Miriam Quiambao at Ardy Roberto, napagdesisyunan na manirahan na sa Boracay kasama ang kanilang mga anak!
Mababasa sa artikulong ito:
- Miriam Quiambao at kaniyang buong pamilya, maninirahan sa Boracay
- Advantages ng pagtira sa isla
Miriam Quiambao at kaniyang buong pamilya, maninirahan sa Boracay
Sa mga Instagram post ng mag-asawang Miriam Quiambao at Ardy Roberto, ibinahagi nila ang kanilang desisyon manirahan sa isla ng Boracay sa loob ng isang taon o maaaring higit pa.
Ayon sa asawang si Ardy Roberto,
“Just arrived at our new residence for the next 365+ days.”
February 10, 2021 nang lumipat ang buong pamilya Roberto sa Boracay upang doon na manirahan. Nagrenta lamang sila ng bahay na kanilang titirahan, at dito na rin ipinadala ang kanilang mga gamit na dala-dala.
Dahil kasalukuyan pa ring nasa pandemya, mahigpit pa rin ang proseso sa airport. Kaya naman bahagya silang natagalan, ngunit naayos din naman kalaunan.
Pagdating pa lamang sa isla ay naging masaya agad ang dating beauty queen na si Miriam nang makita ang lugar.
Pagbabahagi ni Miriam Quiambao,
“At the end of day, staring at the Boracay sunset and witnessing how the kids are enjoying their new life on the island makes all the stress and struggles of the past weeks worth it.”
Kilala ang Boracay bilang isa sa mga dinarayong lugar sa Pilipinas. Ito ay dahil sa ‘di nakakasawang tanawin at angking ganda ng isla na mayroong white sand.
Masaya si Miriam at bakas rin ang excitement sa ibinahagi nilang litrato sa magiging bagong buhay nila buhat ng sila’y magdesisyong lumipat.
Mula sa paninirahan sa siyudad, gumawa sila ng malaking hakbang upang magkaroon ng malaking pagbabago sa buhay at manirahan sa magandang isla ng Boracay. Ayon pa sa kaniya,
“Believing that the Lord has a great and wonderful purpose for us here, we look forward to living the island life for the rest of the year.”
Hindi pa man sila nagtatagal, positibo naman ang kaniyang pananaw na magiging maganda ang pamamalagi niya at ng kaniyang buong pamilya sa lugar.
“One thing is for sure, this new chapter in the #RobertoFamilyAdventure is going to be the best year yet!” dagdag pa ni Miriam.
Samantala sa IG post naman ng asawa ni Miriam na si Ardy, ibinahagi nito kanilang labis na kasiyahan sa ginawang paglipat.
Ayon pa kay Ardy, Nanggigilid ang luha ng asawa kasabay ng halo-halong emosyon ang naramdaman nito sa kanilang pagdating. Naging emosyonal ang dating beauty queen na si Miriam, natatawa habang naiiyak sa galak at tuwa. “We did it!” aniya.
Labis-labis naman ang pasasalamat ni Ardy sa Maylikha. Pagbabahagi niya,
“Grateful to God for all the blessings and the challenges that we had to overcome and still have to overcome with this decision to bless our family with this environment.”
Noong ikalawang araw ng pamilya Roberto sa lugar, nabanggit ni Miriam na bago lang at exciting para sa kanila ang paglalakad sa dalampasigan. Ibinahagi rin niya na paulit-ulit na sinasambit ng kaniyang panganay na anak na si Elijah ang mga salitang:
“Dada, I love the water! Dada, I love the beach! Mama, I feed the fish seaweed!”
Para kay Miriam, ang sensorial experience na ito ay makakatulong hindi sa brain development na kanilang mga anak kundi maaari ring madevelop ang kanilang love for nature.
BASAHIN:
LOOK: Simpleng buhay ni Andi Eigenmann ibinahagi niya sa kanyang vlog
Positive sides ng pagtira sa isla
May ilang mga tao na nangangarap o nagdadalawang-isip na iwan ang lahat para tumira sa isla o tinatawag nilang “island life.” Ito marahil ay dahil sa dami ng maaari mong gawin at magandang pagbabago na maaari mo ring danasin.
Narito ang ilang mga positive sides ng pagtira sa isla.
1. Araw-araw kang makakakita ng mala-paraisong tanawin
Ang best part sa pagkakaroon ng island life ay ang napakagagandang tanawin. Karaniwan sa magagandang tanawing ito ay ang dagat, lagoon, hills, at waterfalls na maaari mong i-explore at lakbayin.
Maaari ka ring makadiskubre ng napakagandang mga lugar na hindi pa nakikita ng marami. Pagtapos ng iyong trabaho, nariyan lamang ang dagat na maaari mong puntahan kahit kailan mo gusto. Tila ba ikaw ay araw-araw na nasa bakasyunan.
2. Maraming activities na maaaring gawin
Napakaraming activities ang maaari mong gawain sa isla na hindi mo pwedeng gawin sa siyudad. Halimbawa ng lamang ng island activities katulad ng snorkeling at diving.
Kung ikaw ay taong mahilig sa tubig at dagat, maaari mong gugulin ang iyong Sabado’t Linggo sa pamamasyal at paghahanap ng iba’t ibang uri ng lamang-dagat sa karagatan.
3. Simple at relaxing ang buhay sa isla
Karamihan sa mga taong gustong lumipat at manirahan sa isla ay naghahangad ng simple lamang na buhay, malayo sa stress.
Kung ikaw ay nakatira sa isla, mas magiging malapit ka sa nature. Malaki ang naitutulong nito upang maibsan ang iyong stress at makapag-relax.