X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

REAL STORIES: "Mula sa wala, nakapagpundar na ng bahay"

4 min read
REAL STORIES: "Mula sa wala, nakapagpundar na ng bahay"

"Ngayon, sa labing apat na taon na pagsasama namin masasabi ko na malayo na ang aming narating at successful ang aming marriage. Through ups and downs ika nga." | Larawan mula sa Shutterstock

Nakakilala kami ng asawa ko sa aming school noong college, napakabata pa namin noon. Dala ng malanding panahon, nabuntis ako at the age of 18 years old. We end up in a civil marriage at pumisan sa aking mga biyenan.

8 months pregnant ako noon nang ikinasal kami. Sa tulong ng aming mga magulang pininagpatuloy ko ang aking pag-aaral sa college, pumapasok ako habang buntis.

Kung ano-ano ang naririnig ko tungkol sa akin at palagi akong usap-usapan sa campus. Pero kinaya at dinedma ko lahat iyon. Sapagkat sa isipan ko paninindigan ko kung ano ang mayroon ako, alang-ala sa aking dinadala.

Habang ang aking napangasawa naman ay tumigil sa pag-aaral upang makapagtrabaho bilang crew sa isang sikat na fast food chain. Sapagkat ang kanyang magulang ay wala pang sapat na kakayahan noong panahong iyon upang siya’y pag-aralin pa.

pagsubok sa buhay mag asawa

Larawan mula sa Shutterstock

Mayroon din kasing pinagdadaanan ang kanyang pamilya noong panahon na iyon. Naintindihan ko naman ‘yo at nagpapasalamat ako sa kanyang pamilya. Dahil kahit alam ko na hirap sila at kapos ay pinipilit nilang mabigyan ng sapat na pangangailangan ang bata sa aking sinapupunan.

Isang biyaya mula sa Diyos

Sa awa ng diyos, buwan ng Marso at bakasyon sa school ng ako ay nanganak ng isang napaka-cute na batang lalaki. Sa umpisa, mahirap dahil mag-a-adjust ka nang pagtulog at palagi kang puyat.

Pero sa tuwing makikita ko ang aking munting anghel namin, lahat ng pagod at puyat ko sa pag-aalaga sa kaniya ay nawawala. Nagpatuloy ako sa aking pag-aaral. Samantala, ang aking asawa naman ay natapos na ang kontrata sa trabaho.

pagsubok sa buhay mag asawa

Pagsubok sa buhay mag asawa. | Larawan mula sa Shutterstock

Siya ang nag-aalaga at nag-aaruga sa aming anak habang walang siyang trabaho. Pansamantala kaming umasa sa aming mga magulang ng panggatas at diaper.

Minsan pa nga ay naiaagaw ko sa allowance na binibigay sa akin ng aking ina ang panggastos namin kay baby hanggang sa ako ay makatapos ng pagaaral.

Hindi ko inaakala na makakaroon agad ako ng second baby

Nang maka-graduate ay muli akong nabuntis, hindi ko inaasahan ang pagbubuntis na iyon. Sapagkat umiinom ako ng birth control pills. Sa aking pakiwari ay nakakaligtaan ko ang pag-inom ng pills. Kaya naman muli kaming nakabuo.

Masaya ako at naging excited dahil ayon sa ultrasound ang aking pangalawang anak ay babae. Pero talagang napakahirap dahil pa side line side line ang aking mister at madalas wala talaga kaming nagiging pera.

Natuto kaming magtinda ng kung an0-anong pagkain kagaya ng meryenda upang makaraos sa araw-araw. Nang manganganak na ako ay nakapag-ipon kami ng kaunting halaga at napagdesisyunan namin na sa lying-in na lamang ako manganganak.

BASAHIN:

REAL STORIES: “We broke up before I gave birth. 11 years later, we’re giving our love a second chance.”

