#WalangKuryente: Mga lugar na mawawalan ng kuryente hanggang Feb 9

#WalangKuryente: Mga lugar na mawawalan ng kuryente hanggang Feb 9

Power interruption schedule ng Meralco sa Metro Manila at iba pang kalapit lalawigan mula sa Feb.2-9, 2020.

Narito ang Meralco power interruption today schedule sa Metro Manila at iba pang kalapit na lalawigan, bunsod ng kanilang maintenance activity.

Meralco Power Interruption Today

Image from Meralco

Meralco power interruption today until February 9

Upang mas masaaayos ang kanilang pagbibigay serbisyo ay pansamantalang puputulin ng Meralco ang linya ng kuryente sa ilang bahagi ng Metro Manila at kalapit nitong lalawigan mula February 2-9.

At para ito ay mapaghandaan, narito ang schedule ng gagawing maintenance at Meralco power interruption today hanggang February 9.

CAVITE (Dasmariñas City, Imus, at Gen. Trias)

FEBRUARY 3 – 4, 2020, MONDAY-TUESDAY

Feb.3 (10:00pm-10:59pm)

Feb.4 (5:01am-6:00am)

Ang power interruption sa ilang bahagi ng Cavite ay nagsimula na kahapon. Magpapatuloy ito ngayong araw mula alas-5:01 hanggang alas-6 ng umaga. Ito ay dulot ng preventive maintenance schedule at testing works na isinasagawa sa loob ng Meralco-Abubot substation.

Ang mga apektadong lugar ng Meralco power interruption today, February 4, sa Cavite ay ang sumusunod:

  • Ilang bahagi ng Gen. Emilio Aguinaldo Highway mula Meralco–Abubot substation sa Dasmariñas City hanggang Governor’s Drive. Kabilang sa maapektuhan ay ang Agustina Subd., Dasmariñas Executive Village, Via Verde Subd., Villa Luisa Subd. at Villa Catalina Subd. sa Brgy. San Agustin I – III, Dasmariñas City.
  • Mga bahagi ng Governor’s Drive mula Gen. Emiligo Aguinaldo Highway hanggang Gov. Ferrer Drive. Kabilang sa maapektuhan ay ang Village Park Subd. at Pamela Homes Subd.; Bgys. Langkaan I – II at Sampaloc I sa Dasmariñas City.
  • Bahagi ng Gov. Ferrer Drive mula Governor’s Drive hanggang sa Brgy. Tapia, Buenavista I – III, Manggahan at Pasong Kawayan I & II sa Gen. Trias.

 

CAVITE (NAIC)

FEBRUARY 4 – 5, 2020, TUESDAY-WEDNESDAY

Feb.4 (10:00pm-10:59pm)

Feb.5 (4:01am-5:00am)

Magsasagawa rin ng power interruption sa Naic, Cavite ngayong araw hanggang bukas February 5.

Bunsod naman ito ng pagpapalit ng mga poste at linya ng kuryenteng naapektuhan ng proyekto ng DPWH sa kahabaan ng Governor’s Drive sa Brgy. Ibayong Silangan, Naic, Cavite.

Magsisimula ang power interruption mula 10pm hanggang 10:59pm, ngayong araw, Martes, February 4. Mauulit ulit ito bukas, Miyerkules, February 5, mula 4:01am hanggang 5am ng umaga. Ang mga bahagi ng Naic, Cavite na apektado ng power interruption sa mga nasabing oras ay ang sumusunod:

  • Portion ng Governor’s Drive mula Alfamart hanggang sa The Church of Jesus Christ of Latter-Day Saints at Metrobank branch sa Brgy. Ibayong Silangan.
  • Bahagi ng Antero Soriano Highway mula P. Poblete St. hanggang Amisa Medical Mission Hospital, Villa Apolonia Subd., at Diosomito Subd., sa Brgy. Timalan Concepcion at Ibayong Silangan.
  • Portion ng Tramo Road mula Sitio Gulod St. hanggang Morante Subd., Junto Del Mar Village, Coastal Homes, Sitio Pobres Silangan at Sitio Pobres Kanluran sa Brgy. Munting Mapino.

Feb.4-5 (11:00pm-4:00am)

Samantala, makakaranas naman ng mas mahabang power interruption ang ilang bahagi ng Governor’s Drive sa Naic, Cavite. Ito ay magmumula sa Shakey’s Pizza Parlor hanggang sa Total Gas Station at Mercury Drug sa Brgy. Ibayong Silangan.

