Maganda at nakaaaya talaga ang mga halaman. Nakakapagbigay ito ng kulay hindi lamang sa inyong mga bakuran kundi pati sa loob ng inyong bahay.
Pero sigurado ba kayo na safe ang inyong mga tanim na halaman para sa inyong pamilya? Narito ang mga halaman na nakakalason at dapat iwasan na itanim at ilagay sa inyong bahay.
Talaan ng Nilalaman
TOP 9 na nakakalason na halaman
-
Dieffenbacia o Dumb Cane
Karaniwang itong makikita sa mga bahay natin sa Pilipinas. Pero marami ang hindi nakaalam na isa pala itong nakakalason na halaman. Isa sa mga tawag sa halaman na ito ay dumb cane, spotted dumbcane, mother-in law’s tongue. Karaniwan ito sa mga tropikal na bansa katulad ng sa atin.
Nagtatagalay ito ng calcium oxalte crystals. Kapag nakain ito o nanguya, ang mga crystals na tinataglay nito ay magdudulot ng matinding pananakit at pamamaga ng bibig. Ang pinaka maging epekto nito ay sa iyong kidney, tiyan at maaaring magkaroon ng diarrhea.
Kadalasan ang dagta nito’y ginagamit ng mga Amazonian na lason na inilalagay sa dulo ng kanilang pana. Ginagamit nila ito sa pangangaso o panghuhuli ng iba’t ibang hayop.
-
Angel Trumpet o Trompeta
Isa pa sa mga halaman na nakakalason ay ang Angel Trumpet o Trompeta. Kadalasan itong makikita sa Tagalog region at Visayan region sa Pilipinas. Hindi talaga ito orihinal na makikita sa Pilipinas subalit marami ang nagpaparami nito sa bansa.
Nagtataglay ito ng alkaloids isang toxin na kapag ikaw ang na-overdose, sa pamamagitan ng pagsubo o pagkain nito maaaring bumilis ang tibok ng iyong puso at atakihin ka sa puso. Ang 4 na gramo ng trompeta ay nakakamatay rin sa bata.
-
English Yew
Isa ito sa pinakadelikadong halaman ssa buong mundo. Totoong nakakaganda ito sa iyong hardin subalit napakadelikado nito.
Marami sa mga hardin sa Pilipinas ang may tanim nito. Karaniwan itong sa Europe, Northen Africa, South West Asia. Ang puno nito ay may taglay na mapupulang berries na kinakain ng mga ibon, ang prutas lamang nito ang hindi nakakalason.
Ang 50 gramo nito ang maaaring pumatay sa isang tao. Maaaring makaranas ng hirap sa paghinga, kumbulsyon, at pag-collapse o pinakamalala ay ang pagkamatay kung hindi agad naagapan.
-
Pong-pong
Ang halamang ito ay tinaguriang “Suicide Tree” isa ito sa mga halaman na nakakalason. Karaniwan itong matatagpuan sa mga bansa sa ASEAN. Matindi ang taglay nitong lason at ginagamit ito kadalasan ng mga taong gusting magpakamatay. Maaari mong ikamatay agad ang pagkain nito.
-
Belladona o Lubi-lubi
Kung tutuusin marami rin ang natutulong ng halamang ito. Ginagamit ito sa antipyretic, antispasmodic, antiseptic at iba pa. Subalit kapag nakain mo ang prutas nito lalo na kung ito ay batang halaman pa ay nakakasama ito.
Maaaring makaranas ng pagkawala ng boses, pagiging dry ng bibig, pananakit ng ulo, paghirap sa paghinga, at kumbolsyon.
Ang buong halaman nito ang nakakalason subalit ang berries nito ay pinakadelikado sapagkat kadalasang matamis ang bunga nito. Dahil rito maraming mga bata ang naa-attract ditto. Ang 10-20 na berries nito ay maaaring pumatay ng isang matanda at ang isang dahon lamang nito, kapag nakain mo’y ikakamatay rin agad ng isang tao.
BASAHIN:
Bata nakakagat ng dahon ng “dumb cane”, naglaway at hindi maisara ang bibig
Laging namamatayan ng halaman? 8 tips on how to be a successful plantita
-
Wolfsbane (Aconite, Devil’s helmet, Monkshood)
Napakaganda ng halamang ito kapag nakita mo. Marami ang nagbebenta nito sa Pilipinas. Kadalasan itong nagmumula sa malalamig na bahagi ng Pilipinas. Huwag magpaloko dahil delikado ito.
Nagtataglay ito ng toxin na alkaloid pseudaconitine. Sa sobrang lakas ng lason nito ginamit ito mga taga Ainu sa Japan sa kanilang mga palaso upang gamitin sa pangangaso. Ginagamit ang lason nito sa pagpatay ng mga wolves o lobo.
Kapag ito’y nakain mo, makakaramdam ka ng burning sensation sa iyong mga kamay at paa hanggang sa iyong tiyan. Kapag nakain ito maaaring ikamatay agad nito ng 2-3 oras.
-
Castor plants (Tangan-tangan, o Katana)
Maaari mapatay ng halaman nito ang isang full-grown adult ng 4-5 na buto lamang. Ang ricin na toxin na taglay nito ay matatagpuan sa buong halaman.
Kapag nakapasok na ang lason nito sa iyong katawan. Maaaring makaramdam ng burning sensation sa iyong lalamunan at bibig at susundan ito ng diarrhea at pagsusuka. Kapag naranasan na ang sintomas nito at hindi ito napigilan mauuwi ito sa pagkamatay.
