X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Mga estudyante sa China, nagkaroon ng COVID-19 pagkatapos magbukas ng klase

5 min read

Mga estudyante nahawa ng COVID-19 sa China. Ito ay matapos ang pagbabalik ng klase ng ilan sa malalaking siyudad sa bansa.

Mga estudyante nahawa ng COVID-19 sa China

Noong Enero, ay nagsimulang sumailalim sa lockdown ang China. Ito ay matapos ang mabilis na pagkalat ng sakit na COVID-19 na nagsimula umano sa isang palengke sa syudad ng Wuhan. Sa ipinatupad na lockdown lahat ng establisyemento ay pansamantalang isinara. Pati ang mga mga eskwelahan na kung saan halos 200 million na mga estudyante sa bansa ang naapektuhan.

Mga estudyante nahawa ng COVID-19 sa China

Image from VOA News

Higit sa dalawang buwan matapos ang ipinatutupad na lockdown, ibinalita ng China na wala ng bagong kaso ng sakit sa kanilang bansa ang naitala. Dahilan upang kanilang i-lift ang lockdown at magsimulang bumalik sa normal na buhay na kanilang nakasanayan. Kabilang na dito ang pagbubukas ng mga eskwelahan na sinimulan noong Abril.

Mula kindergarten hanggang sa kolehiyo, ang lahat ng eskwelahan sa China ay muli ng bumalik sa regular na klase nitong Mayo. Ito ay upang unti-unting maibalik sa normal ang lahat at maihanda ang mga estudyante sa nalalapit na high school at university entrance exams.  Bagamat ipinatutupad parin ang mahigpit na precautionary measures laban sa sakit. Tulad ng pagsusuot ng mask, social distancing at pag-check ng temperature ng mga bata bago pumasok ng eskwelahan.

Ayon sa Chinese government, maayos ang lahat at tuluyan ng nahinto ang pagkalat ng sakit sa kanilang bansa. Ngunit taliwas ito sa idinadaing ng ilang magulang at Chinese netizens.

Mga estudyante sa China, nagkaroon ng COVID-19 pagkatapos magbukas ng klase

Image from Freepik

Daing ng mga magulang sa China

Isang video ang kumakalat ngayon online na kuha ng isang magulang sa harap ng Xinghua Elementary School sa Pucheng County, Shaanxi Province, China.

2nd wave of #CCPVirus ? Child dies at school.
“Up to now, the school hasn’t solved our problem. I sent my child here, and my child died in the afternoon. Sisters, brothers, record this and share it!”
A parent says while shooting the video in front of Xinghua Elementary School at pic.twitter.com/y0nfUlYjue

— Jennifer Zeng 曾铮 (@JenniferZeng15) April 26, 2020

Sa video ay may makikitang banner ang nakataas sa labas ng eskwelahan. Ang mga nakasulat dito ay salitang Chinese, na ayon sa isang report ay nangangahulugan ng sumusunod sa salitang Ingles.

“Right to know the truth. Why do you hide it? wronged! Their delay killed my child.”

Habang ang isang banner naman ay nagsasabing, “Give back my child. Tell me the truth.”

Bunsod ito umano ng kanilang hinala na may mga estudyante nahawa ng COVID-19 sa China. Ngunit pilit itong itinatago ng mga eskwelahan at ng pamahalaan.

Mga estudyante sa China, nagkaroon ng COVID-19 pagkatapos magbukas ng klase

Image from Freepik

Tulad ng nangyari sa kaniyang anak na nag-aaral sa naturang eskwelahan. Ayon sa magulang na netizen na nag-upload ng video, nagreklamo umano ang kaniyang anak ng pananakit ng ulo. Ngunit imbis na ipaalam sa kanilang mga magulang ang nangyari sa kanilang anak o dalhin ito sa ospital ay ini-isolate lang ng school na kaniyang pinapasukan ang bata. Kinahapunan nasawi ang bata at hanggang ngayon ay hindi alam ng mga magulang nito kung anong dahilan ng biglaang pagkawala ng kanilang anak.

