Para sa mga bata ngayon, bahagi na ng kanilang mga buhay ang paggamit ng gadgets at ng internet. Kung tutuusin, mas sanay pa nga sila sa mga gadgets na ito kumpara sa ating mga nakatatanda!
Mababasa sa artikulong ito:
- Dahilan kung bakit importanteng makipaglaro ang iyong anak sa ibang bata
- Halaga ng paglalaro sa labas ng bata
- Benepisyo ng paglalaro sa labas kasama ang iba pang bata ng iyong anak
Pero paminsa’y sumosobra na sa paggamit ng mga gadgets ang mga bata, at hindi na sila nasasanay nang paglalaro sa labas, o kaya naman ang pakikipaglaro sa ibang mga bata.
Ating alamin kung bakit mahalaga ang mga bagay na ito, at kung ano ang magagawa ng mga magulang para maging mas maging active ang kanilang mga anak.
Paglalaro sa labas at sa ibang bata, hindi dapat balewalain
Hindi maikakaila na nakakatuwang gumamit ng mga gadgets, katulad na lamang ng tablets, computer, cellphone at iba pa. Bukod sa mga games, pwede rin itong gamitin sa social media, magtingin ng mga larawan, at magbasa ng kung anu-ano.
Larawan mula sa iStock
Bukod dito, nagagamit din ang mga gadgets upang libangin ang mga bata. Kaya perfect na perfect ito sa mga busy na magulang.
Subalit hindi rin nakakabuti sa development ng mga bata ang ganitong pag-aalaga sa kanila. Importante sa mga bata ang physical interaction, at ang pakikipag-usap at pakikipag-ugnayan sa kanilang mga magulang dahil sa pamamagitan nito nade-develop ang kanilang social skills. Basahin ang artikulong “STUDY: Ito ang masamang epekto sa utak ng bata ng TV at cellphone” i-click lamang dito para sa iba pang kaalaman.
Kung hinahayaan lang ng mga magulang na gadget ang kasama ng kanilang anak, mahihirapan na makipag-socialize ang kanilang anak sa ibang mga bata. Sa paglaki nila’y mas mahihirapan silang makipag-usap at makipag-ugnayan sa ibang mga tao.
Kaya’t importanteng bawasan ang screen time, at sa halip ay mag-focus sa paglalaro sa labas. Hindi lang ito nakakatulong sa kalusugan, nakakabuti rin ito sa emotional development ng mga bata.
BASAHIN:
Mga Palarong Pinoy na maaaring ituro sa inyong mga anak
STUDY: Paglalaro ng bata, nakakatulong sa development ng kanilang emosyon
Bata, kumikita ng halos 85k dahil lang sa paglalaro ng Roblox
Bakit mahalaga ang paglalaro kasama ang ibang bata?
Hindi lang basta paglalaro sa labas ang mahalaga para sa mga bata. Importante na magkaroon sila ng mga kalarong ibang bata.
Ito ay dahil sa ganitong paraan sila matututo na makihalubilo, at makipag-ugnayan sa iba’t ibang mga bata na may kaniya-kaniyang ugali at personality. Malaki ang naitutulong nito sa EQ ng mga bata dahil matututo silang mag-adjust at makipagbigayan sa kanilang mga kalaro.
Larawan mula sa iStock
Bukod dito, magkakaroon din sila ng self-confidence na dadalhin nila hanggang sila’y tumanda.
Mayroong ilang mga magulang ang umiiwas nang paglalaro sa labas ng kanilang mga anak. Ito’y dahil natatakot silang baka mapahamak ang kanilang anak. Kaya’t mas gugustuhin na lang nila na nasa loob lang ang kanilang mga anak.
Hindi naman masamang isipin ang kaligtasan ng iyong anak, ngunit hindi rin mabuti na gawin silang sobrang sheltered. Normal lang sa mga bata ang madapa, o kaya masugatan habang naglalaro. Bahagi ito ng kanilang mga learning experiences, at hindi dapat ito ipagkait ng mga magulang.
Malaki rin ang naitutulong ng pagkakaroon ng mga safe space para sa mga bata. Maaaring makipag-ugnayan sa ibang mga magulang upang gawing mas safe ang playground sa inyong lugar, o kaya makipagugnayan sa barangay upang isaayos ang mga palaruan ng mga bata.
Sa ganitong paraan masisigurado ang kanilang kaligtasan, at matututong maglaro sa labas at makihalubilo ang iyong anak.
Paglalaro sa labas ng mga bata. | Larawan mula sa iStock
Benepisyo sa mga bata ng pakikipaglaro sa ibang bata
- Matututo silang mag-express ng kanilang feelings o pakiramdam gamit ang kanilang mismong mga salita.
- Matuto rin sila sa social skills katulad ng collaboration at cooperation.
- Magde-develop din sila ng positibong relasyon sa kaniyang mga kaibigan o kalaro.
- Matuto rin silang magkaroon ng confidence at makibagay sa ibang tao.
Sources:
Psychology Today, Healthline, child-encyclopedia
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!