BULACAN (MEYCAUAYAN CITY) AND VALENZUELA CITY

FEBRUARY 3 – 4, 2020, MONDAY TO TUESDAY

Feb.3-4 (11:00pm-4:00am)

Nagsimula rin ang Meralco power interruption sa Bulacan kagabi, 11pm hanggang 4am ngayong araw. Ito ay bunsod ng pag-uupgrade ng facilities sa kahabaan ng B. Rosales St. sa Brgy. Tugatog, Meycauayan City, Bulacan.

Ang mga apektadong bahagi ng Meralco power interruption today sa Bulacan ay ang sumusunod:

  • Portion ng B. Rosales St. mula Tugatog Road hanggang Origen St. sa Mapalad Subd. at Rosales Cottage Industry sa Brgy. Tugatog, Meycauayan City, Bulacan.
  • Buong San Francisco Subd., Skyline Subd. at Sta. Lucia Subd. Pati na ang Veinte Reales National High School sa Brgy. Veinte Reales, Valenzuela City.

 

QUEZON CITY (MATANDANG BALARA)

FEBRUARY 5, 2020, WEDNESDAY

Feb.5 (9:00AM-2:00PM)

Ang power interruption naman sa Old Balara, Quezon City ay isasagawa sa Miyerkules, Feb.5. Ito ay bunsod naman ng pag-rerepair ng facilities ng Meralco sa Don Mariano Marcos Ave. (Commonwealth Ave.) sa Bgy. Matandang Balara, Quezon City.

Narito ang bahagi ng Old Balara sa Quezon City na apektado ng power interruption:

  • Portion ng Don Mariano Marcos Ave. (Commonwealth Ave.) mula Villanueva Drive hanggang General Miguel Malvar Medical Hospital.
Meralco Power Interruption Today

Image from Freepik

QUEZON CITY (NOVALICHES)

FEBRUARY 6, 2020, THURSDAY

Feb.6 (8:00am-1:00pm)

Dahil naman sa pagsasa-ayos ng linya at poste ng Meralco sa Novaliches, Quezon City ay pansamantalang mawawalan ng kuryente ang ilang bahagi nito. Ang lugar na apektado ng interruption ngayong Feb.6, 8am hanggang 1pm ng hapon ay ang sumusunod:

  • Villa Verde Homes sa Brgy. Sta. Monica, Novaliches, Quezon City.

 

QUEZON CITY (PAYATAS)

FEBRUARY 6, 2020, THURSDAY

Feb. 6 (9:00am-4:00pm)

Bunsod parin ng pag-rerepair na isinasagawa ng Meralco sa Don Mariano Marcos Ave., ay mawawalan din ng kuryente pansamantala ang ilang lugar sa Payatas, Quezon City. Ang lugar na apektado sa Payatas ay ang sumusunod:

  • Portion ng San Juan Bautista St. mula Sto. Niño St. hanggang San Vicente, San Lorenzo Ruiz, San Gabriel, Sagrada Corazon, San Miguel, Holy Trinity, Fatima, Dinorado, Milagrosa at Perpetual Help St.

 

CAVITE (MAGALLANES)

FEBRUARY 6, 2020, THURSDAY

Feb.6 (10:00am-2:00pm)

May isasagawa ring reconstruction, relocation at replacement ng Meralco facilities sa Magallanes, Cavite. Ito ay gagawin sa Feb.6 mula 10am-2:00pm na kung saan pansamatalang puputulin ang supply ng kuryente sa sumusunod na lugar:

  • Portion ng Sitio Pulo sa Brgy. Cabulusa

 

TAGUIG CITY (WESTERN BICUTAN)

FEBRUARY 6, 2020, THURSDAY

Feb.6 (10:00am-3:00pm)

Bilang dagdag na proteksyon sa kidlat ay magpapalit at maglalagay ng dagdag na electrical devices ang Meralco sa Western Bicutan, Taguig. Ito ay gagawin sa Feb.6 mula 10am hanggang 3pm ng hapon. Ang lugar namang apektado ng power interruption bunsod ng maintenance activity ay ang sumusunod:

  • Portion ng A. Luna St. mula Bayani Road hanggang Valdez St. sa AFPOVAI Subd. Phase 5.

 

QUEZON CITY

FEBRUARY 7, 2020, FRIDAY

Feb.7 (12:00am -12:30am)

Samantala sa Feb.7, Biyernes ay mas malaking parte ng Quezon City ang maapektuhan ng power interruption. Bagamat ito ay panandalian lamang bunsod ng Meralco line reconstruction sa E. Rodriguez Ave.

