Meryll Soriano on depression: "2 days akong hindi makabangon—kahit pag-ihi, ayokong umalis ng kama"

Paano nalampasan ni Meryll ang sakit? Narito ang kaniyang mga ginawa. | Larawan mula sa Instagram account ni Meryll Soriano

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Meryll Soriano shares her bipolar disorder experience. Alamin dito kung ano ang pinagdaanan ng aktres dahil sa sakit at paano niya ito nalampasan.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Meryll Soriano shares her bipolar disorder experience.
  • Ano ang bipolar disorder?

Meryll Soriano bipolar disorder experience

Sa pinaka-latest vlog episode ni Merryl Soriano ay ibinahagi ng aktres kung paano niya hinarap at nalampasan ang kondisyon na kung tawagin ay bipolar disorder.

Ayon sa health website na Mayo Clinic, ang bipolar disorder ay kilala rin sa tawag na manic depression. Ito ay isang mental health condition na kung saan nagkakaroon ng extreme mood swings ang isang tao. Siya ay nakakaranas rin ng emotional high o kaya naman ay low at depressing feeling.

“If you experience ‘yong mga severe mood changes. Tapos meron kang kulang sa energy, or sobra sa enegy tapos ‘yong sleeping habits mo may problema ka about it. Nahihirapang kang mag-cope sa mga daily activities o daily task na kailangang gawin.”

Ito umano ang ilan sa mga naranasang sintomas ng bipolar disorder na naranasan ni Meryll noon. Pag-amin ng aktres, na-diagnose siyang nagtataglay ng sakit 14 years ago o noong siya ay 24 years old pa lamang.

Noong mga panahong iyon, kuwento ni Merryl ay ayaw niyang tumayo sa kaniyang kama. At gusto niya lang ay magtago at magkulong hanggang sa lumipas na ang nararamdaman niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sintomas ng bipolar disorder

Image from Meryll Soriano’s Instagram account

“Ayaw kong bumangon. Wala akong energy sa life, walang kong gustong gawin. Gusto ko magtago lang sa lungga ko and stay there for a couple of days till mawala siya.”

Dagdag pa nga ng aktres ng dahil sa sintomas ng kondisyon niya ay nagkaroon siya ng UTI. Dahil ultimo pagtayo para umihi ay hindi niya magawa.

“Nangyari sa akin sa London noong na-depress ako, 2 days akong hindi makabangon. Alam niyo nagka-UTI ako kasi kahit pag-ihi ayokong umalis ng kama. For that depressive episode hindi ako tumaba kasi hindi talaga ako makabangon, umiinom lang ako ng tubig.”

Ito ang pagbabahagi pa ni Meryll sa naging karanasan niya.

Dahil sa sakit, pag-amin pa ni Meryll ay naapektuhan noon ang trabaho niya. Masyado raw kasing maraming tumatakbo sa isip niya na hindi niya alam noon kung paano kontrolin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Minsan gabi-gabi, minsan araw-araw, parang ang bilis ng utak mo, ang dami mong iniisip, walang natatapos na sentence sa utak mo.”

Isa sa mga naiisip na dahilan ni Meryll kung bakit siya nagkaroon ng sakit na bipolar disorder ay dahil sa gumagamit siya noon ng bawal na gamot o drugs. Pero proud niyang pagbabahagi ngayon siya ay hindi gumagamit ng bawal na gamot o sober na for 15 years.

Paano malulunasan ang bipolar disorder?

Image from Meryll Soriano’s Instagram account

Pagdating naman sa kung paano nalampasan ng aktres ang kondisyon, kuwento niya mahalaga na magpatingin sa doktor o espesyalista ang sinumang nakakaranas ng mga sintomas ng bipolar disorder.

Sapagkat sila ang makakatulong para mas malinawagan ka sa kondisyon na iyong nararanasan at sila ang tamang tao na makakatulong sa ‘yo para ito ay malampasan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Talking to a therapist, talking to a doctor, talking to a psychologist will help. Masaya lang kasi na its an outside point of view na hindi siya kaibigan, kapamilya at wala kasing biased judgements. So ma-puput into reality ka talaga.”

“Without the proper treatment o diagnosis medyo makakainterfere yan sa ability mo to have a normal life.”

Dagdag pa ni Meryll, mahalaga rin na maipaalam sa iyong pamilya at mga kaibigan ang iyong kondisyon o karamdaman. Ito ay para maintindihan nila ang iyong kondisyon o ikinikilos.

Para matulungan ka rin nila na maibsan ang mga sintomas na dulot ng mga sakit. Pero higit sa lahat, pinaka-mahalaga ang pagmamahal sa sarili. Madali man ito umanong sabihin, ayon parin kay Meryll ay mahirap itong gawin.

Payo ng aktres,

“Be kind to yourself and take care of your whole wellness being. Love yourself first.”

Image from Meryll Soriano’s Instagram account

BASAHIN:

Meryll Soriano and Jerika Ejercito: From having the same ex to co-parenting their kids, Eli and Isaiah

Meryll Soriano on postpartum depression: “I had thoughts of suicide. I had thoughts of hurting myself, others—and even the baby…”

STUDY: Postpartum depression, maaaring tumagal ng 3 years pagkatapos manganak

Ano ang bipolar disorder?

Ang bipolar disorder ay isang uri ng brain disorder na kung saan naapektuhan ang mood, energy at abilidad ng isang tao na mag-function sa kaniyang araw-araw na Gawain.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakakaranas din ng intense emotional state ang mga taong nagtataglay ng kondisyong ito. Madali ring mag-fluctuate o magbago agad ang mood nila.

Tulad ng bigla-bigla nalang silang magagalit o labis na malulungkot kahit ilang sandali lang ang nakalipas ay happy o maayos ang mood nila.

Ang sakit na ito ay maaaring makaapekto sa relasyon ng isang tao sa kaniyang pamilya, kaibigan o katrabaho. Kaya naman napakahalaga na kung nakakaramdam ng sintomas ng sakit ay agad ng magpatingin sa doktor.

Ilan sa sintomas ng bipolar disorder ay ang sumusunod:

  • Madaling ma-distract o poor concentration.
  • Labis-labis na confidence sa iyong sarili.
  • Mabilis na pagbabago sa mood tulad ng masaya na bigla nalang magiging galit.
  • Napakabilis o napakabagal na pagsasalita.
  • Walang energy o sobrang taas na energy na halos ayaw ng matulog.
  • Pag-inom ng alak o paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
  • Walang gana kumain.
  • Hindi makontrol na pag-iyak.
  • Pagiging irritable.
  • Pag-iisip ng pag-susuicide o pagpapakamatay.

Kung nakakaranas ng mga ilan sa mga sumusunod na kondisyon ay mabuting makipagusap na agad sa isang doktor. Ito ay para matukoy ang iyong karamdaman at agad na malunasan.

Source:

Mayo Clinic, WebMD

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement