Meryll Soriano nagbabala sa paggamit ng social media: "It's an avenue to share negativity."

Ayon kay Meryll, malaki ang naitutulong ng internet sa kaniya pero magkaganoon man may limit parin siya sa paggamit nito lalong-lalo na ang pagbibigay ng impormasyon tungkol sa buhay niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Meryll Soriano at eldest son niyang si Elijah pinag-usapan ang kahalagahan ng privacy sa mga buhay nila.

Mababasa ditto ang mga sumusunod:

  • Meryll Soriano and son Elijah talks about their privacy.
  • Bakit nga ba mahalaga para kay Meryll ang pagkakaroon ng privacy sa buhay niya.

Meryll Soriano and son Elijah talks about fake news and privacy

Larawan mula sa Instagram account ni Meryll Soriano

Halos lahat nga tayo ay hook na hook sa internet lalo na sa social media. Kabilang na nga dyan ang aktres na si Meryll Soriano at eldest son niyang si Elijah. Sa kanilang pinakabagong vlog episode ay ito ang pinag-usapan ng mag-ina. Pati na ang kahalagahan ng pagpapanatili ng iyong privacy kahit sa online world ay very active ka.

Kuwento ni Elijah, maliban sa fun at entertainment, ang internet ay naging malaking tulong sa kaniya para hindi niya masyadong ma-miss ang mommy niyang si Meryll sa tuwing malayo ito sa kaniya.

“The internet was like my go-to when my mom was gone for London when I was younger. Whenever my mom is at work also I usually watch videos in YouTube.”

Ito ang sabi ni Elijah.

Habang si Meryll, ginagamit daw ang pagsusurf sa internet o panonood ng videos online para maiwasan naman ang pag-atake o pag-trigger ng bipolar niya.

“You know I have bipolar it really helps to quiet  my mind kasi you know sa pagod namin ngayon palagi akong may trigger so instead of overthinking at night I get to watch.”

Ito ang sabi naman ni Meryll.

Bakit nga ba mahalaga para kay Meryll ang pagkakaroon ng privacy sa buhay niya

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawang kuha mula sa instagram ni Meryll Soriano

Pero pagpapatuloy ng mag-ina, bagamat very active sila online ay pinapanatili parin daw nila ang privacy ng kanilang mga buhay. Partikular na kay Meryll na kahit siya ay isang artista, ay labis na pinapahalagahan pariin ang personal na buhay niya. Ito ang paliwanag niya sa anak kung bakit.

“Nung maghiwalay kami ng Papa mo you know bilang mga artista laging natatanong for an interview. So gine-guest kami sa mga showbiz news programs. Ako kasi ever since na nangyari sa akin yan, sa amin ng Papa mo, hindi ako nagpa-interview. I never gave my side because I always thought and I always believe na I don’t need anybody’s opinion about me because it’s a private thing.”

Ito ang sabi ni Meryll sa anak na sinabi pang alam niya naman sa sarili ang totoo at hindi mahalaga sa kaniya ang sasabihin ng iba.

“You know you have the power to keep your life private. Importante yun e. Kahit may kumalat na news na medyo nag-hurt ng aking image I didn’t really care kasi I know what’s the truth”, sabi pa ni Meryll.

Si Elijah sumang-ayon sa sinabi na ito ng ina na ito daw ang isa pinaka-mahalagang naituro sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I was taught my whole entire life to be private. If you are not private fake news will happen.”

Pagpapatuloy pa niya, bagamat naka-public na ang kaniyang social media accounts, limited daw ang pinopost niya dito. At ginagamit niya lang daw ito na way para malibang at higit sa lahat ang maka-relate ngayon sa uso.

“I am really private about my life, I mean my account on Instagram is public now. My TikTok is public but as you see around there I really don’t post about my private life. I don’t say what I do. It’s more of like I post because it’s fun and I just post in TikTok because everyone else is doing it.”

Para rin daw ito sa seguridad ng kanilang pamilya

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Meryll naman minabuting gawing private ang ilang personal na impormasyon tungkol sa kaniya at mga anak para na rin sa seguridad nila. Marami man nga daw sa kaniyang mga followers at fans ang nagtatanong tungkol sa anak gaya ng kung saan ito nag-aaral ay hindi niya sinasabi. Dahil alam niyang sa panahon ngayon ay nagkalat ang masasamang loob at hindi ito safe para sa anak niya at kanilang pamilya.

Ang online world rin daw ang isa sa source ngayon ng fake news at tsismis. Kaya naman paghihikayat ni Meryll at Elijah sa mga followers at fans nila, maging maingat sa mga activities nila online. Kahit ang simpleng pagsheshare ng post ng iba na mahalagang ma-verify muna kung totoo ba o hindi.

Dahil pagpapatuloy nila kung sa iba ay fun at entertainment ang dala ng social media, may pagkakataon rin na negative na ang epekto nito sa iba.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“It’s really an avenue to share negativity. ‘Yong mga bata they dont know how to handle these things. They are pressured because they read everything na-aabsorb nila ‘yong galit yung negativity na yan. maraming nagsu-suicide”, sabi pa ni Meryll.

Kaya naman ang paalala ni Meryll at anak niyang si Elijah sa mga netizens ay ito.

“Bago kayo mag-share isipin muna kung kailangan ba itong i-share. Be careful, be very nice.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement