X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Bata nakakagat ng dahon ng “dumb cane”, naglaway at hindi maisara ang bibig

3 min read

Nakakalason na halaman at ornamental plant na kung tawagin ay “dumb cane” napaglaruan at nakagat ng isang bata.

Ang dumb cane ay isa sa mga halaman na madalas nating makikita sa mga bakuran. Dahil sa magaganda at malalapad na dahon nito ay ginagamit itong pangdekorasyon para magmukhang maaliwalas ang mga tahanan.

Ngunit ang magandang halaman pala na ito kung titingnan ay mapanganib at sadyang nakakalason.

nakakalason na halaman

Image from Mothership

Batang nakakagat ng nakakalason na halaman

Sa isang Facebook post ay nanagawan si Husnolkhotimah Fahmi na mag-ingat sa isang nakakalasong halaman. Ito ay matapos mapaglaruan at makakagat ng dahon nito ang 4-anyos na Malaysian girl na si Nashwa.

Ayon sa kuwento ni Fahmi ay naglalaro umano sa labas ng kanilang bahay si Nashwa nang pumunit at kumagat ito ng maliit na dahon mula sa nakakalason na halaman.

Matapos nito ay agad na pumasok ang bata sa loob ng kanilang bahay at uminom ng tubig na nagsimula naring magreklamo sa sakit. Sinundan ito ng pag-iyak ng bata na hindi nila malaman ang dahilan.

Doon na nagkuwento ang bata na nakakagat siya ng dahon mula sa isang halaman sa kanilang garden.

Nang maituro ng bata kung anong dahon ang nakagat niya ay agad na i-ginoogle ito ni Fahmi. Doon niya natuklasan na ito pala ay nakakalason at kilala sa tawag na “dumb cane”.

Dagdag pa ni Fahmi maliban sa inirereklamong sakit ay hindi daw maisara ni Nashwa ang kaniyang bibig. Naninigas at namamaga din ang mga labi nito habang naglalaway ng sobra.

Kaya naman dahil sa nakakatakot na sintomas na pinapakita ni Nashwa ay agad itong itinakbo sa doktor.

Dito sinabi ng doktor na mabuti na lang at hindi nakalunok ng dahon ng dumb cane si Nashwa dahil kung sakali mas malala ang mararanasan niya. Tulad nalang ng pamamaga ng lalamunan na maaring makaharang o makabara sa respiratory tract.

Agad na binigyan ng lunas si Nashwa at niresetahan ng gamot para ma-absorb ang lason kung sakaling pumasok ito sa kaniyang tiyan.

Kaya naman panawagan ni Fahmi sa mga magulang, tanggalin na ang nakakalason na halaman sa kanilang bakuran lalo pa’t hindi mapipigilan ang mga batang mangalikot at mag-explore sa paligid nila.

Mag-ingat sa halamang “dumb cane”

Ang dahon ng dumb cane ay nagtataglay ng microscopic needle-like calcium oxalate crystals na nagdudulot ng burning sensation sa bibig kung makagat at maisubo.

Makakaranas rin ng pamamanhid, labis na paglalaway at pamamaga ng labi ang sinumang makakakagat nito.

Ang loss of speech ay isa rin sa mga side effect ng pagkakasubo ng dahon ng dumb cane ngunit hindi naman ito nakakamatay. Ligtas rin itong hawakan basta’t huwag lamang hahawak sa mata o bibig matapos mahawakan ang dahon nito.

 

Source: Mothership 

Basahin: Your kids could be poisoned by harmful plastic toys

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Bata nakakagat ng dahon ng “dumb cane”, naglaway at hindi maisara ang bibig
Share:
  • WARNING: Nakakasunog ng balat ang halaman na ito

    WARNING: Nakakasunog ng balat ang halaman na ito

  • Top 9 na nakakalason na halaman na maaaring ikapahamak ng iyong anak

    Top 9 na nakakalason na halaman na maaaring ikapahamak ng iyong anak

  • 3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

    3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • WARNING: Nakakasunog ng balat ang halaman na ito

    WARNING: Nakakasunog ng balat ang halaman na ito

  • Top 9 na nakakalason na halaman na maaaring ikapahamak ng iyong anak

    Top 9 na nakakalason na halaman na maaaring ikapahamak ng iyong anak

  • 3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

    3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.