“Up to now, the school hasn’t solved our problem. I sent my child here, and my child died in the afternoon. Sisters, brothers, record this and share it!”

Ito ang dagdag pang pahayag ng netizen na isinalin sa Ingles mula sa salitang Chinese.

Nagkakahawaan ng sakit ang mga estudyante

Isang Chinese netizen rin ang nagbahagi ng isa pang video na kuha naman sa labas ng isang high school sa Pingdingshan City, Henan province. Sa video ay makikita ang isang ambulansyang nakaabang at naghihintay sa labas ng eskwelahan. Ayon sa netizen na nag-upload ng video, ang mga health workers na sakay ng ambulansya ay nakasuot ng protective gear. At apat na estudyante sa eskwelahan ang dinala ng mga ito.

“Ambulance workers wearing protective clothes arrived. They are outside of No. 2 Middle School in Pingdingshan City, Henan Province. Four students have been removed. It is really frigthening to see this.”

Ito ang pahayag ng netizen na isinalin sa salitang Ingles mula sa salitang Chinese.

Hanggang sa ngayon ay wala pang pahayag ang Chinese government ukol sa mga kumakalat na video. Pero ang mga ito ay nagdudulot ng takot at pangamba sa mga magulang na may mga estudyante nahawa ng COVID-19 sa China matapos ang pagbabalik ng klase rito.

Pagbubukas ng klase sa Pililipinas sa gitna ng COVID-19 pandemic

Samantala, dito sa Pilipinas inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang rekumendasyon ng DepEd na simulan ang school year 2020-2021 nitong Agosto 24 hanggang April 30, 2021. Bagamat nilinaw naman ni DepEd Secretary Briones na hindi nangangahulugan ito na kailangan ng bumalik sa face-to-face classes o pumasok sa tradisyonal na eskwelahan ang mga mag-aaral. Dahil ang mga klase ay maaring gawin online hanggang sa tuluyan ng mapayagan ang pagbabalik klase sa mga paaralan.

Partner Stories
Rustan’s kicks of the new season with a fresh, floral campaign
Rustan’s kicks of the new season with a fresh, floral campaign
Vibal Launches Augmented Reality Mobile App for Textbooks
Vibal Launches Augmented Reality Mobile App for Textbooks
The home entertainment setup needed to get the most of this year’s Emmy-nominated shows
The home entertainment setup needed to get the most of this year’s Emmy-nominated shows
These truly inspiring moms show us what #momgoals really look like
These truly inspiring moms show us what #momgoals really look like

Babala naman ng mga eksperto mula sa University of the Philippines, ang pagbubukas ng mga tradisyonal na klase sa mga paaralan sa Metro Manila ay magpapataas ng tiyansa ng pagkalat at pagkahawa ng sakit. Na kung saan ang virus ay maaring mauwi ng mga estudyante sa bahay at maihawa sa mga vulnerable members ng kanilang pamilya tulad ng mga senior citizens. Dahil  dito ay mas mabilis na kakalat at maihahawa ang sakit na mahihirapan na lalo tayong makontrol at mapigilan.

 

Sources:

SCMP, CNN, One News

Basahin:

STUDY: Mas madaling kapitan ng COVID-19 ang mga kulang sa Vitamin D

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pandemya ng COVID-19
  • /
  • Mga estudyante sa China, nagkaroon ng COVID-19 pagkatapos magbukas ng klase
Share:
  • Anong nangyayari sa iyong katawan pag nag-positibo sa COVID-19?

    Anong nangyayari sa iyong katawan pag nag-positibo sa COVID-19?

  • STUDY: Mga batang edad 10 pataas dahilan din ng pagkalat ng COVID-19

    STUDY: Mga batang edad 10 pataas dahilan din ng pagkalat ng COVID-19

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • Anong nangyayari sa iyong katawan pag nag-positibo sa COVID-19?

    Anong nangyayari sa iyong katawan pag nag-positibo sa COVID-19?

  • STUDY: Mga batang edad 10 pataas dahilan din ng pagkalat ng COVID-19

    STUDY: Mga batang edad 10 pataas dahilan din ng pagkalat ng COVID-19

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.