STUDY: Madalang na pagkikipagtalik ng mga babae nakakapagpabilis ng menopause

Alam mo bang may isang mabisang paraan ayon sa eksperto upang mapabagal ang pagdating ng menopause? Ito ay ang pagtatalik.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isa sa kinababahala ng kababaihan kung nagkakaedad na ay ang menopause. Nakakabit kasi ang salitang “losyang” o hindi na kaaaya-aya sa paningin kung ikaw ay hahantong na sa ganitong yugto.

Mawawalan na rin ng kakayahan ang babae na magdalang-tao kung sa panahong ito. Pero, alam mo bang may isang mabisang paraan ayon sa eksperto upang mapabagal ang pagdating ng menopause? Ito ay ang pagtatalik.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • STUDY: Madalang na pagtatalik nakapagpapabilis ng menopause sa babae
  • Mga bebenepisyo ng pagtatalik sa mga mag-asawa

STUDY: Madalang na pagtatalik nakapagpapabilis ng menopause sa babae

Napag-alaman sa isang pag-aaral ng University College London na ang mga kababaihang aktibong nakikipagtalik kada linggo o buwan ay may 28% mas mababang tiyansa na magmenopause kaagad kumpara sa mga hindi. Kabilang sa mga aktibidad na ito ay ang pagtatalik, sexual touching and caressing, at oral sex.

Sa pag-aaral na ito, nangolekta sila ng iba’t ibang datos mula sa 2,936 na kababaihan. Ang mean age mula sa first interview ay 45 taong gulang.

Ilang katanungan rin ang inihanda ng mga eksperto para sa kanila. Kabilang dito ay kung nakikipagtalik ba sila sa kanilang partner sa loob ng anim na buwan mula noong panayam.

Pati kung gaano kadalang at paano ang kanilang pagtatalik. Matapos ang katanungan nakitang ang pinakamalaking bilang ng frequency ng pagtatalik ay kada linggo na nasa 64%.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinabi rin nilang wala sa mga kababaihang ito ang nasa ganap na menopause. Base sa datos nasa 46% na ang nasa early peri-menopause o iyong nagsisimula nang makaranas ng sintomas ng menopause gaya ng pagbabago sa period cycle. Habang nasa 54% naman ang nasa pre-menopausal o iyong regular pa ang period cycle.

Matapos ang unang panayam ay sinundan ito ng ten-year follow-up period kung saan 1,324 o 45% sa bilang ng 2,936 ang nakaranas ng menopause sa edad na 52 taong gulang.

Larawan mula sa Shutterstock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon kay PhD candidate na si Megan Arnot (UCL Anthropology),

 “The findings of our study suggest that if a woman is not having sex, and there is no chance of pregnancy, then the body ‘chooses’ not to invest in ovulation, as it would be pointless.

There may be a biological energetic trade-off between investing energy into ovulation and investing elsewhere, such as keeping active by looking after grandchildren.

Dahil sa mga datos, napag-alam nila Arnot na ang mga kababaihang nakikipagtalik kada linggo ay may 28%  na mas mababang tiyansa na makaranas ng menopause ng maaga.

Sa mga babae na nakikipagtalik naman kada buwan ay nasa 19% mas mababang tiyansa na makaranas ng menopause ng maaga kumpara sa mga mas madalang nito.

Paalala naman ng propresor na si Ruth Mace (UCL Anthropology),

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“The menopause is, of course, an inevitability for women, and there is no behavioral intervention that will prevent reproductive cessation.

Nonetheless, these results are an initial indication that menopause timing may be adaptive in response to the likelihood of becoming pregnant.”

Hindi mapipigilan ang yugto ng menopause sa kababaihan dahil ito ay natural na response ng katawan nila. Ang pag-aaral tanging indikasyon lamang na maaari itong pabagalin sa paraan ng pagtatalik.

Larawan mula sa Pexels

BASAHIN:

STUDY: Mga maagang na-menopause pwede umanong magkaroon ng dementia

Ito raw ang mga babaeng high risk sa pagkakaroon ng postpartum depression after manganak, ayon sa experts

21 na hirap na nararanasan ng mga babae sa habang buntis

Mga bebenepisyo ng pagtatalik sa mag-asawa

1. Nakapagpapalakas ng immune system.

Ang mga taong madalas nakikipagtalik ay may mataas na lebel ng pandepensa laban sa mga germs at viruses. Ayon sa eksperto maaaring magtaglay ang mga taong ito ng sapat na bilang ng antibody na nakapagpapalakas sa kanilang resistensya. Sabi ng sexual expert na si Yvonne K. Fulbright, PhD,  “Sexually active people take fewer sick days.”

2. Maituturing na ehersisyo.

Sa pagtatalik nagagamit ng aktibidad na ito ang halos lahat ng parte ng katawan. Kaya naman pinagpapawisan sa tuwing nakikipagsex. Ito ay magandang gawain dahil maituturing itong ehersisyo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Gumagamit ng tinatayang 5 calories kada minuto ang pagtatalik. Pinauunlad nito ang heart rate at iba pang muscles sa katawan.

3. Nakabubuo ng bonding niyong mag-asawa.

Larawan mula sa Shutterstock

Nagiging intimate ang sandali na nakakatulong sa inyong relasyon. Maaaring makabuo ng kuwento, tawanan o ng iba pang tinatagong sikreto na maaaring makapagpatibay ng bonding niyong mag-asawa.

4. Bawas stress.

Kung nakabubuo kayo ng bonding sa pagtatalik malamang ay makapapababa nito ang iyong stress level. Ayon sa eksperto ang paghahawakan at pagyayakapan ay maaaring makapagbigay sa iyo ng “feel-good hormone.” Kaya naman nailalabas ng pagtatalik ang iyong self-esteem at kasiyahan dahil sa mga hormones na ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

5. Nakapagtataas ng libido.

Ayon kay Lauren Streicher, “Having sex will make sex better and will improve your libido.” Natutulungan kasi nito ang katawan sa vaginal lubrication, takbo ng dugo, at elasticity.

 

Sinulat ni

Ange Villanueva