Michelle Madrigal napaiyak ng kaniyang anak na si Anika: "You are so appreciative!"

Hindi napigilan ni Michelle Madrigal ang maluha dahil sa naging sagot ng kaniyang anak na si Anika.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakipagkulitan si Michelle Madrigal sa kaniyang 4 years old na anak na si Anika. Ito ay bilang pagdiriwang sa Mother's Day noong nagdaang linggo.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Anika sumagot sa Q&A vlog ni Michelle Madrigal
  • Michelle Madrigal kasama ang anak sa bagong apartment

Larawan mula sa Instagram account ni Michelle Madrigal

Anika sumagot sa Q&A vlog ni Michelle Madrigal

Bilang selebrasyon noong Mother's Day, naisip ni Michelle Madrigal na isalang sa question and answer ang kaniyang anak na si Anika.

Sa una ay magagaan lang ang naging tanong ni Michelle tulad ng paborito nitong snacks.

"I usually like pretzels, and candies. Lollipops and pop rocks."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Naitanong din ni Michelle kay Anika kung ano ang mga favorite nitong kulay. Sinabi naman ng kaniyang anak na blue purple at pink ang mga paboritong color nito.

Para naman sa favorite activity ni Anika, sinabi niya na ang pag-solve sa mga puzzle ay isa sa mga hobby niya.

Nang tanungin ni Michelle sa anak kung anong gusto niyang gawin kasama si mommy, halos maging emosyonal ang aktres sa sagot ni Anika.

"I like going in the pool. I like sitting next to you, I like walking with you, I love you!"

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Samantala, nang mausig si Anika kung ano ang kaniyang favorite food, doon na nagsimulang mangilid ang luha ni Michelle dahil sa sagot ng kaniyang 4 years old na anak.

"I like pasta, and I like noodles that you make."

Napayakap naman si Michelle sa kaniyang anak at sinabi nitong muntik na siyang maiyak.

"You're gonna make me cry. You are so appreciative!"

Sa sumunod na tanong ay napapunas na ng luha si Michelle nang tanungin niya si Anika kung ano ang nagpapasaya dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"That you're here," tugon ng anak ni Michelle Madrigal.

"That's so sweet! I love you!"

'Yan naman ang nasabi ni Michelle Madrigal habang lumuluha na marinig ang sagot ni Anika.

Larawan mula sa Instagram account ni Michelle Madrigal

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para naman sa dream job ni Anika, sinabi nito na nais niyang maging isang guro dahil na-inspire siya sa kaniyang mga naging teacher.

Samantala, nagkaroon din ng emotional moment si Anika nang matanong ni Michelle Madrigal kung saan gustong pumunta ng anak.

Nagulat si Michelle sa sagot ni Anika, dahil sa 'heaven' daw niya gustong pumunta.

"At heaven. Because I miss Julius."

Malala ang naging iyak ni Anika matapos niyang sumagot sa tanong ng kaniyang mommy. Si Julius ang ay pet dog nina Michelle at Anika. Ngunit pumanaw na ito kaya naman miss na miss na ito ng kaniyang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"Anika really misses our dog, Julius."

BASAHIN:

Michelle Madrigal emosyonal sa pagiging ganap na US citizen

Derek Ramsay nirerespeto si John Lloyd Cruz bilang ama kay Elias: "Wala kaming problema."

Dennis Trillo to Jennylyn Mercado: “Napakaswerte ng anak natin na ikaw ang Mama niya.”

Michelle kasama ang anak sa bagong apartment

Tuluyan nang lumipat ng tahanan si Michelle Madrigal matapos niyang ibenta ang dati nilang bahay. Kasama niya ang anak sa bago nilang apartment.

Pag-amin ni Michelle, mas maliit ang nilipatan nilang apartment. Ngunit aniya, mas okay ngayon dahil sarili na niya ang apartment at looking forward sa fresh star.

"I am getting out of the house, selling the house. All the feels like packing and all that, it’s finally coming to an end of not living in the same house.”

Matatandaan na pormal nang hiwalay si Michelle Madrigal sa kaniyang dating mister na si Troy Woolfolk. Si Troy ay isang football player sa Amerika.

Ayon kay Michelle, wala namang nangyaring third party sa pagitan ng relasyon nila ni Troy. Aniya, maayos ang kanilang naging paghihiwalay.

Pareho lang daw silang hindi na masaya sa kanilang naging relasyon kaya naisipan nilang magkahiwalay na.

"I think the reason why this marriage did not work was because we're not really compatible at all."

Larawan mula sa Instagram account ni Troy Woolfolk

Ayon pa kay Michelle, sa unang anim na buwan nila ni Troy ay sobra niyang saya kaya nagkaroon sila agad ng anak. At iyon nga si Anika.

At dahil daw sa pagiging sobrang attracted niya kay Troy Woolfolk noon ay hindi niya napansin ang mga red flags sa kanilang relasyon.

"I think most marriages or relationships in general don't last because they're not very compatible with the person they choose to be with."

Lahad pa ng aktres, may parte na malungkot din siya sa kinahantungan ng kanilang relasyon ni Troy. Ngunit ngayon ay mas nangingibabaw ang kasiyahan ngayong kasama niya ang anak na si Anika.

“Nalulungkot din ako syempre. I don’t think happy tayo kapag ka maghihiwalay. I’m just now getting Anika ready for having two separate homes. But it’s a fresh start so I’m happy that I’m here.”