Michelle Madrigal dumaan sa postpartum depression dahil sa pagpanaw ng ama: "I did not have anybody."

Binahagi rin ni Michelle ang status tungkol sa kaniyang love life.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ibinahagi ni Michelle Madrigal sa kaniyang YouTube vlog kung paano niya na-overcome ang postpartum depression dahil after niyang ipanganak ang kaniyang daughter na si Anika ay pumanaw naman ang kaniyang ama.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Michelle Madrigal on her postpartum depression: "It was really hard for me in the beginning"
  • Update sa love life ni Michelle Madrigal

Michelle Madrigal on her postpartum depression: "It was really hard for me in the beginning"

Postpartum depression ang isa sa pangunahing problema ng mga mommy once na manganak na sila. Isa ito sa magpapahirap sa kanila upang makabangon muli at bumalik ang dating sigla. Halos malaking bilang ng mga nanganak ang nakararanas nito at mahirap itong lagpasan. Of course, hindi rin ligtas ang celebrity moms na nakaranas nito,

Sa isang YouTube vlog ni Michelle Madrigal, sinagot niya ang ilang mga katanungan ng fans kabilang na dito ang tungkol sa kanyang postpartum depression noong ipanganak ang kaniyang daughter.

Larawan mula sa Instagram account ni Michelle Madrigal

"I talked to a lot of people, I talked to friends, I talked to my doctor."

Pagpapatuloy niya, naging malaking tulong din daw ang fitness sa kanya. Kumabaga ito raw kasi ang naging therapy niya noon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"It was really hard for me in the beginning and I also used fitness. That's why when I tell you na fitness really saved my life because it was really my therapy."

Hindi raw biro ang pinagdaanan niya noong mga panahon na mayroon siyang postpartum. Ilang buwan lang daw kasi mula nang manganak si Michelle Madrigal sa daughter niyang si Anika ay nawalan naman ng buhay ang kanyang ama.

"I was going through my postpartum depression because I did not have anybody here." | Larawan mula sa Instagram account ni Michelle Madrigal

"Like I was going through grief and postpartum depression in 2018, I had given birth to Anika in October in 2017, and four to five months later my dad passed away. I was going through my postpartum depression because I did not have anybody here."

Nakadagdag pa raw sa hirap ng kaniyang pagpapagaling ang kawalan ng maraming kakilala sa Texas. Wala ang kaniyang pamilya doon, maging ang mga malalapit na kaibigan niya.

Nakatulong din daw sa kanya ang pagdarasal palagi kaya unti-unti siyang nakabangon mula sa madilim na part ng buhay niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Update sa love life ni Michelle

"I started seeing someone recently and I think we are in a very good place. I don't wanna put any label." | Larawan mula sa Instagram account ni Michelle Madrigal

Sa Youtube vlog ni Michelle Madrigal ay inintriga siya ng ibang fans kung mayroon na ba siyang bagong 'boyfriend' o karelasyon ngayon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"Sino iyong kasama mo sa mga pic? May bf ka na ba?"

"Who's the new papa?"

"Are you in a relationship now? Just saw your story with bf?"

Ganito siya binato ng kaliwa't kanang tanong patungkol sa isyu na ito.

Sinagot niya ito sa pamamagitan ng pagtanggi na tawagin itong 'boyfriend'. Para raw sa kanya kasi hindi na bagay pa ang ganitong terminology sa kaniyang edad ngayon na lagpas 30 years old na,

"Okay. I don't wanna use that terminology because first, I am not a teenager. Second, hindi naman ako early 20's na, 'Oh my god! I got a new boyfriend!"

"It is so odd for me as a 33-year-old woman to even say 'Oh my gosh, I have a new boyfriend!' Because I don't."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon kay Michelle Madrigal, hindi pa raw sila ng lalaki na tinutukoy ng kaniyang mga fans. Sa ngayon daw ay dating pa rin ang status nila. Pagbabahagi pa niya, nakikipag-date naman na raw siya noong mga nakaraan nang casual pero hindi niya ibinabahagi ang mga larawan nito sa kanyang social media dahil hindi pa raw siya 'emotionally available' noong mga panahong ito.

"I was just trying to see what dating feels like again because you don't freaking know what you're doing after being married and being a parent right?"

"I started seeing someone recently and I think we are in a very good place, I don't wanna put any label."

Pagbabahagi pa niya, masasabi raw na 'match' talaga sila dahil pareho sila ng lifestyle at parehong mayroon na ring anak. Nahirapan daw kasi siya na makipag-connect sa isang tao na single at walang anak.

Importante raw sa kanya na nagkaroon siya ng connection sa isang tao dahil nga sobrang nanibago siya sa paglipat niya sa ibang bansa na halos wala siyang kakilala.

Maganda rin daw na hindi muna siya naging "emotionally available" noon at nakapag-focus siya para sa kanyang sarili. Si Michelle ay hiwalay na sa kaniyang naging asawa na si Troy Woolfolk.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Ange Villanueva