Mga anak ni “Queen of All Media” na si Kris Aquino na sina Josh at Bimby pawang mga ‘six footer’ na. Alamin ang sikreto nina Bimby at Josh
Sa kaniyang Instagram account, nag-post si Kris Aquino ng litrato ng kaniyang anak na si Josh at Bimby na halos magkapantay na ng tangkad.
Kwento ni Kris
Sa caption ng kanyang posted picture sinabi niyang, “Kuya josh spent more than a month in Tarlac… I asked to see how close the 2 are in terms of their height. Let’s check again in December if Bimb will already be as tall as his kuya,”
Inamin ni Kris Aquino na may factor din talaga ang DNA ni Bimby sa kaniyang 6 foot height dahil ang Tatay ni Bimby na si James Yap na isang basketball star splayer.
Subalit bukod umano sa DNA ni Bimby naging malaking tulong din umano ang pinapainom niyang fresh milk sa paglaki ng anak.
“Sagutin ko na in advance. Yes, DNA is a big factor- but up to now Bimb starts his day with a big glass of fresh milk with milo, no longer something we endorse but kinalakihan ni Bimb- and medyo weird but when i was weaning him from the bottle, I was able to convince Bimb to drink fresh milk by still mixing 2-3 scoops of Nido into the big glass …”
Parehas umanong mahilig uminom ng gatas ang mga anak ni Kris Aquino na si Bimby at Josh
“and my friends know my coffee is actually milk w/ a bit of coffee- so we’re a family of milk drinkers… i like semi skimmed, vitamin enriched milk,”
Sinabi na nga ni Kris Aquni na ang kanyang mga anak na si Josh at Bimby parehas ng 6 footer.
“Kuya is 6’2, basing it from this picture it’s safe to say 13 year old Bimb is now a 6 footer. #family,” wika ni Kris.
Ilang tips para sa pagtangkad
Malaki talaga ang tulong ng gatas upang tumangkad ang inyong mga anak. Mayroon kasi itong taglay na Calcium at Proteins na tumutulong sa paglaki ng inyong anak.
Narito pa ang ilan sa mga tips upang tumangkad ang inyong mga anak at kayo na rin.
-
Kumain ng masustansiyang pagkain
Ang pagkain ng healthy foods ay makakatulong sa paglaki ng inyong anak. Sa pagkain ng masustansiyang pagkain umaayos at bumibilis ang metabolism ng inyong anak upang makapagbigay tulong din sa kanyang pagtangkad.
-
Tamang posture
Turuan ng tamang posture ang inyong mga anak. Kapag may tamang posture ang inyong anak at napa-practice na niya ito habang bata pa. Maiiwasan nito ang pagkuba o pagbaluktot ng katawan. Hindi rin mauudlot ang kanyang pagtangkad.
-
Pag-inom ng tubig
Nakakatulong ang pag-inom ng tubig upang maalis ang mga toxins sa katawan. Nagbibigay din ito ng good growth para sa ating ina-achieve na tangkad.
-
Pagtulong sa tamang oras
Ang pagtulong ng 8-10 oras ay may malaking tulong upang ma-develop ang pangangatawan ng inyong mga anak. Habang natutulog kasi ang katawan ay naglalabas ng growth hormone sa pituitary gland na siyang dahilan at tumutulong sa pagtangkad ng inyon g mga anak.
-
Maging active
Ang pag-eehersiyo ay maraming benepisyo. Nakakatulong ito para lumakas ang muscles at buto na tumutulong sa pagkakaroon ng malusog na timbang at pagtangkad.
Ang mga batang nasa school ay kinakailangang makapag-ehersisyo ng kahit isang oras sa isang araw. Sa pagkakataong ito kailangan nilang mag-pokus sa mga sumusunod.
- Strength-building exercises
- Flexibility exercises
- Aerobic activities
Tandaan na hindi porket kulang sa height si Mommy at Daddy ay wala nang pag-asang tumangkad si baby kapag siya’y lumaki. Maraming mga paraan upang makatulong sa pagtangkad ng inyong anak.
Advice ng ani Kris Aquino sa ang pag-inom ng gatas ng kanyang mga anak ay nakatulong din sa paglaki ng mga ito.
SOURCE:
BASAHIN:
5 na pagkain na pumipigil sa pagtangkad ng iyong anak
3 paraan para matulungan ang bata na tumangkad