Hindi magandang ugali ng bata, alamin ang mga dapat gawin upang ito ay maitama.
Gustuhin man natin na lagi lang masaya at active ang ating mga anak hindi ito possible. Sapagkat siya ay may mood swings din tulad nating mga matatanda.
Siya'y magre-react rin ng negative sa mga bagay na makikita niyang magbibigay sa kaniya ng irritable o hindi magandang pakiramdam. Ito'y natural na parte ng development at paglaki niya.
Siya ay maaaring maging irritable tungkol sa pagsusuot niya ng pajama kapag matutulog na. O kaya naman ay ang ibaba na ang cellphone dahil tapos na ang allotted screen time niya.
Maaaring siyang sumagot o lumaban at minsan nga ay hindi mo na makontrol ang ugali niya. Kung ito ay madalas na nangyayari, ito ay dapat mo ng ipag-alala.
Sapagkat ang mga tila inosenteng tantrums ng mga bata na ito ay maaring maging bad behavior na maaari niyang kasanayan o kalakihan.
Dahil sa ang mga bad behaviors ay nade-develop habang lumalaki ang bata, malaki ang maitutulong ng mga magulang para mapigilan itong lumala. Ganoon rin upang maitama ito na sa loob ng tahanan dapat o bahay nagsisimula.
Ano ang disruptive behaviour disorder o DBD sa mga bata?
People photo created by jcomp - www.freepik.com
Ang disruptive behavior disorder o DBD ay tumutukoy sa mga disorder sa mga bata at teenagers na kung saan sila ay nahihirapang kontrolin ang kanilang emosyon at kinikilos.
Ang mga isyu na kabilang rito ay ang hindi pagsunod o pakikipagtalo sa mga nakakatanda sa kanila. Ito ay maaaring mauwi sa aggressive reaction o destructive behavior na kung saan maaaring saktan ng bata ang kaniyang sarili o ang ibang tao sa paligid niya.
Ano ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng DBD ang isang bata?
Ayon sa isang 2013 study na nailathala sa School Psychology International, ang DBD ang isa sa mga common disorders na makikita sa mga schools at psychiatric clinic sa mga bata.
Sa ngayon walang partikular na dahilan kung bakit nati-trigger ang DBD sa mga bata. Pero sinasabing mas mataas ang tiyansa na maranasan ito ng mga batang nakakaranas ng pang-aabuso, neglect, nakakasaksi ng violence o karahasan sa bata niyang edad o kaya naman isa sa miyembro ng pamilya ay nakakaranas rin ng kondisyon.
Mga uri ng DBD
Ang Disruptive Behaviour Disorder ay maaring hatiin sa dalawang uri:
-
Oppositional Defiant Disorder
Ito ay ang disorder na kung saan laging galit at irritable ang isang bata. Hindi rin siya sumusunod sa kanilang magulang, kaibigan, caregiver o mga guro.
Sa disorder na ito ay makikita ang hindi maayos na pagtrato ng isang bata sa kaniyang kapwa o mga hayop. Maaaring siya rin ay nambu-bully ng ibang mga bata at laging nagsisimula ng away o gulo.
-
Intermittent Explosive Disorder
Ito as mas malalim na uri ng disruptive behavior disorder na kung saan ang isang bata ay nagpapakita ng marahas na pag-uugali. Siya rin ay may extreme temper tantrums at may extreme solutions sa mga sitwasyong kaniyang nararanasan.
Minsan din ay hindi niya iniisip ang maaaring maging consequence ng desisyon o aksyon na kaniyang nagawa.
Image from Pexels
5 hindi magandang ugali ng bata at paano ito maitatama
Image from Pexels
Ang pinakamainam na treatment sa pagsasaayos ng behavioral problems ng isang bata ay ang tukuyin kung ano ito at itama ito habang siya'y bata pa. Ito ang ilan sa mga hindi magandang ugali ng bata at ang mga paraan na maari mong gawin upang ito ay maitama.
1. Pagsisinungaling.
Minsan kahit cute pakinggan ang mga gawang-gawa kuwento ng ating anak, hindi dapat sila i-encourage o sanayin sa paggawa ng mga ito. Ito ay kahit very interesting pakinggan ang imagination o creativity nila sa paggawa ng kuwento.
Sapagkat kung papabayaan ito ay maaaring ma-ignore ng iyong anak ang mga actual consequences ng kaniyang ginagawa. Maaari ring makasanayan niya itong gawin na sa pagtagal ay hindi na nakakatuwa.
Treatment: Mahalaga na una mong maintindihan ang motibo ng iyong anak sa pagsisinungaling. Maaaring siya pala ay nahihiya o kaya naman ay gusto niyang pagtakpan ang isang pagkakamali na kaniyang ginawa.
Sa ganitong pagkakataon ya mabuting i-assure siya na hindi siya mapaparusahan sa pagsasabi ng totoo. Dapat din ay maipaalam mo sa iyong anak na alam mo na siya ay nagsisinungaling.
Imbis na pagalitan siya ay dapat alamin mo ang dahilan kung bakit siya nagsisinungaling. Sa oras na siya ay magsabi ng katotohanan ay dapat siyang purihin. Ito ay para ma-encourage pa siyang magsabi ng totoo at hindi na magsinungaling.
Photo by Ketut Subiyanto from Pexels
2. Kapag sumasagot sa usapan ng matatanda ang iyong anak.
Ang pagsagot o pagsingit sa usapan ng matatanda ay palatandaan na walang pasensya ang isang bata. Ito ay maaaring magsimula sa loob ng inyong bahay na kung saan siya ang madalas na center na atensyon. Mahalaga na maintindihan mo ang impulse behavior na ito ng iyong anak at paano ito makokontrol.
Treatment: Turuan ang iyong anak na maghintay. Para maiwasan itong mangyari ay makakatulong ang pagkakaroon ng model conversations sa iyong anak.
Huwag siyang i-interrupt sa tuwing siya ay nagsasalita. Kung sakali mang magawa mo ito ng hindi mo sinasadya ay mag-apologize at ipaalam sa kaniya na hindi magandang gawin ito. Ito rin ang best time na turuan siya ng mga salitang “please” at “excuse me.”
o Pag-mumura
Ang pag-mumura ay nalalaman rin ng isang bata madalas sa loob ng bahay. Bagamat minsan ay cute pakinggan na marinig ang iyong anak na magsabi ng mga swear words ay hindi ito ideal na gawin. Hindi rin ito maganda lalo na kung makikipag-interact siya sa ibang bata.
Treatment: Mahalaga sa oras na marinig na magmura ang iyong anak na hindi gawin itong big deal. Sa halip, ay hayaan siyang sabihin pa ito ng malakas. Weird kung iisipin pero ayon sa mga eksperto, mas uulitin lang ito ng iyong anak kung siya ay iyong pagbabawalan.
3. Kapag hindi marunong maghintay o walang pasensya ang iyong anak.
Isa sa madalas na problema ng mga bata ay ang kawalan nila ng pasensya. Dito nagsisimula ang iba pa nilang problema tulad ng impulsiveness, lack of self-discipline, at marami pang iba.
Image from Pexels
Treatment: Ayon sa mga eksperto, mabuting i-practice nating mga magulang ang “patience-stretching” kasama ang ating mga anak. Ang prosesong ito ay nagre-require na “halos” ibigay ang gusto o demands ng isang bata. Halimbawa, kapag sinabi niyang pakibuksan ang TV. Sagutin niya ng “sandali lang” at maging busy sa ibang bagay bago i-grant ang gusto niya.
Matapos ang maikling break ay saka siya payagang manood ng TV. Sa ganitong paraan ay natututo siyang maging mapasensya at magalang sa matatanda.
4. Pangangagat o pananakit ng ibang bata.
May ibang bata na kulang sa impulse control kaya naman sila ay nangangagat o nananakit ng ibang bata. Ito ay ang simula ng aggressive behavior na dapat ay maitama na sa batang edad ng iyong anak.
Sapagkat sa katagalan mas mahirap na maitama ang ugali na ito ng iyong anak. Mangangailangan na ng therapist at mga gamot para maitama ang behavior niyang ito.
Treatment: Kailangang tandaan ng iyong anak na ang pangangagat at pananakit ng iyong anak ay may consequences. Makipag-usap sa iyong anak tungkol rito at kung bakit hindi maganda ang pananakit ng kaniyang kapwa.
Ang mga larong Simon Says ay nakakatulong para ma-develop ang impulse control at patience ng isang bata upang ma-overcome ang kaniyang aggressive behavior.
Photo by RODNAE Productions from Pexels
5. Hindi pagtigil kahit pinagsasabihan na.
Mahalaga na sa bata palang nilang edad na maintindihan ng iyong anak ang kahalagahan ng pakikinig sa mga sa salitang “no” at “stop”.
Sapagkat kung hindi ay maaaring ang isang innocent act ng isang bata ay maging mapanganib na. Halimbawa sa pang-aasar sa kaniyang kapatid na maaring makasakit na ng hindi niya namamalayan.
Treatment: Kung ito ay ginawa ng iyong anak na nakaharap ka, ang una mong dapat gawin ay ang makialam at alisin ang iyong anak sa sitwasyon.
Saka siya turuan base sa iyong sariling karanasan at tumigil ka sa oras na sinabi niya. Siyempre, depende ito sa sitwasyon ngunit mahalaga na maintindihan niya na makinig sa oras na siya ay pinagtitigil o pinagsasabihan. Ito ay iyong magagawa sa pamamagitan ng pagiging mabuting halimbawa sa kaniya.
Orihinal na nailathala sa wikang Ingles sa theAsianparent Singapore at isinalin sa wikang Filipino ni Irish Mae Manlapaz.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!