Lalaking nagreklamo sa Tulfo, may warrant of arrest pala dahil sa pangmomolestya ng batang lalaki

lead image

Tatay ng minolestiyang bata ng baby sitter, may paalala sa iba pang mga magulang.

Minolestiya na bata isinalaysay ang pang-aabuso ng kaniyang baby sitter. Bata, itinago umano sa mga magulang ang ginawa nila ng baby sitter dahil ito daw ay isa nilang sikreto.

Minolestiya na bata ng baby sitter

Galit na galit na hinarap ng mga magkakapatid na sina Mary Cris, Leo at Francis Aliman ang mag-asawang kanilang inirereklamo kay Raffy Tulfo.

Ayon sa magkakapatid, pinagsasabihan daw sila ng kung anu-ano sa social media ng mag-asawa. At pinagbabantaan na ipapakulong kung hindi ilalabas ang kapatid nila na si Francis Aliman na kilala rin sa tawag na Limay. Ang pagkakaalam ng dalawa sa magkapatid na sina Leo at Mary Cris ay inaapi umano si Limay ng mag-asawa at nagnakaw kaya hinahanap mula sa kanila. Hindi nila alam na may ginawa palang hindi katanggap-tanggap ang kapatid at ito ay may warrant of arrest na.

Sa isang sinumpaang salaysay na hawak ng mag-asawa ay nalaman ng magkapatid na Mary Cris at Leo ang tunay na ginawa ng kapatid nila. Si Limay minolestiya pala ang 7-anyos noon na anak na lalaki ng mag-asawa na ibinibaby-sit niya kapalit ng pagpapa-aral sa kaniya.

Kwento ng pangmomolestiya

Kwento ng ina ng bata, ay minsan niya daw nahuli ang anak na nanonood ng porn video sa cellphone nito. At ng tinanong kung sinong nagturo sa kaniya sa porn site na pinapanood ay ang Kuya Limay niya ang tinuro niya.

One time hinihiram ko sa anak ko yung cellphone, tapos ayaw ibigay sa akin ng anak ko yung cellphone. Para siyang may takot ayaw niyang ibigay. Nagkaagawan na kami. Hanggang sa makuha ko at madiscover ko kung anong pinapanood niya. Nakita ko porno po sa gay porn site”, pagkukwento ng ina ng bata.

“Nashock ako. Tinanong ko siya. Paano mo nalaman. Ang sagot niya kay Kuya Limay”, dagdag pa ng ina ng bata.

Hindi akalain ng ina na may malalaman pa pala siya mula sa anak na talaga namang mas ikakagulat at ikakagalit niya.

“Mama, may sikreto ako. Ano yun ‘nak? Ok lang ba yung kiniss ako ni Kuya Limay? Sabi ko ok lang kasi kuya mo na yun. Pero matagal po sagot ng anak ko.Gaano katagal tanong ko. Mga 20 minutes po. Doon ko naisip na may ibang ginagawa na si Limay sa anak ko”, naiiyak na pag-alala ng ina.

Nang mangyari daw ang insidenteng iyon ay agad ng sinabihan ng ina ng bata ang mga kapatid ni Limay na sunduin muna ito sa kanila.  Dahil hindi daw nila kayang makasama ang isang tao sa loob ng bahay nila na kinupkop at tinuring nilang kapamilya na gagawa ng hindi mabuti sa anak nila.

Sa isang sinumpaang salaysay ay ikinuwento ang lahat ng ito ng minolestiya na bata. Ayon sa salaysay ng bata, Hunyo 10 habang nasa loob sila ng kwarto ay bigla nalang daw siyang hinalikan sa labi ng matagal ng kaniyang Kuya Limay. Saka pinaupo sa sofa at pinaghubad.

Pagkakaalam ng katotohanan

Ikinagulat ng mga kapatid ni Limay ang kanilang natuklasan. At humingi ng tawad sa mag-asawa sa tinuran nila. Ngunit huli na ang lahat, dahil si Limay ay may warrant of arrest na dahil sa kaso ng minolestiya na bata.

Dahil sa ginawa ay nahaharap sa kasong rape si Limay o paglabag sa Republic Act 8353 o Anti-Rape Law.

Hinaing ng ama ng bata ay habambuhay dadalhin ng anak ang trauma na idinulot sa kaniya ng pangmomolestiya. Isang bagay na hindi nila akalaing ang gagawa ay isang tao na itinuring nilang kapamilya.

Kaya may payo ang ama ng bata sa ibang mga magulang.

“Sana magsilbing aral nalang ito sa lahat,hindi lang kay Francis. Sana maging aware din ang lahat na hindi agad magtiwala sa mga kasambahay nila kahit kamag-anak. At yung mga anak nila lalo na kapag menor de edad. Konsultahin o kamustahin agad araw-araw pagkagaling sa eskwelahan o trabaho. Para hindi sila matakot para malaman at maiwasan agad ang mga pang-aabuso na nangyayari sa kanila.”

Ayon sa mag-asawa, masakit sa loob nila na isang taong kinupkop nila ang gumawa ng hindi maganda sa kanilang anak. Pero buo ang loob nila na ituloy ang kaso at hayaang ang korte ang magdesisyon sa kung kahihitnan ni Limay na nang-molestiya sa anak nila.

Sa ngayon ay nakapiit si Francis Aliman aka Limay sa Mandaluyong City Police Station habang dinidinig ang kaniyang kaso.

Source: Raffy Tulfo in Action

Basahin: Pari sinampahan ng kaso ng pangmomolestya ng halos 50 na batang lalaki

 

 

 

 

 

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner