Anak ni Meryll Soriano na si Eli, excited sa kaniyang pagbabalik face-to-face classes

Elijah sinabi rin na hindi siya fan ng online classes.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isa ang son ni Meryll Soriano na si Eli na back to school na at balik na rin sa face-to-face classes. Nagkuwentuhan ang mag-ina sa unang araw ni Eli sa eskuwelahan.

Mababasa sa artikulo na ito ang mga sumusunod:

  • Pagbabalik face-to-face classes ni Eli
  • Kahalagahan ng face-to-face classes

Pagbabalik face-to-face classes ni Eli, son ni Meryll Soriano

Mapapanood sa vlog ni Meryll Soriano ang pagbabalik face-to-face classes ng kaniyang son na si Eli matapos ang dalawang taon. Bago umalis sa kanilang bahay, tinanong ni Meryll ang anak kung ano ang nararamdaman nito.

Larawan mula sa Instagram account ng The Curious 2

“I’m excited naman, it’s just that I’m a little bit intimidated. Pero I know, I’ll be fine naman. Wish me luck!” 

Sagot ni Eli.

SAyon pa kay Meryll, Mama duties siya dahil ito ang first day ng anak. Ani pa niya, naka-school bus si Eli pero dahil espesyal ang araw ngayon, siya ang naghatid sa kaniyang anak.

Ayon pa kay Meryll, gusto niyang suportahan ang anak kahit sa unang araw man lang nito. Ika pa niya, alam niyang nag-eenjoy ang anak pero kailangan din isipin ang pagtratrabaho kaya hindi niya ito maihahatid palagi. Kung kaya best option ang pagsakay sa school bus.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tugon naman ni Eli, “I’m used to it naman kasi my old school din, I used to do school bus, so i’ll be fine”.

Dagdag pa ni Meryll, na-meet na nila ang school bus driver at ang kasama nitong mag-aalaga sa anak. 

Pagbabahagi pa ni Meryll, natuwa siya sa patakaran ng school, sa pagbisita bago pumasok para kilala ang mga ito at hindi magkaroon ng problema sa security and safety ng mga kids. Nabanggit din ni Meryll ang pagsagot sa health declaration form kaya tingin niya ay sigurado ang safety ng mga bata. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ng The Curious 2

Ipinabahagi pa ni Meryll sa anak ang iba pang protocols. Ani ni Eli, “We have to like stay six feet away from each other. You know, social distancing, we have our own room where we can drink water. We’re not allowed to eat because ano yun nga, ano exposed masyado. Pero we have our own room for drinking water.”

Dinagdag din ni Meryll ang palagiang pagsuot ng face mask, aniya sobrang strict ang mga ito dahil sa ayaw ng mga ito na may magkasakit. Banggit pa niya, hindi rin pwedeng magdala ng phone. Nang makarating sa school, pinaalalahanan pa ni Meryll ang anak. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“So Eli, have fun, good luck and enjoy your first day. Don’t forget to remember everything, kung ano yung mga kailangan mong gawin, kailangan mong dalhin…” 

Sa sumunod na clip, ipinakita ni Eli ang kaniyang sarili at sinabing ito ang kaniyang unang araw ng klase at naging masaya siya. Dahil nakilala niya ang kaniyang mga classmate sa unang pagkakataon dahil sa hybrid classes. Ang hybrid classes ang pinagsamang online class at face-to-face class. 

Ibinahagi pa ni Eli ang schedule ng kanilang mga klase. Aniya kapag face-to-face, Monday, Wednesday at Friday ang schedule nila. Tuesday at Thursday naman ang kanilang online classes. Dagdag pa ni Eli, hindi na siya ng fan ng online class. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“So it’s pretty balanced naman. I mean, of course, I’m still not a fan of online anymore because you know, having to wake up early. Kasi the high school time in our school is like 2pm to 5. So we have lots of like time to like sleep and stuff.”

Larawan mula sa Shutterstock

Kahalagahan ng face-to-face classes

Ang epektibong paraan ng pagkatuto ng kaalaman at kasanayan ay ang face to face na pag-aaral, ayon sa HeadSpace. Dahil ito sa kadalasang pagsasama-sama ng iba’t ibang paraan ng pagkatuto gaya ng pagsusulat, pagbabasa, talakayan, presentasyon o pagtatanghal, proyekto, pangkatang gawain, film clips, demonstration at pagsasanay. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Heto ang ilang advantage o kalamangan ng pag-aaral ng face to face. Ito ang mga sumusunod:

  1. Higit na makakapag-concentrate sa pag-aaral dahil kakaunti lamang ang distraction o nakakaabala kaysa kapag nasa bahay.
  2. Higit na makakakuha ng pang-unawa, mga kwento at mga tunay na halimbawa mula sa mga guro at iba pang mag-aaral.
  3. Mas malaki rin ang pagkakataon na makumpleto nang matagumpay ang kurso sa pamamagitan ng paggawa nito sa isang classroom situation.
  4. Mas mararamdaman din ang pagiging komportable at mas madaling pagkatuto sa isang pamilyar, tradisyonal na sitwasyong pang-classroom.
  5. Maaari ka ring maka-access ng higit pang impormasyon at mas mapayaman ang pang-unawa sa pamamagitan ng body language at boses ng mga guro at iba pang mga mag-aaral.
  6. Mayroon ka ring pagkakataon na makakonekta, lumutas ng problema at makisalamuha sa iba pang mag-aaral na mula sa may malawak na saklaw ng karanasan. 

Sinulat ni

Nichole Samson