LOOK: Meryll Soriano at Joem Bascon, may baby na!

LOOK: Meryll Soriano at Joem Bascon, may baby na!

Narito ang ilan sa highlights ng naging takbo ng nakaka-intriga nilang relasyon.

Para sa kaniyang mga tagahanga at tagasubaybay, mayroong magandang balita ang aktres na si Meryll Soriano. Siya at ang kaniyang nobyo na si Joem Bascon ay mayroong bagong baby!

Ito ay ibinalita ni Meryll sa pamamagitan ng isang Instagram post.

Makikita sa artikulo na ito ang:
  • Pictures ni Meryll Soriano, Joem Bascon at kanilang baby
  • Love story nilang dalawa

LOOK: Meryll Soriano celebrates son’s 9th birthday with ex-husband’s son with Jerika Ejercito

LOOK: 4 Celeb moms who prove that you can be friends with your hubby’s ex

Meryll Soriano and Joem Bascon’s baby

Ilang oras matapos pumasok ang taong 2021 ay nagbahagi ng mensahe ang aktres na si Meryll Soriano sa kaniyang followers sa Instagram. Ang mensahe ni Meryll ay sana maging mas maging mabuti, payapa at masaya ang taon na ito para sa lahat.

“2021! May this year be kinder to us all. May we all find peace, joy and love. New year, new hopes, new positive outcomes. Happy New Year from our family to yours!”

Ang mensahe na ito Meryll ay may kalakip na mga larawan. Larawang nagpapahiwatig na siya ay isang ina muli at nagkabalikan na sila ng dating boyfriend at aktor na si Joem Bascon. Dahil sa mga larawan, si Meryll may kargang sanggol na hinahalikan naman ni Joem.

merryl soriano

Image screenshot from Meryll Soriano’s Instagram account

Habang may isang larawan rin ang makikitang kasama nila ang panganay na anak ni Meryll sa si Eli. Si Eli nakayakap sa bewang ng ina habang ito ay nakangiti at nakatingin sa camera.

merryl soriano

Image screenshot from Meryll Soriano’s Instagram account

May mga nagsasabing kumpirmasyon ito na nagkabalikan na nga sina Meryll at Joem. At ang sanggol na karga ni Meryll ay bunga na nga kanilang pagmamahalan.

Sa ngayon ay wala paring pormal na pahayag si Meryll ukol sa pinahihiwatig ng ibinahagi niyang mga larawan. Ngunit dalawang araw ang makalipas bago niya ito i-post sa Instagram ay unang ng nagbahagi si Meryll ng larawan ng mga paa ng isang bagong silang na sanggol. Ang tanging caption nga nito ay isang bituin o star.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Meryll Soriano (@planetumeboshi)

Nitong January 2 din ay nag-post muli si Meryll ng litrato nila ng kaniyang ama na si Willie Revillame kasama ang baby. “With lolo” ang tanging naging caption nito.

Meryll Soriano with Willie Revillame

Photo from Meryll Soriano’s Instagram account

Meryll Soriano and Joem Bascon relationship

Taong 2009 ng unang magkatrabaho sina Meryll at Joem sa teleseryeng I love Betty la Fea sa ABS-CBN. Dito rin umano nagsimula ang romance sa pagitan ng dalawa na agad na natapos matapos ang isang taon. Sa isang panayam ng ABS-CBN tungkol sa kanilang relasyon at paghihiwalay ay ibinahagi ni Joem na maayos ang naging paghihiwalay nila ni Meryll.

Nagbigay pahiwatig rin ito na posible na magkabalikan sila. “Nakapag-usap na kami at masaya na kami. Parang very friendly kasi ang paghihiwalay naming.”

Dagdag pa ni Joem: “Nag-come into terms kami kung ano ang mga dapat pag-usapan para at least maayos. Kumbaga nandoon pa din ang respeto para kung magkakabalikan ayon at least mayroon pa din.”

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Meryll Soriano (@planetumeboshi)

Paghihiwalay at muling pagbabalikan

Taong 2019 ng muling magkasama sina Meryll Soiano at Joem Bascon sa programang Starla at pelikulang Culion. Bagamat nanatiling tahimik ang dalawa sa kanilang relasyon ay naging usap-usapan na nagkabalikan na sila. Ito ay matapos kumalat ang larawan na makikitang kasama ni Meryll si Joem sa 2020 New Year celebration ng kanilang pamilya.

Kasunod nito ang pagkukuwento ng ex-girlfriend at vlogger na si Crisha Uy sa naging paghihiwalay nila ng aktor na si Joem sa isa kaniyang mga vlog. Ito ay pinamagatan niyang The Breakup Story na inilabas isang buwan matapos ianunsyo ni Joem na sila ay hiwalay na.

Sa kaniyang vlog ay sinabi ni Crisha na “uncontrollable” ang nangyari sa kanilang relasyon. At wala siyang magagawa kung bigla na lang na-fall out of love sa kaniya si Joem matapos ang walong taon.

“Hindi ko ni-regret na naging kami, iyong eight years namin kasi mahal ko naman siya,” aniya. “Mahirap sabihin pero wala na tayong magagawa if he fell out of love… Hindi ko naman puwedeng pilitin iyong taong hindi na ako mahal. Mahirap tanggapin pero kailangan.”

Ito ang pahayag ni Crisha sa kaniyang vlog.

Nagbigay rin ito ng pahapyaw na may bago na ngang napupusuan si Joem ng mga panahong iyon. Isang bagay na ayaw niya na daw pang alalahanin at isipin pa.

“Kung may minahal man agad siya pagkatapos, it’s not really my business anymore. Doon lang ako sa parte ng buhay niya na involved ako. It’s not my concern anymore,” pahayag pa ni Crisha.

Pahayag ni Meryll at Joem

Sa kabila ng pagbabahagi ni Crisha na ito ay nanatiling tahimik at walang reaksyon sina Meryll at Joem. Hanggang sa nito ngang bagong taon ay binasag nila ang katahimikan na ito sa kanilang followers at fans. Anuman ang estado ng kanilang relasyon ay nakakatuwang makita kung anong magic at saya ang nagagawa ng pagdating ng isang bagong silang na sanggol.

Si Meryll ay anak ng mga celebrities na sina Bec-bec Soriano at Willie Revillame. Ang panganay niyang anak na si Elijah ay anak niya sa aktor at dating mister na si Bernard Palanca.

 

Source: ABS-CBN, Inquirer

Photo: Instagram

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Article Stories
app info
get app banner