Ang panganganak ay isa sa mga pinakamahirap na pinagdadaanan ng mga kababaihan. Ang “postpartum depression” ay isang common illness ng mga bagong panganak na ina. Paano mo nga ba malalaman kung may ganitong kalagayan ang isang bagong panganak na ina?
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Tatlong uri ng postpartum depression
- Sintomas ng pagkakaroon ng postpartum depression
- Mga sanhi ng pagkakaroon ng postpartum depression
Ang pagkakaroon ng bagong baby sa inyong buhay ay isang malaking pagbabago. Kaya minsan ang mga “new mothers” ay nakararamdam ng “overwhelmed” sa kanilang bagong responsibilidad.
Ang postpartum depression ay pinaghalo-halong pagbabago sa pisikal, emosyon, at kilos sa isang babae matapos niyang manganak. Ayon sa DSM-5, ito ay maaaring magsimula 4 weeks after niyang manganak.
Tatlong uri ng postpartum depression
Hindi lamang isa ang postpartum depression, ito ay nahahati sa tatlong uri: Baby blues, Postpartum depression, at Postpartum Psychosis.
Ito ang kadalasang uri ng postpartum depression na nagaganap sa mahigit 70% ng mga kababaihan pagkatapos manganak. Maaari siyang makaramdam ng biglaang pagkasaya at bigla nalang malulungkot. Maaari rin siya umiyak nang walang rason.
Ilan pa sa maaaring maramdaman o kilos niya ay ang maging iritable, malungkot, hindi nagpapahinga, at pagiging anxious.
Ito naman ay kadalasang makakaramadam ang isang buntis na hindi makakain, hindi makatulog at hindi na maalagaan ang iyong baby. Ito ay dulot ng nararamdamang pagkalungkot na maaaring magdulot ng pagkaroon ng panic attacks and anxiety.
Ito naman ay sa isang severe mental illness kung saan hindi ka makatulog at hindi ka makapag-isip ng malinaw. Pwede itong magbunga ng pagkakaroon ng “hallucination or delusion” o nakakaramdam ka ng mga bagay na hindi naman totoo. Maaari ring naiisip mo nang saktan ang sarili o ang iyong baby.
Larawan mula sa Pexels ni Kat Smith
Sintomas ng Postpartum Depression
- Hirap makatulog – Hindi mapakali sa pagtulog at kahit tulog si baby hindi pa rin makatulog.
- Nahihirapan kang mag desisyon – Maaaring maging dahilan ng sobrang stress o sobrang pagod kaya nawawalan ka na ng pakialam.
- Laging pagod – Kung palagi mong nararamdaman na ikaw ay pagod kahit nakapag pahinga ko nakatulog.
- Mababang libido – Wala ka nang gana makipag talik sa iyong mister
- Madalas magbago ang mood – Maaring masaya ka mohit bigla ka na lamang malulungkot biglang mainis o biglang umiiyak.
BASAHIN:
REAL STORIES: Coping with Postpartum Rage with an Infant and a Toddler
Mom confessions: “Sinabi ng nanay ko na kaartehan lang ang postpartum depression ko.”
Mom Confession: “My unplanned pregnancy saved me from depression.”
Ayon sa mga pag-aaral ito raw ang mga babaeng high risk sa pagkakaroon ng postpartum depression after manganak
Sa isang pag-aaral na ginawa, maraming genetic compnent kung bakit nagkakaroon ang isang babae ng postpartum depression. Maaaring dahil ito sa hormonal changes o mga babaeng may depression na.
Ayon ito kay Dr. Jennifer Payne na nagsagawa ng pag-aaral patungkol sa Reproductive Psychiatry Research Program sa University of Virginia School of Medicine, sa Charlottesville.
Pero ayon sa bagong pag-aaral halos 1 milyong new moms sa buong mundo may nakita silang panibagong risk sa pagkakaroon ng postpartum ng mga kababaihan.
Larawan mula sa Shutterstock
Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
-
May history ng depresyon bago manganak o habang buntis
Maaari maging sanhi ang iyong dating nararamdaman sa iyong postpartum depression lalo na sa malaking pagbabago sa ‘yong buhay.
Ayon sa pag-aaral kung mas matanda ang bagong panganak lower ang chances na magkaroon ito ng depression symptoms.
-
Kung gaano karami ang iyong anak
Kadalasan ng mayroon ng mga postpartum depression ay ang mga baguhang ina na may malaking pagbabago sa kanilang buhay at katawan .
-
Maaaring may stressful event katulad ng health crisis o kawalan ng trabaho o marital conflict
Ito ay maaaring maging sanhi dahil sa stress ay mas lalong lumalaki ang tiyansa na ang isang bagong panganak na ina ay magkaroon ng postpartum depression.
-
Pagkakaroon ng anak na may special needs o problema sa kalusugan
Malaki ang epekto ng stress sa pagkakaroon ng postpartum depression kaya ito ay maaari maging sanhi nito dahil sa stress dahil sa special need ng iyong anak o problema sa kalusugan.
Maaaring makaapekto ang ang pag aalaga ng iyong anak na mag-isa dahil hindi ka makapagpahinga at ikaw ay kailangan pa mag-isip tungkol sa iyong pang araw-araw na gastusin.
Tips para maiwasan ito
1. Pagtulog at pagpapahinga
Pahinga at pagtulog ay isa sa mga importanteng gawin ng isang bagong panganak na ina dahil ang iyong katawan ay kailangan ng maraming pahinga upang gumaling
2. Kumain ng mga healthy foods
Ang pagkain nang tama ay nakatutulong sa pagboost na iyong mood at pagkakaroon ng energy. Importante rin ang kumain ka ng maraming protein iron at omega-3s dahil ito ay importante sa iyong breastfeeding at ang iyong katawan ay nangangailangan ng bitamina.
3. Mag-exercise o paglalakad upang makakuha ng fresh air
Ang exercise ay nakakatulong upang maging healthy, magkaroon ka ng energy, mapabuti ang pagtulog sa gabi at matulungan ka na maibabalik ang iyong timbang bago ka manganak.
4. Tumanggap ng tulong lalo na sa loob ng inyong pamilya
Larawan mula sa Shutterstock
Ito ay hindi oras sa iyo ng pagsasarili, ang iyong pamilya at mga kaibigan ay maaaring tumulong. Mga gawaing bahay tulad ng grocery magluto paglalaba o kahit na pagtapon ng basura maaaring ipagawa sa iba.
Ang pagkakaroon ng kasiyahan at bagong responsibilidad. Madali maoverwhelmed sa malaking pagbabago sa iyong buhay ngunit tandaan ang pagiging mabuting magulang ay kailangan mo rin pahalagahan ang iyong sarili upang maalagaan ang iyong anak.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!