Mirriam Manalo mayroon ng adopted son. Singer nag-desisyong mag-ampon ng isang baby boy matapos mamatay ang dalawa niyang anak na babae dahil sa isang genetic disease.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Mensahe ni Mirriam Manalo sa kaniyang adopted son
- Pagkasawi ng dalawang anak ni Mirriam Manalo dahil sa isang rare genetic disorder
- Ano ang Spinal Muscular Atrophy o SMA
Mirriam Manalo adopted a son
Larawan mula sa Instagram account ni Mirriam Manalo
Sa kaniyang Instagram account ay may bago at magandang balitang ibinahagi ang singer na si Mirriam Manalo. Siya ay nag-ampon ng isang baby boy na pinangalanan niyang Diondre. Ito ay matapos na pumanaw ang dalawa niyang anak na babae ng dahil sa isang genetic disease. Si Mirriam sinabing naging very emotional ang naging pag-ampon niya at ang pag-uuwi sa kaniyang adopted son.
“I lost two precious daughters, but then I gained a “son”. Yes, I adopted a son although I never expected it to be this hard. I have been so emotional ever since I brought my son home.”
Ito ang bahagi ng pahayag ni Mirriam sa Instagram.
Pag-amin pa ni Mirriam miss na miss niya na ng mga nasawing anak. At may kakaibang kurot sa puso niya habang kinakarga at inaalagaan ang kaniyang adopted son.
“My heart aches every time I look at him, carrying him, taking good care of him, those sleepless nights that I am having. I couldn’t even stop the tears coming out into my eyes every night. I miss my angels so so bad”, sabi pa ng singer.
Sabi pa niya, sa mga nangyari ay marami siyang naging tanong at sa pagkawala ng mga anak niya ay may malaking bahagi rin sa kaniya ang nawala.
“Those questions are coming right back to me. I felt betrayed and unloved! I know I am not perfect but I am a good mother, I have sacrificed a lot, it’s like I lost a big part of me, I lost myself!”
Larawan mula sa Instagram account ni Mirriam Manalo
Pero ngayon na may dumating na bagong anghel sa kaniyang buhay ay magpapatuloy siya sa pagiging isang ina. Bibigyan niya ito ng isang pamilya at mamahalin ng buong puso.
“But then it didn’t matter to me anymore because I choose to be a mother, I choose my children more than anything else in this world. I know this child needs a family who will love him unconditionally and I am more than ready to give the life that he deserves.”
Mensahe ni Mirriam Manalo sa kaniyang adopted son
At ang mga sakit na nararamdam niya ngayon, sabi pa ni Mirriam ay malalagpasan niya rin sa tulong ni Diondre. Pangako niya dito, ito ay may space na sa buhay at puso. At siya ay magiging isang ina rito tulad ng ginawa niya sa dalawa niyang namayapang mga anak.
“Someday I can overcome all the pain that I am feeling. It is because I have my “Diondre” who needs a mother and that I will be to him. My heart is in pain, but there is a space for you my dear son. I am your mommy forever!”
Ito ang sabi pa ni Mirriam.
Pagkasawi ng dalawang anak ni Mirriam Manalo dahil sa isang rare genetic disorder
Larawan mula sa Instagram account ni Mirriam Manalo
Si Mirriam ay nakilala noong mapabilang siya sa programang ‘The Clash’ ng GMA. Pebrero ng taong 2019 nang isilang niya ang panganay niyang si Layla Elleina. Matapos ang walong buwan ito ay nasawi dahil sa isang genetic disorder na tinatawag na Spinal Muscular Atrophy.
Taong 2021 ay muling ipinakilala ni Mirriam Manalo ang bago niyang baby na si Lilah Emilia. Pero nito lamang Abril ay nasawi rin ito ng dahil sa parehong sakit na bumawi rin sa buhay ng panganay ni Mirriam.
Ano ang Spinal Muscular Atrophy?
Ang Spinal Muscular Atrophy o SMA ay isang genetic disorder na kung saan humihina o lumiliit ang muscle ng isang tao. Ang mga batang nagtataglay ng kondisyong ito ay nahihirapang, gumapang, maglakad, maupo at pati na ang mag-kontrol ng kanilang head movements. Habang ang iba namang malalang kaso nito ay maaring mahirapang lumunok o huminga.
Walang gamot sa sakit na ito bakit may mga treatments na maaring gawin para matulungan ang mga batang nagtataglay ng sakit na mamuhay ng maayos.
Ayon sa mga eksperto ang sakit na ito ay dulot ng problema sa gene na tinatawag na SMN1. Kaya naman ito ay namamana o naipapasa ng magulang sa kaniyang anak.
Isa sa pangunahing sintomas ng sakit ay ang pagiging ‘floppy’ o parang lantang gulay ng katawan ng isang bata. Hindi rin siya agad na natututong gumapang o maglakad di tulad ng ibang bata. Maaring hindi rin siya makalakad at sa iba pang malalang kaso ng sakit ay hindi rin kayang kumain o mahihirapang makahinga.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!