X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

4 min read

Sa pangalawang pagkakataon, namatayan muli ng anak ang former The Clash contestant na si Mirriam Manalo. Sumakabilang-buhay ang baby ng singer dahil sa sakit na spinal muscular atrophy.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Mirriam Manalo nagdalamhati sa pagpanaw ng kanyang anak
  • Operasyon ng anak ni Mirriam

Mirriam Manalo nagdalamhati sa pagpanaw ng kaniyang anak

miriam manalo

Larawan kuha mula sa Facebook post ni Mirriam Manalo

Kakaiba ang sakit na masaksihang mawala sa mga bisig ng isang ina ang anak niya dahil sa pagkamatay nito. Ano pa kaya kung ito ay nangyari sa pangalawang pagkakataon?

Ganito ang pinagdaraanan ngayon ng dating contestant ng television show na The Clash na si Mirriam Manalo. Ika-24 ng Abril noong pumanaw ang anak nitong si Lila Emilia dahil sa kaliwa’t kanang kumplikasyon dala ng kanyang genetic disease na spinal muscular atrophy.

Nakakadurog ng puso ang Facebook post na larawan ang video ni Mirriam Manalo kasama ang anak. Sa unang larawan makikitang hinahagkan niya si Lila Emilia. Sa video naman ay mangiyak-ngiyak niyang niyayakap ito habang wala nang buhay at inaawit ang kantang ‘Sa Ugoy ng Duyan.’

Ayon kay Mirriam, bago raw mamayapa ang anak ay maganda pa ang kalagayan nito. Malubha ang pighating pinagdaraanan ng inang si Mirriam dahil sa nangyari ito sa kanya dalawang beses na.

“Iniwan moko anak, ang sakit naman sobra! Okay na okay ka pa kahapon baby ko.. nothing is more painful than this! 2 times in a row…

Fly high my angel! You’re with ate na..”

Matatandaang ang una niyang sanggol na si Layla Elleina o tinatawag niyang ‘Baby Clasher’ ay namatay rin sa parehong taon kung kailan siya pinanganak, taong 2019. Katulad ng naranasan ni Lila Emilia, spinal muscular atrophy rin ang kinamatay ng sanggol.

“No more pain anak, doon makakapaglakad kna, makaka dance, makakakain kana lahat ng gusto mo, makaka sing ka na with Jesus.

Till we meet again. I love you Emilia ko!”
Bukod sa Facebook post niyang ito, sa Instagram account ay nagbahagi rin siya ng story na nakalagay ang mga salitang “Ang sakit-sakit naman.”
miriam manalo

Larawan kuha mula sa Instagram account ni Mirriam Manalo

Operasyon ng anak ni Mirriam

Unang sumailalim sa operasyon si Emilia noong Abril 16, 2022 at kinakailangan muling operahan matapos ang sampung araw para sa tracheostomy at PEG. Dahil sa tuloy-tuloy na medikasyon at mag-iisang buwan na silang nasa ospital mula nang ma-admit ang bata noong Marso 19, 2022, nanghingi na ng tulong si Mirriam.
Sa kanyang Instagram post ay humingi siya ng pinansyal na donasyon upang mabayaran ang hospital bills para sa kanyang anak, na umabot na ng ilang milyong piso.
“I am very sorry that I have to ask again for your help, kasi hindi na po talaga namen kaya bayaran yung bills ni baby ng ma-gisa millions of pesos na po ang bill ni Emilia ngayon, It is very frustrating for us parent to see our daughter in a very difficult situation at the same iniisip din namen kung saan pa po kmi pwede humugot para mabayarn yung mga bills niya.
Every cent is important to us, lahat po ng paraan ginagawa na namen para ma save po ang buhay ng aming anak’ I never want to bury another child kaya kinakapalan ko na po yung mukha ko para humingi ng tulong sa inyo.”
mirriam manalo baby

Larawan kuha mula sa Instagram account ni Mirriam Manalo

BASAHIN:

Nanay ng namatayan ng 1-year-old na anak: “Wag balewalain ang COVID dahil totoong-totoo siya”

REAL STORIES: My husband lost his mother and grandmother within 9 days

Isang liham mula sa isang ina na namatayan ng dalawang babies

Dagdag pa niya, natatakot na raw ulit siyang mag-anak dahil parati niyang nasasaksihan ang hirap nito sa sakit. Buong akala niya raw ay hindi na muli niya itong mararanasan. Ang Diyos na lang daw ang tanging kinukahanan niya ng lakas para hindi tuluyang mabaliw sa ganitong sitwasyon.
“Being a mom is a very difficult task to do lalo na kung may mga sakit pa po yung mga anak naten, I am now afraid to have another child kasi ang hirap po makita na may sakit yung mga anak namen, I never even expected to be in this situation again…”
“If not to GOD nabaliw na cguro ako kasi walang kasing sakit yung makita mo yung anak mo na nasa hospital’ buti na lang po may diyos na nagpapalakas ng loob ko, my faith to him gives me strength to face this most difficult trial in my life. Pls help me save my daughters life.”
Sa mga nais magbigay ng donasyon maaaring magpaabot o mag-send sa parehong detalye na pinost niya sa kanyang Instagram account.
Facebook , Instagram 
Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"
Share:
  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

  • Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

    Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

  • Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

    Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.