10 parenting mistakes na nakakaapekto sa mental health ng bata

Sa iyong pagpapalaki sa kanilang mga anak, may mga nagagawa ang mga magulang na may masamang epekto sa mental health ng bata. Alamin rito kung anu-ano iyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Gusto mo bang lumaking masaya at may kumpiyansa sa sarili ang iyong anak? Alamin dito ang mga ginagawa ng magulang na may nakasasamang epekto sa mental health ng bata.

Mababasa sa artikulong ito:

  • 9 parenting mistakes na nakakaapekto sa mental health ng bata
  • Ano ang mga mental disorders na pwede nilang makuha paglaki
  • Mga tips sa tamang pagpapalaki sa anak

Bilang magulang, hangad natin na lumaki nang malusog at masaya ang ating anak. Kaya nga nagbibigay tayo ng panahon para magbasa ng mga parenting articles at matuto mula sa mga eksperto at ibang magulang ng mga tamang paraan ng pagpapalaki ng mga bata.

Walang magulang ang gustong mapasama ang kaniyang anak, subalit alam mo ba na maaaring mayroon kang nagagawa na nagdudulot ng hindi magandang epekto sa mental health ng bata?

Narito ang ilan sa kanila, pati na rin ang mga paraan para maitama ang parenting mistakes na ito.

Larawan mula sa Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang unang tatlong masamang gawain na hindi namamalayan ng mga magulang ay may kinalaman sa helicopter parenting. Nangyayari ito kapag masyado kang nakatutok sa iyong anak at hindi mo na siya binibigyan ng lugar para magkamali o makilala ang kaniyang sarili.

  • Pangungunsinti sa bata

Dahil sa pagmamahal natin sa ating mga anak, ayaw na natin silang masaktan o malungkot. Kaya kapag may nagawa silang mali, pinalalampas na lang natin ito. O kung ayaw nilang mahirapan, tayo na ang gagawa ng paraan para isalba sila.

Halimbawa, kapag hinagis ng bata ang kaniyang laruan at nasira ito, bibilhan mo agad siya ng panibago para hindi siya malungkot.

O kaya naman, kapag ayaw ng iyong anak na gawin ang kaniyang takdang aralin sa paaralan, kakausapin mo ang kaniyang guro para i-excuse ang bata, o kaya naman sisihin ang guro kung bakit napakahirap ng takdang aralin.

Pero dapat matutunan ng ating anak na harapin ang kanilang mga problema at huwag takasan ang mga resulta ng kanilang ginawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa clinical psychologist na si Daniel Lobel, Ph.D., ang pangungunsinti ng magulang ay maaring magkaroon ng masamang epekto sa mental health ng bata.

Ang pagtakas sa responsibilidad at paninisi sa iba ay maaaring magdulot ng narcissistic personality disorder kung saan masyadong mataas ang tingin niya sa kaniyang sarili at wala siyang pakialam sa mararamdaman ng ibang tao.

Sa halip na sumaklolo sa lahat ng, hayaan mong solusyunan ng iyong anak ang kaniyang problema.

  • Labis na pagprotekta

Walang magulang na gustong masaktan ang kanilang anak. Kaya naman sa takot natin na mapahamak sila, iniiwasan natin ang mga bagay na maaaring magdulot sa kanila ng hirap o hindi sila maging komportable.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kapag lagi natin sila inaalis sa mahihirap na sitwasyon, mahihirapan silang mag-adapt o makibagay sa mga ganitong pangyayari sa hinaharap.

Ayon kay Lobel, maaari itong humantong sa obsessive-compulsive traits kung saan gusto ng isang tao na laging maging perpekto ang isang sitwasyon at kapag nakakita siya ng mali, hindi niya alam kung paano sosolusyunan ito.

Natural lang na protektahan natin ang ating anak mula sa panganib. Subalit kung hindi naman ito maglalagay sa kanila sa peligro, hayaan nating magkamali o mahirapan ang bata paminsan-minsan.

Larawan mula sa Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Ginagawang “pa-victim” ang anak

“Kawawa ka naman, anak. Dito ka na lang kay Mommy.” Bagama’t gusto nating maramdaman nila na kakampi nila tayo, kapag lagi natin silang ipinagtatanggol o ipinagmumukhang kawawa ang ating anak, maaaring hindi nila matutunang tumayo sa sariling paa, at humanap ng paraan para pagbutihin ang kanilang sarili.

Kapag laging iniisip ng bata na siya ay “biktima” sa isang sitwasyon, maaring katakutan niya ang maraming bagay at magkaroon siya ng borderline personality sa kaniyang pagtanda kung saan takot siyang mapag-isa at mawalan ng tiwala sa kaniyang sariling kakayahan.

Pwede mong damayan ang anak mo kapag malungkot siya o kapag natalo siya sa isang laro. Pero hikayatin mo rin siyang bumangon at sumubok muli sa halip na magreklamo at magmukmok nang matagal.

  • Hindi kinikilala ang nararamdaman ng anak

Kailangan malaman ng iyong anak na normal lang makaramdam ng mga emosyon gaya ng takot, kaba at lungkot. Kapag sinasabi natin na “Don’t be sad,” or “Stop crying!” ipinaparating nito na hindi dapat sila nakakaramdan ng mga ganitong emosyon at mas mabuting itago ito.

Hindi nakakabuti sa mental health ng bata kung pipigilan nila ang kanilang nararamdaman o babalewalain natin ito. Maaari itong humantong sa labis na pagkalungkot o depression sa hinaharap.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon kay Dr. Tracy Hutchinson, isang mental health therapist sa , sa halip na patigilin natin ang ating anak sa kaniyang nararamdaman, kausapin natin sila tungkol rito at tanungin sila kung anong pwede nilang gawin para gumaan ang pakiramdam nila.

  • Ibinibigay mo ang lahat ng kaniyang gusto

Bilang magulang, kaligayahan natin ang pasiyahin ang ating anak at ibigay sa kanila ang mga bagay na gusto nila. Subalit ayon kay Hutchinson, kung ibibigay mo ang lahat ng kapritso ng bata, hindi niya made-develop ang mga kakayahan na may kinalaman sa mental strength, gaya ng disiplina, self-control at pagpupursigi.

Sa halip na ibigay agad sa iyong anak ang kaniyang gusto, hikayatin siyang magsikap para makamit niya ito. Gayundin, turuan siyang magsikap sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga patakaran bago niya makuha ang bagay na gusto niya.

Halimbawa, kailangan niya munang matapos ang kaniyang homework bago siya makanood ng TV o makagamit ng gadgets.

BASAHIN:

13 mabuting asal na dapat matutunan ng bawat bata simula edad na 2

Mga magulang, narito ang masamang epekto ng pamamalo sa bata ayon sa pag-aaral

5 hindi magandang ugali ng bata at ang mga dapat gawin upang ito ay maitama

  • Masyadong mataas ang inaasahan mo sa sa iyong anak

Natural lang na maging mataas ang iyong pangarap para sa iyong anak, pero tandaan, sila ay bata pa lamang at maaaring magkamali.

Kapag lagi mong inaasahan ang iyong anak na magtagumpay sa kaniyang ginagawa, maaari itong makaapekto sa mental health ng bata.

Maaari siyang magkaroon ng mababang self-esteem dahil iisipin niyang mahal mo lang siya kapag mataas ang marka niya sa paaralan o kapag natupad niya ang inaasahan mo sa kaniya. Puwede rin itong humantong sa narcissistic personality disorder.

Kapag nagkamali ang bata, huwag siyang pagalitan at ipahiya. Iparamdam sa iyong anak na higit sa mga resulta, mas importante ang kaniyang pagsisikap na marating ang kanyang pangarap.

  • Hindi nagse-set ng mga patakaran

Sa kagustuhan nating mapasaya ang ating anak, minsan ay nakakalimutan na natin silang disiplinahin. Sapagkat ayaw nating magalit sila sa atin, pinapabayaan lang natin silang gawin ang mga bagay na gusto nila gaya ng magpuyat at gumamit ng gadgets hanggang kailan nila gusto.

Nakakatulong sa bata ang pagkakaroon ng routine at consistency. Nagbibigay ito sa kaniya ng pakiramdam ng seguridad kapag alam niya ang kanyang dapat asahan mula sa kaniyang magulang.

Sa ganitong paraan, nagiging mas matatag ang kaniyang tiwala sa kaniyang sarili at natututong makitungo sa iba.

Larawan mula sa Freepik

  • Labis na pagbibigay ng parusa

Napakarami nang pag-aaral na naisagawa ang nagsasabi ng masamang epekto ng pamamalo sa mga bata. Kabilang na rito ang pagkakaroon ng mababang self-esteem, pagiging bayolente, antisocial behaviors at mga mental health issues gaya ng depression at anxiety. Ito ay isang endless cycle na maaaring makaapekto sa bata hanggang sa kaniyang paglaki.

Tandaan, huwag masyadong mag-focus sa pagbibigay ng parusa sa bata. Sa halip, kausapin siya ng masinsinan at ipaliwanag kung bakit mali ang kaniyang nagawa.

  • Pinapabayaan lang ang  anak

Kabaliktaran naman ng helicopter parenting ang free-range parenting kung saan hinahayaan mo lang palagi ang bata at walang pagdidisiplina na nangyayari.

Dala na rin ng mga gawaing-bahay at trabaho, maaring hindi ka nakakapaglaan ng sapat na oras para sa iyong anak. Pero kailangan nila tayo para matuto sila at malaman kung paano makitungo sa iba.

Maaaring napapasama na pala ang bata nang hindi natin namamalayan. Halimbawa, hindi pala maganda ang mga napapanood niya sa kaniyang gadget.

O kaya may problema pala siya sa paaralan. Mas malaki ang posibilidad ng mga batang hindi nagagabayan at suporta ng magulang na magkaroon ng depression.

Kahit gaano ka kaabala sa iyong ginagawa, siguruhing maglalaan ng oras para kausapin ang iyong anak at alamin ang kaniyang mga ginagawa.

  • Pagpapabaya sa sarili

Dahil na rin sa ating mga pinagkakaabalahan, nakakalimutan na nating alagaan ang ating sarili. Kung sa tingin mo ay walang epekto ito sa iyong anak, nagkakamali ka.

Tandaan, ikaw ang pangunahing modelo ng iyong anak. Kaya kung nakikita niya na pinapabayaan mo ang iyong sarili at laging inuuna ang ibang tao, maaring isipin niya na tama ito.

Kung gusto mong lumaking masaya at maayos ang iyong anak, dapat mong ipakita sa kaniya kung paano pahalagahan ang sarili.

Larawan mula sa Freepik

Ang bottomline sa mga ito: kapag masyadong maluwag at pinabayaan natin sila, maari itong makasama. Kapag labis naman at masyado natin silang pinoprotektahan, hindi rin ito makakabuti. Kaya tamang timpla lang dapat ang pagpapalaki sa kanila.

Tandaan mommies at daddies, mahirap ang maging magulang. Napakalaking responsibilidad nito dahil sa atin nakasalalay ang kaayusan ng ating mga anak sa hinaharap.

Source:

Psychology Today, CNBC

Sinulat ni

Camille Eusebio