-
Rosary Pea
Sa sobrang nakakalason nito ang 3 micrograms nito ay maaaring pumatay sa isang fully-grown human ayon sa mga ulat. Kahit na gingamit ang seeds o buto nito bilang beads. Hindi ito advisable dahil ang tao ay madalas na isinusubo ang kanilang mga daliri.
Ang lason nito na abrin ay 75 na beses na nakakamatay sa ricin ng castor bean.
-
Buta-buta
Ang salitang Buta ay mula sa wikang Bisaya na ang ibig sabihin ay bulag.Kaya naman mula sa pangalan na iyan ang halaman na ito ay isang nakakabulag na halaman.Tumutubo ito sa muddy at stony soil na kadalasang makikita sa mga mangroves. Subalit notorious ang halaman na ito. Sapagkat ang dagta nito ay naglalaman ng lason. Ang ilan patak nito sa iyong balat ay magdudulot ng paltos at kapag napatakan ka nito sa mata ay maaari mo itong ikabulag.
Sintomas na maaaring makita
Kung madikitan ng mga halamang nakakalason, maaaring makaranas ng sintomas gaya ng mga sumusunod:
- Pulang pantal sa loob ng ilang araw pagkatapos madikitan ng halamang nakakalason
- Pagkakaroon ng mga bukol at mga paltos
- Pamamaga ng parte kung saan nadikit ang halaman
- Pangangati
First aid action kapag nalason ng halaman
Ang sinomang malason ng nakakalason na halaman ay dapat gawin ang first aid na ito:
- Agad na banlawan ang balat ng rubbing alcohol, specialized poison plant washes, decreasing soap (tulad ng sabon na panghugas ng pinggan) o detergent, at maraming tubig. Banlawan nang madalas upang ang wash solution na dala ng mgas sabon ay hindi matuyo sa balat na dahilan ng lalong pagkalat ang urushiol.
- Kuskusin ang mga kuko gamit ang isang brush.
- Maglagay ng wet compresses, calamine lotion, o hydrocortisone cream sa balat upang mabawasan ang pangangati at pamumula. Sundin ang mga direksyon na nakasulat sa mga cream at lotion. Huwag ilapat sa sirang balat, tulad ng mga bukas na paltos. Ang oatmeal bath ay maaari ring makapawi ng pangangati.
- Ang antihistamine tulad ng diphenhydramine (Benadryl) ay maaaring inumin upang makatulong na mapawi ang pangangati. Sundin ang mga direksyon sa pakete. Maaari ring makaramdam ng antok kapag uminom nito.
Kung bata ang malason, kumonsulta agad sa pediatrician upang matukoy ang gamot na dapat inumin.
Sa malalang kaso o kung ang pantal ay nasa mukha o ari, humingi ng propesyonal na medikal na atensyon. Pumunta sa pinaka-malapit na hospital.
Paano maiiwasan ang pagkalason?
Bukod sa mga halamang nakakalason, may mga bagay na nakakalason din na maaaring maglagay sa maliliit na bata sa panganib gaya ng pag-aalaga ng halaman o pagiging plantita.
Paano nga ba makakaiwas sa mga bagay na nakakalason ang mga bata. Narito ang mga prevention tips kung ikaw ay certified plantita.
- Ang mga maliliit na bata ay makain ang mga halaman gaya ng tangkay at dahon nito. Kung ikaw ay mag-aalaga ng mga halaman, siguraduhing ito ay hindi maaabot lalo ng ng maliliit na bata.
- Tiyaking alam mo ang mga halaman na iyong inilalagay sa iyong hardin. Toxic ba sila? Ang mga dahon mula sa tatlong pinakakaraniwang halaman – kamatis, patatas at rhubarb – ay maaaring makapinsala.
- Huwag iwanan ang mga pakete ng buto. Ang ilan ay nakakalason at ang iba ay maaaring nababalutan ng pesticides na maaaring makasama sa mga bata.
- Kapag nag-spray ka ng pesticides sa iyong mga halaman, hugasang maiigi ang kamay dahil maaaring may natitira pang kemikal pagkatapos mong mag-spray.
- Kapag nag-spray ka sa iyong bakuran o anumang halaman, siguraduhin hindi mahangin upang ang pesticides ay malayo sa iyong sarili, sa iba, mga alagang hayop at tahanan.
- Kung wiwisikan mo ang iyong hardin, huwag hayaang lumakad ang sinuman hanggang sa ito ay matuyo.
- Itago ang lahat ng mga pataba at pesticides sa kanilang orihinal na mga lalagyan na hindi maabot ng mga bata.
- Mag-ingat na huwag mag-spray sa mga bagay na madalas hawakan ng mga bata.
- Magsuot ng pantalon at guwantes kapag nagpunta sa mga hindi pamilyar na lugar dahil maaaring nakatago doon ang poison ivy.
Payo bago bumili ng halaman para sa iyong bahay at bakuran
Huwag agad bumili ng mga halaman mga mommy at daddy kahit ito pa ay maganda sa paningin. Mag-research muna sa mga halaman na iyong itatanim o ilalagay sa iyong bahay. Alamin kung may lason ito at ligtas ba ito para inyong mga anak.
Siguruhing ligtas ang mga halaman na inyong bibilhin at maganda rin sa paningin. Mas mainam na magtanim ng mga gulay at prutas sa inyong mga bakuran. Maganda rin ang paglalagay ng indoor plants para makatulong sa pag-produce ng oxygen. Subalit siguruhing mabuti na ito’y ligtas lalo na kung ang inyong mga anak ay bata pa.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.