Positibo ang komedyanteng si Michael V sa COVID-19. Lakas loob niya itong inanunsyo sa kanyang Youtube Channel nito lamang umaga ng July 20.
Comedian And Dad Michael V. Nag-Positibo Sa COVID-19
Nagsimula lamang sa mahinang pag-ubo at pagkawala ng panlasa ang naramdamang sintomas ng Kapuso comedian at dad na si Michael V o mas kilala sa kanyang screen name na ‘Bitoy’. Sa kaniyang YouTube Channel, matapang niyang pinagbigay alam sa publiko na siya ay positibo sa COVID-19.
Ayon kay Bitoy, ‘flu-like symptoms’ ang kanyang naramdaman na mapapanood rin sa kanyang previous vlog. Mapapansin rito na umuubo na siya at ang kanyang boses ay nag-c-crack. Dahil sa naranasang mga mild symptoms, agad niyang hiniwalay muna ang sarili at nagpatingin sa kanyang doctor online. Uminom rin siya ng gamot ata agad na gumaling siya pagkatapos ng ilang mga araw.
“Siyempre nag-isolate na kagad ako, nag-quarantine na kagad ako. I took medicine nagpa-check up ako sa doctor online. I got better the following day.”
Ngunit pagkatapos nito, sunod niyang naranasan ang pagkawala ng pang-amoy at panlasa. Hindi naman ganun kataas ang body temperature niya. Umabot lang ito ng 37 degrees.
“Wala akong maamoy ngayon, kumuha ako ng mga strong na perfume na normally ginagamit ko — alcohol, eucalyptus food — medyo weird. Wala akong masyadong maamoy.”
Dahil sa patuloy na nararamdamang sintomas, agad siyang sumailalim sa COVID-19 test kasama ang kanyang asawa. Inabot ito ng halos limang oras at nagkakahalaga ng 12,000 pesos pataas.
“We’ve been really strict about safety. ‘Yung social distancing pina-practice namin yun, yung PPEs, every time we go out and interact with other people and ‘pag lumalabas kami, normally nga halos wala talaga kaming labas eh. Very, very minimal yung times na lumabas kami.”
Sa isang kwarto nila sa bahay, dito muna nag-stay si Michael V para na rin makaiwas muna sa mga kasambahay at pamilya nito habang siya ay naka-isolate.
Aminado siyang takot na takot siya sa nangyayari ngunit nananatili pa rin siyang positibo sa nangyayari.
“So, gabi na naman. Kakatapos ko lang kausapin ‘yung panganay ko. Mahirap pala ‘no? Lumipas na naman ang isang buong araw na hindi mo sila nayayakap, hindi mo sila nahalikan, hindi mo sila nakita. Buti na lang may Facetime, buti na lang may messenger. Pero at the end of the day , na-realize mo na lumipas na naman ang isang araw na mag-isa ka.”
Kahit na may iniindang karamdaman si Michael V, hindi niya pa rin nakalimutang magbigay paalala sa publiko. Ayon sa kanya, hindi biro ang COVID-19 kaya nman dapat ay ‘wag balewalain ang mga nararamdaman. Ugaliin rin ang proper social distancing at pagsusuot ng PPE.
“Hindi biro itong mga nangyayaring ito. I wish hindi niyo bale-walain yung mga nararamdaman niyo. Sundin pa rin natin protocols ng social distancing, PPE, ‘wag ng makipag-interact masyado sa iba kasi di natin alam sino yung carrier.”
Sa 8th day ng isolation ni Michael V, dito lumabas na positibo siya sa COVID-19.
Isa si Bitoy sa mga artistang nagpositibo sa COVID-19 kasama ang sina Iza Calzado, Christopher de Leon at Howie Severino.
Paano nahahawa sa COVID-19?
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.
Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.
Sintomas ng COVID-19
Ito ang mga karaniwang sintomas na maaaring makita sa mga matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan. Ang sintomas ng COVID-19 sa tao ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.
- Dry cough
- Mataas na lagnat
- Panghihina
- Pananakit ng katawan
- Diarrhea
- Pananakit ng ulo
- Pagkawala ng panlasa
- Pananakit ng lalamunan
Narito ang mga seryosong sintomas na kailangang bigyang pansin. Kung sakaling maramdaman ang mga ito, agad na humanap ng medical assistance.
- Hindi makagalaw
- Hindi makapagsalita
- Hirap sa paghinga
- Pananakit ng dibdib
Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:
- Buntis
- 65 years old pataas
- Mga taong may travel history
- Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
- May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes
COVID-19 Health protocols
Ayon sa CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:
- Palaging pagsusuot ng mask
- Iwasan ang mga matataong lugar
- Iwasan ang mag-travel
- Panatilihin ang social distancing
- Palagiang paghuhugas ng kamay
- Iwasan ang paghawak sa mukha
- Maging malinis
Source:
BASAHIN:
Iza Calzado, nag-positibo sa sakit na coronavirus o COVID-19