#AskDok: Ano ang mga pagkain na puwede sa may diabetes?

Napakahalaga na malaman kung ano ang mga pagkain na puwede sa may diabetes at pati na ang bawal para makaiwas sa kumplikasyon. Alamin ito rito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Narito na ang listahan ng mga pagkain na puwede sa may diabetes at iba pang impormasyon tungkol sa sakit na ito.

Mahahanap sa artikulong ito:

  • Ano nga ba ang diabetes?
  • Mga uri ng diabetes at iba-ibang sanhi at sintomas nito
  • Ano ang mga bawal at mga puwedeng pagkain sa taong may diabetes?

Napakahirap magkasakit sa panahon ngayon. Hangga’t maari ay dapat nating palakasin ang ating immune system para makaiwas sa mga virus na nagdudulot ng mga impeksyon.

Subalit kung mayroon kang chronic disease o pangmatagalang kondisyon, doble ingat ang kailangan mong gawin. Bukod sa pag-inom ng iyong mga maintenance na gamot, kailangan ding panatiliing ang healthy lifestyle tulad ng pagiging aktibo at pagkain nang tama.

Isa sa mga chronic diseases na kailangan nang mahigpit ng diet ay ang diabetes.

Ano nga ba ang diabetes?

Ang diabetes ay isang itinatawag na chronic disease na nakakaapekto sa kung paano ginawang enerhiya ng iyong katawan ang pagkain na kinakain mo.

Karamihan sa mga kinakain mong pagkain ay gawa sa asukal (tinatawag ding glucose) at inilalabas sa iyong daluyan ng dugo. Kapag tumaas ang iyong blood sugar level, nagbibigay ito ng senyales sa iyong pancreas upang maglabas ng insulin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang insulin ay isang susi upang payagan na pumasok ang  asukal sa dugo at gamitin ng cells ng iyong katawan para magamit bilang enerhiya.

Kapag mayroon kang diabetes, ang iyong katawan ay  hindi gumagawa ng sapat na insulin o hindi nagagamit ng maiigi ang insulin na ginagawa nito.

Kapag walang sapat na insulin o ang iyong cells ay tumitigil sa pagtugon sa insulin, labis na asukal sa dugo ang mananatili sa iyong daluyan ng dugo.

Sa paglipas ng panahon, maaari itong maging sanhi ng malubhang mga problema sa kalusugan, tulad ng sakit sa puso, pagkawala ng paningin, at sakit sa bato.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Wala pang lunas para sa diabetes, kaya itinuturing itong panghabang-buhay na sakit (maliban sa gestational diabetes). Ngunit makakatulong nang malaki ang pagkakaroon ng healthy lifestyle para makaiwas sa mga komplikasyon.

Larawan mula sa Unsplash.

Mga uri ng diabetes – mga sanhi at sintomas nito

Mayroong tatlong klase ng diabetes: Type 1, Type 2, at  gestational diabetes (o diabetes habang buntis).

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Type 1 diabetes

Tinatayang 10% ng taong may diabetes ay mayroong Type 1 diabetes.

Ito ay sanhi ng autoimmune reaction kung saan inaatake ng immune ssystem ng ating katawan ang mga cells na gumagawa ng insulin.

Bilang resulta, kaunti lang o wala itong nagagawang insulin. Hindi pa natutukoy ang eksaktong sanhi nito, pero maaaring may kinalaman sa genetics o kapaligiran at maging ibang viral infections.

Bagama’t anumang edad ay maaring magkaroon ng type 1 diabetes, mas karaniwan ito sa mga bata at teenagers. Gayundin, ang pagkakaroon ng kapamilya na may type 1 diabetes ay nagpapataas ng iyong posibilidad na magkaroon din nito.

Ilan sa mga sintomas ng type 1 diabetes ay ang mga sumusunod:

  • Matinding uhaw at tuyo ang bibig
  • Biglaang pagbaba ng timbang
  • Madalas na pag-ihi
  • Pananamlay at matinding pagod
  • Pakiramdam na laging gutom
  • Paglabo ng paningin
  • Pag-ihi sa kama

Type 2 diabetes

Ang type 2 diabetes ang pinakakaraniwang uri ng diabetes, dahil 90 porsiyento ng mayroong chronic disease na ito ay may type 2 diabetes.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nangyayari ito kapag ang katawan ay hindi nagre-respond o hindi tinatanggap ang insulin. Dahil rito, patuloy na tumataas ang blood glucose levels na nagbibigay pa ng senyales sa mga cells na gumawa ng mas maraming insulin.

Kapag nangyari ito, napapagod ang pancreas at hihina ang paggawa ng insulin at tataas naman ang blood sugar na tinatawag na hyperglycaemia.

Larawan mula sa iStock

Mas karaniwang nakikita ang type 2 diabetes sa matatanda, subalit nakakaalarma ang pagtaas ng kaso nito sa mga bata dahil sa pagdagdag ng kanilang timbang, kawalan ng physical activity at maling diet.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung mayroong may diabetes sa inyong pamilya, mas mataas din ang posibilidad na magkaroon ka ng type 2 diabetes. Bukod dito, kabilang din sa risk factors ang pagkakaroon ng sobrang timbang, kakulangan sa physical activities, high blood pressure, history ng gestational diabetes at poor diet.

Kailangan ding bantayan ang iyong blood sugar levels dahil ang mga taong may impaired glucose tolerance kung saan mas mataas ang blood glucose levels sa normal. Pero mas mababa naman para masabing may diabetes, ay may mas mataas na posibilidad pa rin na magkaroon ng sakit na ito.

Larawan mula sa International Diabetes Federation

Narito ang mga karaniwang sintomas ng type 2 diabetes:

  • Matinding uhaw at panunuyo ng bibig
  • Madalas na pag-ihi
  • Pananamlay at matinding pagod
  • Mabagal na paggaling ng mga sugat
  • Pabalik-balik na impeksyon sa balat
  • Paglabo ng paningin
  • Panginginig ng mga kamay at paa

Maaaring banayad lang ang mga sintomas na maramdaman ng taong may type 2 diabetes kaya hindi niya agad malaman na mayroon na pala siya nito.

Para makontrol ang blood sugar levels, kailangan talaga ng healthy diet, maging aktibo at pananatili ng normal na timbang. Minsan, kailangan din ng maintenance na oral medication ng mga taong may type 2 diabetes.

Kapag hindi pa rin nito nakontrol ang blood sugar levels, posible ring kailanganin ng insulin injections.

Gestational diabetes

Ang gestational diabetes ay isang uri ng diabetes a nilalarawan ng pagtaas ng blood glucose levels habang nagbubuntis. Sa ika-24 hanggang 28 linggo ng pagbubuntis, sumasailalim ang babae sa glucose tolerance test upang malaman kung mayroon siya nito.

Kailangang maging mas maingat ang mga babaeng may gestational diabetes dahil maaari itong magdulot ng komplikasyon sa iyong panganganak at pati na rin sa sanggol.

Bagama’t kadalasan ay nawawala naman ang gestational diabetes at bumabalik sa normal ang blood glucose levels ng ina pagkatapos manganak, mas mataas pa rin ang  posibilidad na magkaroon siya at ang kaniyang anak ng type 2 diabetes.

Para malaman ang iba pang impormasyon tungkol sa gestational diabetes, basahin rito.

Mga pagkain na puwede sa may diabetes. | Larawan mula sa Unsplash.

BASAHIN:

#AskDok: Ano ang pwedeng gawin para makaiwas sa diabetes?

#AskDok: Paano mabuntis ang mataba? Alamin kung ano ang epekto ng timbang sa pagbubuntis

Tamang timbang ayon sa edad: Ang gabay para sa ‘yo

Mga pagkain na puwede sa may diabetes (at ano rin ang bawal)

Larawan mula sa iStock

Gaya ng mga nabanggit sa itaas, napakaimportante ng pagkakaroon ng healthy lifestyle para makontrol o maiwasan ang diabetes.

Para manatiling normal at malusog ang iyong timbang, kailangang maging aktibo at kumain nang tama para makontrol ang iyong blood sugar levels.

Pero ano nga ba ang mga pagkain na pwede sa may diabetes at paano mo malalaman ito?

Glycemic Index at Glycemic Load

Ang Glycemic index (GI) ay nagsusukat kung gaano kabilis tumataas ang iyong blood sugar levels dahil sa pagkain.

