Melai Cantiveros at Jason Francisco magkasamang pinanood ang anak na si Stela sa first date nito at mini cotillion sa kanilang school

Stela makikitang nag-eenjoy rin at kinikilig pa sa kaniyang first date.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Stage mom, ganito maisasalarawan ang aktres na si Melai Cantiveros pagdating sa kaniyang mga anak. Pero ang pagiging stage mom ni Melai in a good way naman. Alamin dito kung bakit.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Melai Cantiveros sa first date at cotillion ng anak na si Stela.
  • Pagsasama ni Melai at mister na si Jason Francisco.

Melai Cantiveros sa first date at cotillion ng anak na si Stela

Larawan mula sa Instagram account ni Melai Cantiveros

Masayang ibinahagi ng celebrity mom na si Melai Cantiveros ang naging mini-cotillion ng anim na taong gulang na anak niyang si Stela sa school. Ayon pa kay Melai, ito rin daw ang first date ng anak. Kaya naman si Melai, hindi pinalampas na maging present sa big event na ito para sa anak niya.

“Star MagicBall kid edition AY Esteeee ….. Cotillion Day pala ng aming Baby Stela with her date??. Ay este partner in Mini Cotillion ❤❤❤. Very Cuuute nmn mga kiddoes uiiii. Nakakatuwa sila panoorin sumayaw at makimingle ❤❤❤.”

Ito ang bahagi ng caption ng post ni Melai tungkol sa cotillion na dinaluhan ng anak. Ayon pa kay Melai, maliban sa pagsayaw ay tinuruan din daw ang anak niyang kumain sa isang formal event na gamit ang tinidor at kutsara.

“And tinuruan sila ng paanu sumayaw and paanu makisocialize sa party. How to use the spoon and fork and glass na basi kaya hayun andami nabasag na baso ???. And also proper way in attending a bonggacious na party ❤and paanu maging confident sa event ,nakakatuwa ☺☺☺ na may ganitu sila ❤.”

Pero maliban dito, ang agaw-pansin sa video na ibinahagi ni Melai ay ang saya ni Stela na makasama ang kaniyang ka-date. Makikitang kinikilig ito at nai-enjoy ang moment kasama ang partner niya sa cotillion.

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagsasama ni Melai at mister na si Jason Francisco

Makikita rin sa video na ibinahagi ni Melai na kasama niya ang mister na si Jason Francisco at panganay nilang si Mela.

Larawan mula sa Instagram account ni Melai Cantiveros

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matatandaang nitong nakaraang Abril ay lumutang ang usap-usapan na may problema sa relasyon nila Melai at Jason. Ito ay dahil kapansin-pansin na sa ilang litrato niya kasama ang mga anak ay hindi kasama si Jason. Pero nilinaw ni Melai na walang silang problema ni Jason. Sa katunayan daw ay si Jason ang araw-araw na naghahatid sa kaniya sa trabaho.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement