TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Mga pagkain at inumin na nakakataba na mabuting kontrolin

4 min read
Mga pagkain at inumin na nakakataba na mabuting kontrolin

Mas mabuting magkontrol sa pagkain ng mga nakakataba para maiwasan ang mga sakit na maaring magpahirap sayo o iyong anak.

Mga pagkain na nakakataba? Narito ang mga lista ng pagkain na dapat iwasan.

Pagkain na nakakataba

Ang tamang nutrisyon ay mahalaga para sa paglaki at kalusugan ng isang bata. Ito ay nakukuha sa pagkain. Bagamat hindi lahat ng pagkain ay healthy sa katawan. May ilang pagkain na maaaring magdulot ng labis na timbang kung madalas kainin. Ang sobrang timbang o pagiging overweight ay maaaring magdulot ng iba’t ibang isyu sa kalusugan o sakit. Tulad ng obesity, diabetes, at iba pang metabolic diseases. Kaya mahalagang alamin ang mga pagkain na nakakataba at kung paano mapanatili ang balanseng diet.

Ano ang mga pagkain na nakakataba?

mga pagkain na nakakataba

Maraming pagkain na nakakataba. Ito ay ang pagkaing may mataas na calorie, asukal, at taba na maaaring magdulot ng mabilis na pagdagdag ng timbang. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

  1. Carbohydrate-rich foods

Ang carbohydrates ay pangunahing pinagkukunan ng enerhiya ng katawan. Ngunit ang labis na pagkonsumo nito ay maaaring magdulot ng dagdag na timbang. Ilan sa mga pagkaing rich sa carbohydrates ay ang sumusunod:

  • Puting kanin – May mataas ito sa carbohydrates na madaling nagiging taba kung hindi nagagamit bilang enerhiya.
  • Tinapay at pandesal – Lalo na kung may matamis o mamantikang palaman tulad ng peanut butter, condensed milk, o margarine.
  • Pasta at noodles – Ang mga pagkaing tulad ng spaghetti, carbonara, at instant noodles ay may mataas na calorie content.
  • Patatas (French fries, mashed potatoes na may butter) – Mayaman sa carbohydrates at fats, lalo na kung prito sa mantika.
  • Mais at cornstarch-based foods – Mga pagkaing tulad ng halaya, maja blanca, at corndogs ay may mataas na starch content na maaaring magpataba.
  1. Matatamis na pagkain at inumin

mga pagkain na nakakataba - chocolate at kendi

Ang matatamis o ma-asukal na pagkain ay mabilis na nagdadagdag ng timbang lalo na sa mga bata.

  • Tsokolate at candy – May mataas na asukal na maaaring magdulot ng biglaang pagtaas ng timbang.
  • Ice cream at milkshakes – Maliban sa asukal, mataas din ito sa fats na nakakapagpataba.
  • Cake, donuts, at pastries – Mataas sa sugar at refined carbohydrates.
  • Leche flan at halo-halo – Paborito ng marami ngunit mataas sa condensed milk at sugar.
  • Sweetened condensed milk at sweetened beverages – Madalas itong idinadagdag sa mga inumin at dessert na nagpapataas ng calorie intake ng bata.
  1. Matataas sa fats at oil

Kung sobra ang taba sa pagkain ay isang pangunahing dahilan ng mabilis na pagdagdag ng timbang.

  • Prinitong pagkain (fried chicken, hotdog, nuggets) – Ang mga processed food na ito ay madalas may mataas na saturated fats.
  • Chicharon at junk food (chips, cheesy snacks) – Mataas sa trans fats at sodium na maaaring magdulot ng obesity.
  • Margarine at butter – Mataas sa unhealthy fats na nagpapataas ng timbang.
  • Mayonnaise at creamy salad dressings – Ang mga condiments na ito ay may mataas na calorie content.
  • Street foods na deep-fried tulad ng kikiam, kwek-kwek, at fish balls – Madalas pinirito sa mantika na maraming trans fat.
  1. Mga dairy products

Ang dairy ay mayaman sa calcium at protein, ngunit ang ilang produkto ay may mataas ding fat content.

  • Full-cream milk at chocolate milk – Mas mataas ang calorie content kumpara sa low-fat milk.
  • Cheese at cheese-flavored snacks – Mataas sa sodium at fats.
  • Yogurt na may mataas na asukal – Bagama’t healthy, ang flavored yogurt ay madalas puno ng sugar na maaaring magdagdag ng timbang.
  1. Sugar-sweetened beverages

mga pagkain na nakakataba -sotfdrinks

  • Soft drinks at fruit juices na may mataas na asukal – Mataas sa empty calories na hindi nakakatulong sa nutrisyon ng bata.
  • Iced tea at powdered juice drinks – May artificial sweeteners at mataas sa sugar na maaaring magdulot ng labis na timbang.

Paano maiiwasan ang sobrang timbang?

Ang tamang pagkain ay hindi nangangahulugan ng pag-aalis ng lahat ng mga pagkain na nakakataba. Sa halip, ang moderation at balanseng diet ang susi upang mapanatili ang malusog na timbang.

Mga tips para sa masustansyang diet

  • Palitan ang puting kanin ng brown rice o quinoa para sa mas mataas na fiber content.
  • Pumili ng whole grain bread kaysa sa white bread.
  • Bawasan ang processed at deep-fried foods sa kanilang diet.
  • Maghanda ng masustansyang meryenda tulad ng prutas, gulay sticks, o nuts.
  • Palitan ang soft drinks at powdered juice ng fresh fruit juices o infused water.
  • Maging aktibo sa pisikal na gawain upang masunog ang sobrang energy mula sa pagkain.

 

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Alamin ang Vitamin Combo na Para Sayo at sa Nerves Mo!
Alamin ang Vitamin Combo na Para Sayo at sa Nerves Mo!
Fact vs. Myth: What Every Filipino Parent Needs to Know About Obesity
Fact vs. Myth: What Every Filipino Parent Needs to Know About Obesity
The Effect of Pure Vitamin E on One’s Beauty and Immunity
The Effect of Pure Vitamin E on One’s Beauty and Immunity

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • Mga pagkain at inumin na nakakataba na mabuting kontrolin
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • 8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

    8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

  • This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

    This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • 8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

    8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

  • This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

    This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2026. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko