4 na pagkain na DAPAT kinakain ng buntis

undefined

Mahalaga ang pagkakaroon ng isang healthy meal para sa isang buntis. Kaya naman alamin ang mga pagkaing dapat kinakain ng isang buntis para sa isang healthy pregnancy at healthy baby.

Ikaw ba mommy ay naguguluhan at hindi mo alam kung healthy ba ang mga pagkain na iyong kinakain, alamin ang mga pagkain para sa buntis na tulad mo. Healthy na para sa ‘yo at kay baby.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Mga dapat kainin ng buntis
  • Pagkaing masustansiya para sa buntis

Hindi talaga maiiwasan ang pagkain ng mga masasarap subalit nga kadalasan ng masarap ay hindi healthy. Siyempre, kapag ika’y nagkaroon ng pregnancy cravings kahit na hindi ito healthy ay kinakain niyo pa rin ito. Kaya naman narito ang ilang mga pagkain na dapat kinakain ng isang buntis.

Kapag healthy kasi si mommy at healthy ang kaniyang mga kinakain tiyak na magiging healthy rin si baby.

4 na pagkain na dapat kinakain ng buntis

mga pagkain para sa buntis

Larawan mula sa iStock

Ito ang mga pagkain na dapat kinakain ng buntis para sa isang healthy pregnancy at isang healthy baby. Tiyak na makakatulong ‘to sa inyong pregnancy journey.

Ang goal kasi natin kapag tayo’y buntis ay makakain ng mga masusutansiyang pagkain. Sapagkat hindi na lamang tayo ang kumakain at nangangailangan ng mga nutrients. Mayroon ng little human na lumalaki sa ating tiyan. Kaya naman nirerekomenda ng mga eksperto ang pagkain ng mga masusutansiyang pagkain hindi lamang para sa mommy kundi pati na rin kay baby.

Pagkaing mayaman sa Folic acid

Ang mga nagdadalang-tao ay kinakailangan ng calcium, folic acid, iron at protein kaysa sa mga babaeng hindi buntis. Ayon sa American College of Obstetricians and Gynecologists (ACOG). Ito ang kanilang mga rason

Ang folic acid, o kilala rin sa tawag na folate na makikita sa mga pagkain ay vitamin B na isang mahalagang nutrients para maiwasan ang pagkakaroon ng birth defects sa brain at spinal cord ni baby. Kilala rin ito sa tawag na neural tube defects.

Nirerekomenda ng March of Dimes, isang organisasyon na dedicated sa pag-prevent ng birth defect na mag-take o uminom ng vitamin supplement na mayroong 600 micrograms ng folic acid araw-araw, at least isang buwan bago magbuntis.

Makikita ito sa mga pagkaing:

  • leafy green vegatables
  • fortified o enriched na cereals
  • tinapay
  • pasta
  • beans
  • citrus fruits

BASAHIN:

13 beauty products na bawal sa buntis

16 bagay na ipinagbabawal sa mga buntis

#AskDok: Bawal ba ang instant noodles o pancit canton sa buntis?

Mga pagkain may calcium

mga pagkain para sa buntis

Larawan mula sa iStock

Ito ang mineral o nutrients na kinakailangan ni baby para sa pag-build ng kaniyang buto ang mga ngipin. Kapag hindi nakapag-consume ng sapat na calcium ang isang buntis na babae. Maaaring kukunin ni baby ang mga naka-store na calcium sa mommy at ibibigay ito kay baby. Para ma-meet ang demands ng pregnancy.

Ayon sa Academy of Nutrition and Dietetics. Maraming mga diary products ang mayroong vitamin D, isang pang nutrient na works with calcium upang ma-develop ang buto ang ngipin ni baby.

Makikita ito sa mga pagkaing:

  • gatas
  • yogurt
  • keso
  • calcium-fortified na juice at pagkain
  • sardinas o salmon na may buto
  • leafy greens (kangkong, bok choy)

Pagkaing mayaman sa iron

Ang mga babaeng buntis ay kinakailangan kumain ng mga pagkain na mayaman sa iron para sa kanilang kalusugan at ni baby. Kinakailangan ng 27 milligrams ng iron sa isang araw ang ma-consume ng isang buntis ayon sa ACOG.

Ang mga additional na mineral na ito ay kinakailangan upang lumikha pa ng maraming dugo o blood para mag-supply ng oxygen kay baby. Kapag naman kaunti lamang ang iyong nakukuhang iron habang ika’y nagbubuntis maaari itong mag-lead sa anemia, isang kundisyon na maaaring magresulta ng fatigue at pagtaas ng tiyansa sa pagkakaroon ng impeksyon.

Makikita ito sa mga pagkaing:

  • karne
  • manok
  • isda
  • dried beans at peas
  • iron-fortified cereal

Mga pagkaing mayaman sa protein

mga pagkain para sa buntis

Larawan mula sa iStock

Higit na kinakailangan ng mas maraming protein o protina kapag buntis. Marami umanong mga pregnant woman na hindi nagkakaproblema sa pag-consume ng mga pagkain mataas sa protein, ayon iyan kay Sarah Krieger, isang registered dietitian at spokesperson sa prenatal nutrition para sa Academy of Nutrition at Dietetics sa St. Petersburg sa Florida.

Isinalarawan niya na ang “a builder nutrient” ang protein dahil nakakatulong ito upang ma-build ang mga importanteng organs para kay baby. Katulad na lamang ng utak at puso.

Makikita ito sa mga pagkaing:

  • meat
  • poultry
  • isda
  • dried beans at peas
  • itlog
  • mani
  • tofu

Dagdag pa riyan ang mga pagkaing ito:

  • prutas at gulay
  • lean protein
  • whole grains
  • diary

Kaya naman tandaan ito mga mommy para maging healthy ka at si baby. Makakatulong sa inyong dalawa ni baby ang pagkakaroon ng isang healthy diet. Para maging maayos ang development ni baby at ikaw na rin mommy ay maging healthy.

 

Source:

livescience

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!