Neri Naig binilihan ng condo ang anak na si Miggy: "Para habang bata pa, may negosyo na siya"

Ibinahagi ni Neri Miranda na binilhan nila ang anak nilang si Miggy Miranda ng kaniyang condo. Alamin ang buong kwento dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Neri Naig, nais na agad turuan ang kaniyang panganay na anak na si Miggy Miranda kung paano maging financially literate habang bata pa.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Neri Naig tuturuan maging financially literate si Miggy sa murang edad
  • 5 Bagay na dapat tandaan sa pagpapalaki ng wais na anak

Neri Naig tuturuan maging financially literate si Miggy sa murang edad

Sa edad na limang taong gulang pa lamang ay nagmamay-ari na ng sarili niyang condominium unit si Miggy Miranda, anak nina Neri at Chito Miranda.

“By March matatapos na ang Miggy’s Condo! Yahoooooo!” pagbabahagi ng kaniyang ina na si Neri Naig.

Excited na excited na si Neri sa bagong condo unit na naimpundar para sa kaniyang panganay na anak na si Miggy.

“Wais” na ina nga talaga si mommy Neri dahil hindi niya ginalaw ang pera na natatanggap ng anak mula musmos pa lamang ito. Bagkus, inipon niya ito nang inipon hanggang sa makapagpundar ng sariling negosyo na pagmamay-ari ng kaniyang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon kay mommy Neri,

“Since may mga endorsements na si Miggy, inipon ko ang money niya para makapag invest at mapagkakitaan pa rin. Para habang bata pa, may negosyo na siya.”

Larawan mula sa Instagram account ni Neri Naig

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa murang edad ay nabigyan na ng opportunity at pagkakataon si Miggy na kumita ng pera sa pamamagitan ng kaniyang endorsement o mga brands na nagtitiwala sa kanilang pamilya.

Hindi naman pinalampas ni mommy Neri ang pagkakataong ito upang gawing panimula sa pagkatuto ni Miggy pagdating sa financial na aspeto.

Isa sa mga layunin ni Neri, bilang wais na mom, ang maipamana sa kaniyang anak ang kaniyang pagiging wais na tao. Ayon pa sa kaniya,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Neri Naig-Miranda

“Tuturuan namin ang mga bata na maging financially literate. I think ayun ang dapat matutunan nating lahat kahit nung bata pa lang tayo.”

Para kay sa ina na si Neri Naig, bata pa lamang ay dapat simulan na ng mga parent na i-hubog ang kanilang mga anak na maging matalino sa paghawak ng pera. Nang sa gayong paraan, higit na magiging wais pa ito habang siya ay lumalaki at nadaragdagan ang edad.

Samantala, kung hindi naman ito nasimulan ng maaga, hinikayat pa rin ni Neri ang mga tao na magsimula na.

“Pero it’s not too late sa atin kahit anong edad pa tayo. Ang mahalaga, nagsisimula na tayo,” panghihikayat ni Neir Naig.

Nabanggit din ni Neri na ito ang kauna-unahang investment ng kaniyang anak na si Miggy. Pagbabahagi niya,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Ito ang una niyang investment at negosyo. Diretso talaga sa bank account nya ang kikitain.” 

Dagdag pa niya,

“Nag-i-start pa lang maglakad si Miggy nun. May nag-abot lang ng flyer sa akin sa SM The Block, kinuha ko naman habang buhat buhat ko si Miggy nun.” 

Larawan mula sa Instagram account ni Neri Naig-Miranda

Hindi mo nga naman aakalain na ang simpleng pagtanggap ng flyer habang naglalakad sa mall ay maaaring magtulak sa ‘yo upang magsimulang mag-invest para sa future ng iyong anak. Musmos pa lamang si Miggy noong panahong iyon, ngunit dahil wais mom si Neri, mayroon na agad naipundar si baby.

Ayon sa kaniya, ang ginamit nilang panimulang payment para sa condo unit na ‘yon ay ang unang kinita ni Miggy mula sa kaniyang endorsement. Inabot din ng ilang taon bago nila ito tuluyang mabayaran ng buo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sabi nga nila, it is worth the wait! Dahil ngayon excited na excited na si mommy Neri na maparentahan ang condo unit na ito. Nang sa gayon, magkakaroon uli sila ng pagkakataong makaipon para sa next goal o project nila na para kay Miggy.

Hindi na lamang #WaisNaMisis ang hashtag ni mommy Neri ngayun. Dahil sa intensyon impluwensiyahan ang kaniyang mga anak at pamilya, ginagamit na rin nila ngayun ang #WaisNaBata at #PamilyaWais!

Talaga namang kahanga-hanga ang malinaw na objective, dedikasyon, at determinasyon ni Neri Naig na mapabuti ang kinabukasan ng kaniyang mga anak.

Larawan mula sa Instagram account ni Neri Naig-Miranda

BASAHIN:

Neri Naig sa pagiging working mom: “Once or twice a month may day off ako. Hinihingi ko ‘yan”

Chito Miranda: Sobrang laking bagay for me na masipag ang asawa ko

Neri Naig sa mga nagtatanong tungkol sa anak na si Pia: “Every child deserves a home and love.”

5 bagay na dapat tandaan sa pagpapalaki ng wais na anak

1. Mahalaga ang kindness o kabaitan

Ang pagpapalaki sa anak ng habang tinuturuan maging mabuti at mapagmalasakit sa ibang tao ay mahalaga. Sa ganitong paraan, natuturuan mo rin ang iyong anak na maging compassionate, matiyaga, at mapagkumbaba.

2. Hikayatin ang anak na maging independent

Mahalaga na parating nandiyan ang magulang bilang gabay at sandalan ng anak. Subalit mahalaga rin na matuto ang anak gawin ang mga bagay para sa kanilang sarili. Nang sa gayon, lalaki silang matatag, matapang, at kayang tumayo sa sarili nilang mga paa.

3. Higit na pagyamanin ang confidence o tiwala sa sarili kaysa sa takot

Ang pagtitiwala ng magulang sa kanilang mga anak ay malaking tulong upang madagdagan at tumaas din ang tiwala nila sa kanilang sarili.

Tandaan na kahit kailanman, hindi dapat humadlang ang iyong takot at pangamba sa pag-abot ng iyong anak ng kaniyang goals at pangarap. Maging handa lang lagi na gabayan at maging sandalan ka nila sa mga oras na sila’y mag-fail.

4. Kasama sa option ang mabigo

Walang magulang na perpekto, gayundin pagdating sa mga anak. Kapag ang iyong anak ay nabigo, ibig sabihin lamang nito ay patuloy niyang sinusubukan. Magandang senyales ito upang mas lalo pang siyang maging matatag na indibidwal.

Biilang magulang, responsibilidad mo na i-encourage ang iyong anak na muling bumangon at lumaban sa mga pagkakataon na siya ay nadadapa at nabibigo. Makatutulong ito upang mas lalo pang tumaas ang kaniyang tiwala sa sarili.

5. Never too early, never too late

Bawat tao sa mundo ay may kaniya-kaniyang pace sa buhay. Mahalaga na hayaan mo ang iyong anak na magdesisyon para sa mga bagay na gusto niyang gawin, kung ano at kailan niya ito gagawin. Bilang magulang, dapat ay lagi kang nandiyan upang gumabay at umagapay.