No gadget? No problem! "Mga laro noong 90's ang tinuro ko sa mga anak ko"

Isang mommy ang itinuro sa kaniyang mga anak ang mga larong pambata noong 90's na kaniyang kinagiliwan niya. Alamin kung paano niya ito nagawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sadyang kaysarap balikan ng ating kabataan! Kung saan ang laruan ay matatagpuan lamang sa bakuran, kung saan mababaw at napakasimple lamang ng ating kaligayahan. Naalala mo pa ba ang mga larong pambata noon?

Dahil kasi modernong buhay na meron tayo ngayon, madalas ay sa teknolohiya na umiikot ang mundo natin lalo na ng ating mga anak.

Sadyang napakalaki ng ambag o tulong ng teknolohiya sa atin, pero katulad nga ng madalas nating marinig, anumang sobra ay hindi makakabuti sa atin.

Ang aking kabataan

Ako ay laking probinsya, kaya naikukumpara ko ang lifestyle ng kabataan ngayon sa aking nakaraan, sadyang malaki ang pagkakaiba.

Kung dati ay lutu-lutuan gamit ang lata ng sardinas, lupa at mga dahon ng halaman, ngayon ay mamahaling wooden toys o kitchen set ang kailangan. Noon ay habulan, taguan, piko at tumbang preso ngayon ay nakaupo lamang sa isang sulok pindot dito, pindot doon.

Isang araw nawalan ng kuryente sa aming lugar, ilang oras pa ang lumipas ay tuluyan ng nawalan ng baterya ang gamit nilang Ipod at Laptop.

Ramdam ko ang pagkabagot ng aking mga anak dahil hindi sila sanay na walang Ipod. Gabi bago kami matulog upang hindi sila mainip ay kinwentuhan ko sila ng aking mga throwback memories.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Naikuwento ko sakanila ang pagpunta ko sa bukid, ang pagsakay ko sa kalabaw, ang pamimingwit namin ng isda, ang pagkuha ng sariwang itlog ng manok sakanilang mga pugad tuwing umaga, ang pag inom ng sariwang gatas ng kalabaw at ang pangangahoy namin sa gubat. Tuwang tuwa at manghang-maha sila.

Kasabay nito ay naibahagi ko rin sakanila ang aming larong kalye katulad ng tumbang presyo, piko, sipa at marami pang iba! Ang mga nilalaro naming teks, goma, holen, plastic balloon, pogs, sungka at kung ano ano pa.

Nakakatuwa dahil bakas ko sa mukha ng mga anak ko ang excitement sa pakikinig at ang curiosity sa mga laruang aking nabanggit. At dahil nagkainteres sila sa mga laruan ng batang 90’s kinaumagahan ay sinubukan kong maghanap ng mga ito sa isang Online Shopping App at laking tuwa ko dahil ilan sa mga ito ay aking nabili.

BASAHIN:

10 na mga larong Pilipino na puwede mong ituro sa iyong chikiting

STUDY: Paglalaro ng bata, nakakatulong sa development ng kanilang emosyon

Bakit importanteng makipaglaro sa ibang bata ang iyong anak?

Mga larong pambata noong 90’s

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nag eexist pa pala ang laruan ng aking kabataan! Tatlong araw ang lumipas ng ito’y aking matanggap.
Excited kaming buksan at makita ang laman ng kahon.

Isa-isa kong ipinakita sakanila ang Plastic Balloon, Paper Dolls, Pick up Sticks, Jackstone at Pogs. Itinuro ko sakanila kung paano ang mga ito laruin. Buhat noon ay nawili na rin sila sa larong kalye na aming nilalaro tuwing hapon.
Taguan, tumbang preso at piko.

Sa loob ng bahay naman ay bahay-bahayan gamit ang kumot. Nagpapalipad din kami ng saranggola kapag mahangin.
Tapakan ng anino naman ang nilalaro namin tuwing gabi. Nakakatuwa silang pagmasdan!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga tinig nila, ang mga halakhak, kulitan at asaran. Ganyan na ganyan kami nung kabataan. Bukod sa laro na talaga namang naeenjoy nila, nakakabuti pa ito sakanilang mga katawan dahil sila ay gumagalaw at napagpapawisan.

Ang mga larong kalye ay siyang nagsisibing ehersisyo ng aking mga anak. Kaya hindi lilipas ang maghapon na hindi ko sila inilalabas upang lumanghap ng sariwang hangin at maghabulan.

Isa ring fulfillment sa akin bilang isang ina na maipakilala ko ang mga laruan at mga laro ng batang 90’s sa aking mga anak.
Ito ay bahagi na ng kulturang pinoy na aking kinagisnan. Ito’y bahagi ng ating nakaraan.

Bakit mahalaga na ituro ang mga larong pambata noong panahon ko para sa akin?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi lang iyon, sa pamamagitan ng mga laruang ito naipaliwanag ko sakanila ang tunay na kahulugan ng kaligayahan, na ito ay matatagpuan sa mumunti at simpleng mga bagay lamang.

‘Di kailangang mahal at magarbo palagi upang masabi nating masaya tayo. Hindi na natin dapat ibabase ang satisfaction natin sa presyo ng gamit.

Ipinapangaral ko sakanila na kailangan ay makuntento sila sa kung ano lang ang kayang maibigay namin.
Dito rin ay mas tumibay ang samahan ng aking mga anak. Mas lalong naeenjoy nila ang company ng bawat isa.

Bilang isang magulang nais kong ituro sa aking mga anak ang simpleng pamumuhay. Katulad ng buhay na aking kinagisnan sa probinsya.

Simple, payak, walang mamahaling laruan ngunit nandun ang kasiyahan. Gusto kong matutunan nilang iappreciate ang maliliit na bagay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nais kong lumaki silang hindi naghahangad ng material na mga bagay, nais kong pahalagahan nila kung ano lamang ang kaya naming ibigay sakanila.

At matutunan nila ang pagiging mapagpasalamat sa mga biyaya na kanilang natatanggap, malaki man ito o maliit.

Sinulat ni

Hiedie Mamauag