Meryll Soriano at Joem Bascon ibinahagi ang ginagawa para panatilihin ang init sa kanilang pagsasama habang inaalagaan ang anak nilang si Gido.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Relasyon ni Meryll Soriano at Joem Bascon.
- Love story ni Meryll at Joem.
Relasyon ni Meryll Soriano at Joem Bascon
Magtatatlong taon na ang anak nina Meryll Soriano at Joem Bascon na si Gido ngayong darating na Disyembre. Sina Meryll at Joem very hands-on sa pag-aalaga sa kanilang anak. Pero sa pinaka-bagong post ni Meryll ay sinabi nitong sa kabila ng kanilang tungkulin sa kanilang lumalaking anak ay hindi nila pinapabayaan ang kanilang pagsasama. Paano ito ginagawa ni Meryll, ito ang pagbabahagi niya sa Instagram.
“If we could date everyday, we would. Our favourite thing to do.”
Ayon kay Meryll, mahalaga na magkaroon sila ng oras ni Joem sa isa’t-isa. Ito in kasi ang pagkakataon na makakapagusap sila tungkol sa kanilang buhay. At higit sa lahat ay ang makapag-pahinga sila sa pag-aalaga sa anak. Dahil sina Joem at Meryll wala daw yaya at talagang hands-on sa pagiging magulang sa anak na si Gido.
“We get to talk about everything without the Little Boy screaming. Toddler stage is oh-so-difficult. And, with the intense parenting of having no vaya, we take all the chance we get to escape Gido.”
“We love being parents, we love being partners and we love our individuality.”
Ito ang sabi pa ni Meryll.
Love story ni Meryll at Joem
Taong 2009 ng unang magkatrabaho sina Meryll at Joem sa teleseryeng I love Betty la Fea sa ABS-CBN. Dito rin umano nagsimula ang romance sa pagitan ng dalawa na agad na natapos matapos ang isang taon.
Taong 2019 ng muling magkasama sina Meryll Soiano at Joem Bascon sa programang Starla at pelikulang Culion. Bagamat nanatiling tahimik ang dalawa sa kanilang relasyon ay naging usap-usapan na nagkabalikan na sila. Ito ay matapos kumalat ang larawan na makikitang kasama ni Meryll si Joem sa 2020 New Year celebration ng kanilang pamilya. Hanggang sa nitong December 2021 ay ginulat ni Meryll at Joem ang kanilang fans ng magpost ang aktres ng larawan na may karga siyang baby. Kasama niya sa larawan si Joem at anak nila ni Bernard Palanca na si Elijah.