McCoy de Leon at Elisse Joson pinabinyagan na si baby Felize.
- 27th birthday celebration ni McCoy.
- Mensahe ni McCoy at Elisse sa isa’t-isa.
McCoy de Leon at Elisse Joson pinabinyagan na si baby Felize
Image from Next by Metro Photo Instagram account
Ganap ng isang kristiyano si baby Felize, ang anak ng celebrity couple na sina McCoy de Leon at Elisse Joson. Sapagkat kahapon, February 27, araw ng Linggo ay nabinyagan na si Felize. Ang event ay napiling isagawa ng kaniyang mga magulang na sina McCoy at Elisse sa Museo de Padilla sa Novaliches, Quezon City.
Sa mga larawang kuha ng official event photographer sa baptism ni Felize na Next by Metro Photo ay makikitang daisy at citrus themed ang kaniyang naging binyag.
Ayon sa La Belle Fête, ang organizer ng ginawang baptism ni Felize, daisy ang napili nilang bulaklak na i-decorate dahil sa ito ang kaniyang birth flower. Ang daisy ang birth flower ng mga ipinanganak ng buwan ng Abril.
“The daisy is the birth flower of April. Felize was born in April when spring colored @elissejosonn’s world. The sun has never stopped shining so bright since then.”
“We reimagined a stunning christening with white and hues of yellow. Such a joyful, intimate fete with sophisticated and charming details.”
Ito ang caption ng La Belle Fête, sa Instagram post nila tungkol sa binyag ni Felize.
View this post on Instagram
Mas naging stunning pa nga raw ang venue ng dagdagan pa ng event stylist na si Dave Sandoval ng citrus at rustic touch ang decoration at arrangements. Sa Instagram ni Dave ay isinalarawan niya ang venue ng binyag ni Felize na may sunshiny happy layout.
Samantala, base sa kanilang Instagram stories, ang ilan sa dumalong ninang at ninong sa binyag ni Felize ay kinabibilangan ng model at aktres na si Sofia Andres. Nandoon rin para tumayong ninong ni Felize ang komedyanteng si Pooh.
Image from Next by Metro Photo Instagram account
BASAHIN:
Elisse Joson kung bakit hindi pa sila nagpapakasal ni McCoy de Leon: “Priorities first, ipon first”
McCoy de Leon to Elisse Joson on her birthday: “I want all the best for you”
McCoy de Leon on marrying Elisse Joson: “Siya na ‘yong partner ko habang buhay”
27th birthday celebration ni McCoy
Maliban sa binyag ni Felize, may isang special event na ipinagdiwang ang pamilya nina McCoy at Elisse kamakailan lang. Ito ay ang birthday ni McCoy na pinaghandaan ni Elisse.
Si McCoy ay nagdiwang ng kaniyang ika-27 na kaarawan nito lamang February 20. Ang naging birthday party ni McCoy ay tila naging piyesta sa arrangements at kasiyahan na sorpresang pinaghandaan ni Elisse. Ito ay dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.
“All for you.. happy birthday. Kahit hindi ka na masyado na surprise(ang hirap) I hope you enjoyed this special day with the ones who love you most.”
Ito ang pagbati ni Elisse sa birthday ni McCoy kalakip ang ilang mga larawan sa nasabing selebrasyon.
View this post on Instagram
Pagpapasalamat ni McCoy sa sorpresa ni Elisse
Samantala, ang masayang si McCoy sa kaniyang kaarawan ay hindi pinalampas na mapasalamatan ang kaniyang partner na si Elisse sa hinanda nitong birthday surprise.
Sa mensahe niya para kay Elisse sa kaniyang Instagram account ay sinabi niyang mas gumanda si Elisse sa paningin at puso niya. Dahil sa ginawa nitong surprise birthday celebration ay mas lalo umanong naramdaman ni McCoy ang pagmamahal ni Elisse sa kaniyang pamilya. Sa huli ay ipinaabot nito ang pagmamahal at pagsasalamat kay Elisse na ina rin ng kaniyang anak na si Felize.
“All the efforts, preparations, time mo lahat lahat @elissejosonn ko dahil diyan lalo kang gumanda sa paningin ko. Hindi lang sa pisikal Elisse ko kundi kagandahan ng puso mo. Isa na ang pagmamahal mo sa pamilya ko. Salamat :))”
“Marami akong gustong sabihin pero hindi sapat tong post na to. Salamat Mahal ko mahal kita sobra.”
Ito ang sabi pa ni McCoy.
View this post on Instagram
Bumati rin naman kay McCoy ang ilang friends nila sa showbizness.
annecurtissmith
Happy birthday to the not so baby boy @mccoydeleon 🎂
vernenciso
Happy birthday Macoy!
hashtag_nikko
Happy birthday brother
Mula ng dumating si baby Felize sa buhay nila McCoy at Elisse ay tila naging sunod-sunod na ang mga bagay na kanilang ipinagdidiwang. Ito ay patunay na kakaiba talaga ang nagagawa ng saya ng pagkakaroon ng anak sa isang pagsasama.
Happy birthday McCoy at welcome to the Christian world Felize!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!