REAL STORIES: "Malapit na kong mag-menopause noong inakala kong buntis ako."

Natakot ang isang babae na malapit nang mag-menopause noong makaranas siya ng signs na buntis siya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isang babae ang malapit nang mag-menopause ang inakalang buntis siya ngunit ibang kondisyon na pala ang kanyang nararanasan. Ano kaya ang naramdaman niya? Alamin sa artikulong ito.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • “Malapit na kong mag-menopause noong akalain kong buntis ako.”
  • Molar pregnancy: What do you need to know?

“Malapit na kong mag-menopause noong inakalang buntis ako.”

Larawan mula sa Pexels

Darating ang mga babae sa phase ng menopause kung saan titigil na ang kanyang pagkakaroon ng buwanang dalaw at hindi na magkakaroon ng chance pa na magdalang tao. Sa pagkukuwento ni Susie na nag-eexpect ng kanyang menopause, nagkaroon daw ng time na inakala niyang buntis siya ngunit may ibang kondisyon na pala siyang nararamdaman.

“Nararamdaman kong tender ang aking dibdib noon at hindi rin ako niregla.”

Pagsasalaysay niya, July 2019 raw nang makaligtaan niya i-take ang kaniyang birth control pills. Ilang linggo raw matapos nito ay iba na ang nararamdaman niya at sa tingin niya ay buntis siya dahil sa ilang senyales. Tender at para bang namamaga rin ang kanyang dibdib, hindi rin daw umano siya niregla noong panahon na iyon.

Dahil dito nagdesisyon na siyang kumonsulta sa mga eksperto. Dito niya nalaman na wala raw talagang actual na fetus sa kanyang sinapupunan at ito ay dala lamang ng pagbabago ng hormones sa kanyang katawan na tinatawag na molar pregnancy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sumailalim daw siya sa isang procedure. Kung saan kinakailangang alinsin ang molar tissue sa kanyang sinapupunan para matapos na ang inaakalang ‘pagbubuntis’. Natakot daw siya noong una dahil sa unang beses niya lang narinig ang ganitong sitwasyon. Lalo pa’t malapit na siyang sa menopause stage noong inakalang buntis siya.

“Mas traumatic para sa akin kung buntis ako noon, buti na lang at hindi.”

Larawan mula sa Pexels

Para kay Susie, kuntento na raw siya noon sa kanyang pamilya. Kaya nga mas natanggap niya pang hindi siya buntis kaysa na nag-eexpect pa sila ng baby noong panahon na iyon. Tinulungan daw siya ng kaniyang mga kaibigan, anak, at asawa na makapagpagaling kaagad sa kundisyon niyang ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ilang linggo lang daw mula ng surgery ay nakabalik naman na kaagad siya sa kanyang trabaho.

Molar pregnancy: What do you need to know?

Larawan mula sa Pexels

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tinatawag na molar pregnancy ang kundisyon na ito ni Susie. Tinatayang isa hanggang 2 tao sa bawat 1000 buntis ang naaapektuhan nitom at two percent ang naitalang miscarriages. Ano nga ba ang kundisyon na ito?

Sa pagpapaliwanag ni Dr. Annie Kroushev, isang specialist obstetrician at gynecologists, sinabi niya na resulta raw ito ng abnormal na fertilization ng egg.

Ito raw ay nangyayari kapag sobrang daming chromosomes sa pregnancy o kaya naman galing lamang sa tatay ang chromosomes na ito.

“A molar pregnancy is therefore either a partial or a complete mole depending on its genetics, and many of these pregnancies miscarry early or can continue for some weeks prior to diagnosis.”

Sa ultrasound daw, hindi makikita na mayroong fetus ang sinapupunan ng isang babae pero nagkakaroon ng positive pregnancy test dahil sa pagtaas ng bHCG. Ang tanging makikita lamang ay abnormal na placental tissue na napaliligiran ng maliliit na cyst.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Conversely, the ultrasound of a complete molar pregnancy will usually show no fetus, but only very abnormal placental tissue with lots of little cysts or fluid filled areas. In a partial molar pregnancy, a fetus might be present but significantly smaller than expected.”

Common din daw ang kundisyon na ito sa mga batang babae na may edad 15 pababa.  Habang sa matatanda naman 45 pataas. Nakita rin sa kanyang research na mas mataas ang risk na mag-develop ang mga Asian na babae.

“All molar pregnancies are benign, but they can become invasive or cancerous when the condition is called Gestational Trophoblastic Neoplasia (GTN).”

Mahalaga raw na matanggal ang molar placental tissue once na nalamang may ganitong kundisyon ang isang tao.

“Therefore, the molar placental tissue needs to be removed as soon and as completely as possible to lower the risk of it becoming invasive or progressing into persistent GTN.”

Hindi lang daw sinapupunan ang maaapektuhan kundi maging ang iba pang organs ng kundisyong ito.

“This can affect just the muscle of the womb, spread beyond it or invade other organs such as the lungs or more locally to the vagina.”

Kadalasan daw na sumasailalim sa isang chemotherapy ang taong may ganitong kundisyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung wala naman nang planong magbuntis maaari ring sumailalim na sa hysterectomy ang babae na meron nito. Ang hysterectomy ay isang surgery kung saan tinatanggal ang uterus ng isang babae. Kaya naman kapag inoperahan nito ay wala nang kakayahan ang babae na magbuntis.

Sinulat ni

Ange Villanueva