Ang mga lugar sa Quezon City na apektado ng maintenance activity na ito ng Meralco sa Biyernes ay ang sumusunod:

  • Portion ng Col. Bonny Serrano Ave. mula Camp Atienza hanggang E. Rodriguez Jr. Ave. Kabilang ang Riverview Drive at Mejia St.; at Camp Alejandro B. Mechor Sr. sa Brgy. Blue Ridge A & B at Libis.
  • Bahagi ng E. Rodriguez Jr. Ave. mula Col. Bonny Serrano Ave., hanggang Acropolis Subd., Basa Compound, Magnitude Place Compound at Mercury Ave. Kabilang na ang Oleofats Inc., Pizza Hut, Mercury Drug, Brothers Burger, Hotel 878 Libis, Petron Gas Station, Prestige Cars Libis, Ford Libis, Microtel by Wyndham – Acropolis, PBA Main Office, CLK Supertools Depot, Intrepid Bldg., Lo Vignet Bldg., NST International Inc., CAE Enterprises Philippines Inc., Equitable Machine Inc., JR Sports Trading, ActMedia Philippines, White Marketing And Development Corp., Magnitude Realty Estate Corp. (MREC), Map 2000 Development Corp., V Synergy Corp., Northern Islands Co. Inc., N.L. Baked Products Inc. at Queensland Industry Development Corp. sa Brgy. Libis at Ugong Norte.

 

CAVITE

FEBRUARY 7, 2020, FRIDAY

Feb.7 (12:30am -1:00am) (6:00am-6:30am)

Sa pagpapatuloy ng preventive maintenance at testing works sa loob ng Meralco-Abubot substation ay mas malaking bahagi ng Cavite ang maapektuhan ng power interruption sa Biyernes. Ito ay isasagawa ng dalawang beses. Una ay bandang 12am hanggang 1am. At uulitin bandang 6am hanggang 6:30am sa Feb.7

Ang mga apektadong lugar sa Cavite ng power interruption sa Biyernes ay ang sumusunod:

  • Kahabaan ng Salitran – Salawag Road mula Aguinaldo Highway hanggang Molino Road. Kabilang na ang Sunnycrest Village, Summerwind Village, Summer Meadow Subd., South Meridian Homes, Garden Grove 1-4, Andreaville Executive Homes, TUP – Dasmariñas, The Orchard Golf and Country Club at Raintree Homes sa Dasmariñas.
  • Portion ng Gen. E. Aguinaldo Highway sa Salitran – Salawag Road hanggang Governor Drive. Kabilang na ang Southfield Subd., Arcontica Subd., Crescent Hills Village, Villa Remedios, South Plains Executive Village, Villa Luisa Homes, Villa Catalina Subd. Pati na ang Magsaysay Institute of Shipping, Via Verde Village, Doctor’s Village, Cantimbuhan Rice Mill at Village Park sa Brgy. Salitran, San Agustin at Langkaan, Dasmariñas.
  • Isa pang bahagi ng Governor Drive mula Gen. Emilio Aguinaldo Highway hanggang General Trias – Trece Martires Municipal boundary. Kabilang na ang Sitio Santusan, Berlite Industries, Monterey, Sitio de Fuego, sa Bgy. Manggahan, Gen. Trias.
  • Portion ng General Trias – Amadeo Road mula General Trias town proper hanggang Governor Drive. Kabilang na ang Buenavista Subd., Tierra Grande Royale Townhomes, Sunshine County, Bgys. Manggahan, Buenavista I, Buenavista II, Buenavista III, Pasong Kawayan 1 & 2, Tapia at Pinagtipunan sa General Trias.

BULACAN

FEBRUARY 7, 2020, FRIDAY

Feb.7 (1:30am-2:00am) (6:01am-6:30am)

Sa Bulacan ay magsasagawa rin ng preventive maintenance at testing works sa loob ng Meralco – Angat substation. Ito ay gaganapin sa Biyernes, Feb.7 mula 1:30-2:00am. At uulitin bandang 6:01-6:30 ng umaga ng parehong araw.

