LOOK: Sam Pinto at Anthony Semerad, ipinagdiwang ang 3rd month ni Baby Mia

Ipinagdiwang ng mag-asawang Sam Pinto at Anthony Semerad ang 3rd month ng kanilang baby Mia Semerad. Silipin ang cute pictures nila dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aktres na si Sam Pinto at PBA player na si Anthony Semerad inagdiwang ang ika-3 months ng kanilang baby girl na si baby Mia Semerad!

Mababasa sa artikulong ito:

  • Baby girl ni Sam Pinto at Anthony Semerad, 3 months old na
  • Meaning ng pangalan ni Baby Mia Semerad
  • Pregnancy journey ni Sam Pinto

3rd month ni Baby Mia Semerad, ipinagdiwang ni Sam Pinto at Asawang si Anthony Semerad

Nito lamang December 1, Miyerkules, ay nag-post ang aktres na si Sam Pinto sa kanyang IG account ng picture ng kanyang baby girl, ito ay upang ibahagi sa mundo na 3 months old na si baby Mia.

Larawan mula sa Instagram account ni Sam Pinto

Makikita sa larawan na talaga namang naman ni baby Mia ang taglay na ganda ng kaniyang ina.

“Happy 3 months my baby girl @miaayasemerad! Time flies so fast,” caption ng aktres sa nasabing post.

Nang tumuntong si baby Mia sa unang buwan nito ay saka pa lmang ibinihagi ng mag-asawa sa buong mundo ang napakacute na face nito. Parehong nag-post si Sam at Anthony sa kani-kanilang IG account ng kanilang first family photo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Sam Pinto

“Finally. After a month, daddy @anthonysemerad is home from the PBA bubble. We missed you very much  PS he was there when @miaayasemerad was born.” -Sam Pinto

“Ready to start this journey with you baby! Let the awesome parenting begin. @sampinto_ @miaayasemerad #family – Anthony Semerad

September 1 nang isilang ni Sam Pinto si baby Mia, at agad naman itong ibinahagi ni Anthony sa kanyang IG account. Sa larawan makikita na hawak hawak ni baby Mia ang kamay ng basketball player.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I’m officially a Dad! So proud of you baby @sampinto you were amazing! Hello- Mia Aya Semerad.” caption ni Anthony sa kanyang IG post. 

Matatandaang inanunsiyo ng mag-asawa sa publiko ang pagbubuntis ni Sam sa pamamagitan ng isang post sa Instagram kung saan makikita na hawak ng mag-asawa ang sonogram ng kanilang baby girl, last May 5, 2021.

Larawan mula sa Instagram account ni Sam Pinto

Sa isang post ni Sam noon, sinabi niya na,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“We are beyond excited to share with you all that WE ARE PREGNANT. Our hearts are full and feeling blessed. We honestly couldn’t be happier and excited for our greatest adventure yet!@anthonysemerad!

BASAHIN:

LOOK: Sofia Andres at Daniel Miranda, ipinagdiwang ang 2nd birthday ni Baby Zoe

LOOK: Nadine Samonte isinilang na ang pangatlong anak, si Baby Harmony

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, magkakaroon ng baby girl!

Pregnancy journey ni Sam Pinto

Sa isang vlog ni Sam, ibinahagi ng mag-asawa ang kanilang reaksyon ng una nilang malaman ang pagbubuntis ni Sam gayundin ang kahulugan ng pangalan ng kanilang baby girl.

“Ako super mixed emotions kasi parang after the wedding, after marriage, we were planning to have a baby two years later pa, ‘di ba? Kasi we want to enjoy but he got excited. [I’m] happy and scared at the same time,” wika ni Sam Pinto na 23 weeks pregnant na noon.

Ipinahayag naman ni Anthony na siya ay sobrang excited sa pagbubuntis ni Sam.

Larawan mula sa Instagram account ni Sam Pinto

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I am ready to be a dad!” wika niya.

Bago matapos ang video ay ipinaliwanag nila ang kahulugan ng pangalan ng kanilang baby.

Napili nila ang pangalan na baby Mia Aya Semerad, dahil sa pagmamahal nila sa dagat.

“Because we really love the ocean. Mia is queen of the ocean, so it’s the perfect name. And Aya, it’s a very lucky name. Siyempre we want her to be lucky,” paliwanag ng dalawang magkasintahan.

Sa isang maternity photo ni Sam ay ibihagi niya kung paano nahirapan tanggapin ang mga pagbabago sa kaniyang katawan dahil sa pagbubuntis. Ikinuwento rin niya ang mga bagay na kaniyang ginawa para maibsan ang takot na kaniyang nararamdaman tungkol sa pagbubuntis.

Pagbabahagi niya,

“I welcome the changes in my body.

Honestly. This is one of the hardest thing for me to accept. Cause everything is so BIG. My face, belly, feet, and yes my lips — natural filler ‘yan girl hahaha.

And I hear so much scary, horror stories about pregnancy and giving birth that I’m already getting terrified and nervous just thinking about it. Listening to pregnancy affirmations really really helped me a lot. So if you’re like me momma, you can prep yourself and set your mind. Just Google or search in Spotify or YouTube and type “pregnancy affirmations”. I listen to them everyday and just makes me feel so much calmer, happier and better.

Na -engaged si Sam Pinto at Anthony Semerad last August 2019, habang sila ay nagbabakasyon sa Australia, kung saan lumaki si Anthony.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Last March, 2021 ay nagpakasal ang dalawa sa isang very intimate civil wedding na ginanap sa Conrad Manila sa Pasay.

Source:

GMA, ABS-CBN, PEP.ph

Sinulat ni

Joyce Ann Vitug