5 karaniwang pinag-aawayan ng bagong mag-asawa at paano ito masosolusyonan

REAL STORIES: From suka vendor to engineer na may sariling kumpanya, magandang bahay

Pagsubok sa buhay mag asawa

Matapos ang panganganak ko sa aking pangalawang anak ay nag-apply ang aking mister sa ibang bansa. Agad naman siyang natanggap, nakakalimang buwan na siya sa ibang bansa ng sa ‘di inaasahang pagkakataon ay pumanaw ang kanyang ina.Kaya naman napilitan siyang umuwi dito sa Pilipinas.

Labis ang pagdadalamhati namin noon dahil tunay naman na napakabait ng aking biyenan at palaging nakasuporta at nakaalalay sa amin.

Hindi na nakabalik sa ibang bansa ang aking asawa. Sa kadahilanang wala na rin kaming sapat na pera noon para sa pag-aasikaso pagbalik niya sa ibang bansa para magtrabaho.

Muli ay naranasan namin ang paghihirap, kaya kahit mahirap na iwanan ang mga bata ay nagtrabaho ako sa isang kilalang kompanya at ang aking mister ang siyang naging taga pag-alaga ng mga bata.

Pero lahat ng paghihirap ay may kapalit na ginhawa at tagumpay

Unti-unti nakakabangon kami muli kahit maliit ang sahod, naibibili ko na ang aking mga anak ng sapat sa pangangailangan nila. Sa tulong ng talento ng aking mister na kahit may bantaying mga bata ay nakakadiskarte at nakakagawa ng paraan upang magkapera, maliit o malaking halaga lahat ay ibinibigay niya at ipinagkakatiwala ang pagba-budget sa akin.

Hangang sa dumating ang panahon na unti-unti nakakaipon na kami, at ang una namin naipundar ay motor at sumunod naman ang sidecar.

REAL STORIES: Mula sa wala, nakapagpundar na ng bahay

Sa loob ng sampung taon napakarami ng nangyari, isa na doon ang nakapagpatayo kami ng sariling bahay sa lupain ng aking ama.

Ngayon, sa labing apat na taon na pagsasama namin masasabi ko na malayo na ang aming narating at successful ang aming marriage. Through ups and downs ika nga.

pagsubok sa buhay mag asawa

Larawan mula sa Author

 

Altough may mga bagay kaming hindi napapagkasunduan, napapag-usapan naman namin iyon at parte ng buhay magasawa ang minsan ay nagkakatampuhan.

Natutunan ko na bilang babae ikaw ang magdadala ng relasyon ninyo at ang desisyon ng bawat isa ay dapat parehas dahil bilang mag-asawa kayo ay iisa.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

VIP Parent

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga Tunay na Kuwento
  • /
  • REAL STORIES: "Mula sa wala, nakapagpundar na ng bahay"
Share:
  • 20 palatandaan na hindi pantay ang pagmamahal sa isang relasyon

    20 palatandaan na hindi pantay ang pagmamahal sa isang relasyon

  • REAL STORIES: "Hindi ako tinutulungan ng asawa ko pagkatapos kong manganak."

    REAL STORIES: "Hindi ako tinutulungan ng asawa ko pagkatapos kong manganak."

  • REAL STORIES: "1-year-old pa lang ang anak ko pero marunong na siyang mag-ipon!"

    REAL STORIES: "1-year-old pa lang ang anak ko pero marunong na siyang mag-ipon!"

  • 20 palatandaan na hindi pantay ang pagmamahal sa isang relasyon

    20 palatandaan na hindi pantay ang pagmamahal sa isang relasyon

  • REAL STORIES: "Hindi ako tinutulungan ng asawa ko pagkatapos kong manganak."

    REAL STORIES: "Hindi ako tinutulungan ng asawa ko pagkatapos kong manganak."

  • REAL STORIES: "1-year-old pa lang ang anak ko pero marunong na siyang mag-ipon!"

    REAL STORIES: "1-year-old pa lang ang anak ko pero marunong na siyang mag-ipon!"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.