Tanging ang mga pagkain lang na nagtataglay ng carbohydrates ang mayroong GI. Subalit ang mga pagkaing mamantika, matatab at karne ay maari pa ring makaapekto sa blood sugar ng isang taong may diabetes.

Sa kabuuan, ang mga pagkaing may mababang GI ay mabagal ang pagtaas ng glucose, samantalang mabilis naman magpataas ng glucose levels ang mga pagkaing mataas sa GI kaya mahirap itong kontrolin, lalo na sa mga taong may diabetes.

Para mas madaling tandaan, ang GI ay may sinusunod na scale mula 0 (pinakamababa) hanggang 100 (pinakamataas). Ang mga pagkaing may mababang GI ay may rate na 0 hanggang 55, moderate GI ay mula 55 hanggang 69 at ang mga pagkaing may mataas na GI ay may rate na 70 pataas.

Ilang halimbawa ng mga pagkaing may mababang glycemic index ay oatmeal, quinoa, mga prutas at iba pang pagkaing mayaman sa fiber.

Samantala, ang Glycemic Load (GL) naman ay sumusukat ng mga pagkaing may carbohydrates at kung gaano katindi ang epekto nito sa iyong katawan. Sinasabi rin nito kung gaano karaming glucose ang tinataglay ng pagkain.

May mga pagkain kasi na may mataas na GI subalit kung susukatin ay mas mababang glycemic load kaya hindi ito gaanong nakakasama sa taong may diabetes.

Para makuha ang GL, sinusunod ang formula na ito:

GL = (GI x amount ng carbohydrates) divided by 100

Para mas madaling tandaan, ang mga pagkaing may mababang GL ay may rate na 10 pababa, moderate GL ay mula 11 hanggang 19 at ang mga pagkaing may mataas na GL ay may rate na 20 pataas.

Ilan sa halimbawa ng mga pagkaing mga mababang GL ay 1/4 cup ng mani, 8 ounces ng gatas at 2 cups ng pakwan.

Para sa mga taong may diabetes, mahalagang malaman ang level ng GI at GL ng pagkain para masigurong kontrolado ang iyong blood glucose levels.

9 na pagkain at inumin na dapat iwasan ng taong may diabetes

Para mas simple, narito rin ang listahan ng mga pagkain na hindi puwede sa mga taong may diabetes:

  1. Mga matatamis na inumin
  2. Mga pagkain na mataas sa trans fat
  3. White bread, white rice, at pasta
  4. Fruit-flavored yogurt (may added sugar)
  5. Mga matatamis na cereal
  6. Matatamis na kape
  7. Honey, agave nectar, at maple syrup
  8. Dried fruits
  9. Mga pagkaing mamantika gaya ng french fries

9 na pagkain na makaktulong sa inyong kalusugan at diabetes

Ito naman ang listahan ng mga pagkaing puwede sa may diabetes:

  1. Mga pagkaing mayroong Omega-3 Fatty Acids gaya ng salmon at sardinas at healthy fat gaya ng avocado
  2. Pagkain ng gulay gaya ng spinach, kangkong at malunggay
  3. Mga pagkaing mayaman sa vitamin C gaya ng mga prutas
  4. Itlog
  5. Chia Seeds
  6. Mga beans
  7. Greek Yogurt
  8. Iba’t-ibang uri ng mani
  9. Broccoli

Tandaan, makakabuti kung idadagdag ang masusustansyang pagkain sa diet ng iyong pamilya para makaiwas sa mga sakit gaya ng diabetes. Huwag ring kalimutang uminom ng maraming tubig.

Panatiliin rin ang tamang timbang at malakas na immune system sa pamamagitan ng pag-eehersisyo, pag-iwas sa masamang bisyo gaya ng paninigarilyo at pag-inom ng alak, at pagkakaroon ng sapat na pahinga.  Prevention is better than cure, ika nga.

Subalit kung sa palagay mo ay posibleng mayroon kang diabetes, huwag mahiyang kumonsulta sa iyong doktor para malaman ang tungkol dito.

Souces:

CDC, Healthline, Oregon State University, IDF

Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

Iñigo Sison