Meryll Soriano binahagi na siya ay nagkaroon ng slip disc sa kaniyang vlog sa YouTube. Doon niya nabanggit ang kaniyang naramdaman bago ma-diagnose para sa naturang kondisyon.
Mababasa sa artikulo na ito ang mga sumusunod:
- Meryll Soriano nagkaroon ng slip disc
- Treatment para sa slip disc
Larawang mula sa Instagram account ni Meryll Soriano
Meryll Soriano nagkaroon ng slip disc
Sa vlog ni Meryll Soriano kasama ang kaniyang kapatid na si Doc Kei, naikwento niya na sobrang sakit sa bandang kanan ng kaniyang likod at ang nararamdamang ito ay umaabot na rin sa kaniyang mga hita. Ika ni Meryll, nakita sa kaniyang MRI (magnetic resonance imaging) ang pagdiretso ng kaniyang ‘cervical spine’ at ito ay alarming dahil ito dapat ay may natural curve.
“So ang spine kasi natin, may mga normal curvature. So ang cervix saka lumbar, same sila ng curvature. Dapat ganon – so dapat walang straight na spine.”
Ito ang paliwanag ni Dr. Kei tungkol sa status ng spine ng kaniyang kapatid na aktres.
Kuwento pa ni Meryll, nagpa-MRI na siya dahil sa masakit na ito at maaagapan agad ang nararamdaman niyang discomfort.
“So meron na akong cervical spine straightening and then – parang nagpa-rebond lang… So ‘yong sa lumbar ko naman ay desiccated and slip disc, herniation of the disc”
Dagdag pa ni Meryll, mabuti na lang ay nagpa-check siya sa rehabilitation medicine doctor at nalaman niyang hindi ito malala. Ayon kay Meryll, ang unang step ay ang physical therapy.
“So nagpa-check ako, hindi naman pala ganoon kalala. Ang maganda do’n, dahil nakakita kaagad ‘yong scans, madali lang din yung physical therapy.”
Pahayag din ni Meryll ay tiniyaga at nakatapos na siya sa therapy. Sa ngayon, nag-eehersisyo siya sa kanilang bahay nung binigay ng kaniyang therapist at mga plano ng kaniyang asawa na si Joem.
Ayon kay Doc Kei, ang herniated disk ni Meryll ang naging problema.
“Yung herniated disk lang talaga niya yung nagkaroon ng problema. Desiccated, siyempre dahil age related siya, hindi siya naiiwasan gaano. Unlike ‘yong herniated disc niya, is dahil sa pagbubuhat, ‘yong maling form. Secondary, kay Gido.”
Larawan mula sa Instagram account ni Meryll Soriano
Lahad ng aktres, ngayon ay pinapalakas niya ang kaniyang core, back at legs sa pamamagitan ng pagwo-workout.
Nabanggit din ni Meryll Soriano sa kaniyang vlog na sa ngayon ay naka-anim na session siya ng therapy. Banggit pa niya, sa bahay lang muna siya nag-eehersisyo at may tamang form ng pagbubuhat. Tinanong din ni Meryll si Doc Kei kung ano ang sanhi o causes ng mga nangyari sa kaniya.
“Yung desiccated disc, age related problem siya. So hindi siya masyadong, alam mo yun, ang preventive ano diyan, magwo-work out ka, ‘yan tapos lifestyle modification diet. Lalo na ‘pag tumatanda, kailangan mo ingatan din talaga yung katawan mo.”
“Yong herniated disc, yun talaga ‘yong may pwede kang gawin about it. ‘Yan, proper – pag matanda ka na syempre hindi ka na as flexible… may desiccated disc ka pa on top of that.”
“Tapos mali pa ‘yong form mo ng pagbuhat, pwede din sa exercise baka mali din yung ‘diba yung ginagawa mo without supervision. So you don’t force your body, listen to your body kapag ka ganyan.”
Larawan mula sa Instagram account ni Meryll Soriano
Dagdag pa ni Meryll sa mga preventive measures niya ay ang pagdagdag protections na mga supplements, gaya ng collagen. Isa rin ang calcium sa kaniyang dinagdag.
Nagbigay rin ng paalala si Doc Kei na hindi pare-pareho ang kaso ng herniated disc. Ika niya, naswertehan lang ang kaniyang kapatid na very mild at kinailangan lang ng six session para mabalik ang normal na activity ni Meryll. Dagdag pa niya, hindi lahat ay kaunting session lang ay okay na. May ibang mas matagal pa at iba’t iba rin ang treatment.
BASAHIN:
Joem Bascon sa relasyon niya sa eldest son ni Meryll Soriano: “Masaya kami ni Eli. We get to learn from each other.”
Meryll Soriano sa pagiging authoritarian ng mga parents sa anak: “Hindi mo siya binibigyan ng confidence.”
LOOK: Candy Pangilinan proud kay Quentin na naka-graduate with awards!
Treatment para sa slip disc
Ang gamutan sa slipped disc ay kadalasang depende sa antas ng hirap o discomfort na ‘yong nararanasan at kung gaano na ito kalala. May ilang mga tao na gumagamit ng pag-eehersisyo na nakakapagpa-stretch at nakakapagpalakas sa likod at iba pang nakapaligid na muscles.
Maaari ring magrekomenda ng mga ehersisyo ang physical therapist na makakapagpatibay sa iyong likod. Maaari ring makatulong ang mga over-the-counter pain relievers at ang pag-iwas sa pagbuhat ng mga mabibigat at mga hindi magagandang posisyon.
Pwede ring subukan ang maging aktibo sa pamamagitan ng stretching o low-impact na aktibidad gaya ng paglalakad. Kapag hindi pa rin nawala sa over-the-counter treatments ang slipped disc ay maaari nang magbigay ng mas malakas na prescription ang doktor.
Ilan sa mga gamot na pwedeng ireseta ng doktor ay mga muscle relaxers o nerve pain medications.
Maaaring magrekomenda ang doktor ng operasyon o surgery kung ang mga sintomas ay hindi humupa sa loob ng anim na linggo o kapag ang slipped disc ay nakakaapekto na sa pag-function ng mga muscles. Tatanggalin ng surgeon ang damaged o protruding portion ng disc ng hindi tinatanggal ang buong disc. Ito ay tinatawag na microdiskectomy.
Sa mga mas malalang kaso, maaaring palitan ng doktor ang disc ng artificial o tanggalin ang disc at i-fuse ang vertebrae ng magkasama. Ang ganitong pamamaraan, kasama ang laminectomy at spinal fusion ay makakatulong sa stability o katatagan ng spinal column.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!