Ang mga apektadong lugar ay ang sumusunod:

  • Portion ng Angat – Bustos Provincial Road at M. A. Fernando St. mula Brgy. Donacion hanggang Pundicion St. Kabilang na ang Taboc – Cacarong Barangay Road, Brgy. Taboc, Sulucan, Marungko, Sta. Lucia, Laog, Banaban, Baybay, Binagbag, Donacion, Sto. Cristo, San Roque at Sta. Cruz sa Angat.
  • Bahagi ng Brgy. Bayabas, Camachile at Pulong Sampalok sa Doña Remedios Trinidad. Kabilang rin ang Brgy. Pinagtulayan sa Norzagaray, Brgy. Sapang Pahalang, Tukod at Pulo sa San Rafael. Pati na ang Brgy. Casalat sa San Ildefonso at Brgy. Real De Cacarong sa Pandi
Meralco Power Interruption Today

Image from Freepik

CAVITE (DASMARIÑAS CITY)

FEBRUARY 8 – 9, 2020, SATURDAY- SUNDAY

Feb.8 (11:30pm-12:29am)

Feb.9 (5:31am-6:00am)

Para naman malinisan ang kanilang facilities mula sa naging epekto ng pagputok ng Taal volcano ay may power interruption rin sa Dasmariñas ngayong Feb.8-9. Ito ay gagawin ng dalawang beses. Una bandang 11:30-12:29 ng madaling araw sa Feb.8. At mauulit ng 5:31am hanggang 6:00am ng Feb.9.

Ang mga lugar na apektado ng power interruption ay ang sumusunod:

  • Portion ng Gov. D. Mangubat Ave. (Pasong Lawin Road) at South Congressional Road (DBB Highway) mula Gen. Emilio Aguinaldo Highway hanggang Victoria Reyes Property Subd., Town & Country Subd., Windward Hills Subd., Villa Isabel Village, Villa Nicasia V Subd. at University Hills Subd. Kabilang din sa mawawalan ng kuryente ang De La Salle University Medical Center, De La Salle Health Science Institute, De La Salle Universtiy – Dasmariñas City, Dasmariñas National High School, Dasmariñas Bagong Bayan Elementary School, Southern Luzon College of Business sa Brgy. Burol Main, Burol I & II, Emmanuel Bergado I & II, Fatima I – III, Luzviminda I & II, Pag-Asa, Sampaloc IV, San Antonio De Padua I & II, San Juan, San Lorenzo Ruiz I & II, San Luis I & II, San Manuel II, San Mateo, San Simon, Sta. Cruz I & II, Sta. Fe at Sta. Maria.

 

PASIG CITY (UGONG)

FEBRUARY 8 – 9, 2020, SATURDAY-SUNDAY

Feb.8 (11:30pm-11:59pm)

Feb.9 (5:00am-5:30am)

Samantala, sa Pasig City ay may isasagawa ring power interruption sa darating na Sabado at Linggo. Una ay sa Feb.8, 11:30pm hanggang 11:59pm. At uulitin sa Feb.9, 5:00am hanggang 5:30am.

Ang mga apektadong lugar ng power interruption ay ang sumusunod:

  • Portion ng Ortigas Ave. mula E. Rodriguez Jr. Ave. (C-5 Road) hanggang Greenmeadows Ave. Kabilang rin ang Belson Manor, Cortijos De Valle Verde II, IV at V sa Valle Verde VI Subd.

May ilang lugar rin sa Pasig ang makakaranas ng mas mahabang power interruption mula 11;30pm sa Sabado na tatagal hanggang 5;30am ng Linggo. Ang mga ito ay ang sumusunod:

  • Portion ng Ortigas Ave. mula Bridgetowne Entrance hanggang Results Manila, L & Y Plaza at F. F. Cruz Compound.

 

QUEZON CITY (SOUTH TRIANGLE)

FEBRUARY 9, 2020, SUNDAY

Feb.9 (9:00am-3:00pm)

Dahil sa line reconstruction sa kahabaan ng Tomas Morato Ave., sa Brgy. South Triangle, Quezon City ay makakaranas ng power interruption ang ilang bahagi ng lugar. Ito ay isasagawa ngayong Feb.9, Linggo mula 9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.

Ang mga apektadong lugar ay ang sumusunod:

  • Portion ng Tomas Morato Ave. mula Timog Ave. hanggang Sct. Madriñan St.; Imperial Palace Suites, Master Garden, Burgoo at Keitaro.

Kabilang ba ang inyong lugar sa mga makakaranas ng Meralco power interruption today? Kung hindi pa ay mas mabuting paghandaan na ito. At ipaalam narin sa iyong mga kaibigan at kamag-anak ang schedule ng gaganaping power interruption ng Meralco ngayong linggo.

Source:

Meralco

Paano ba makakatipid ng kuryente ngayong summer?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner