7 Paraan para maging exciting ang missionary position!

lead image

Kahit missionary position ang pinaka-'basic' na sex position, hindi naman nito ibig sabihin na dapat itong maging boring at hindi exciting!

Pagdating sa usapin ng exciting na sex, bihirang pumapasok sa usapan ang missionary position. Siguro kasi ito ay ang pinaka-‘basic’ o straightforward na sex position, kaya hindi iniisip ng mga tao na ito ay exciting.

Ngunit alam niyo ba na isa rin ito sa pinaka-sensual na sex positions? Ayon kay Damian Jacob Sendler, M.D., Ph.D, isa itong mainam na paraan ng pakikipagtalik para sa mga mag-asawa dahil mayroon kang “full-body experience” habang nakikipagtalik.

Pero, paano nga ba ito gagawing mas exciting? Heto ang mga dapat mong malaman!

Paano gagawing exciting ang missionary position?

src=https://ph admin.theasianparent.com/wp content/uploads/sites/11/2018/11/sex body.jpg 7 Paraan para maging exciting ang missionary position!

Maraming puwedeng gawin upang maging mas exciting ang missionary position.

Simple lang naman ang missionary position. Nakapatong ang lalake sa taas, at nakahiga sa ilalim niya ang babae. Isa itong straightforward na sex position, at hindi rin mahirap gawin.

Ngunit ang pagiging simple nito ay minsan nagiging problema, dahil nakakasawa nga naman kung palaging iisa lang ang position ninyo kapag nakikipagtalik. Kaya’t heto ang ilang mga tips upang gawin itong mas exciting!

1. Foreplay

Importante ang foreplay sa mga mag-asawa. Isa itong paraan upang maging mas sensual ang experience, at nakadadagdag din ito ng excitement para sa mga mag-asawa.

Siyempre, hindi naman exciting kung agad-agad kayong maghuhubad ng iyong asawa at makikipagtalik agad. Kaya kailangan munang magpainit at mag warm-up bago kayo magsex.

2. Huwag kalimutan ang boobs

Alam niyo ba na ang nipples at dibdib ng babae ay kabilang sa pinakaimportanteng erogenous zones? Ang erogenous zones ay ang mga bahagi ng katawan na nagbibigay ng sexual arousal kapag na-stimulate.

Kaya i-encourage mo ang iyong asawa na imasahe at hawak-hawakan ang iyong boobs kapag kayo ay nagsesex. Ang maganda pa sa missionary position ay madali para sa iyong asawa na abutin ang iyong dibdib, kaya’t isa pa itong paraan upang makadagdag sa excitement!

3. Gamitin ang oral sex para mag-transition

Para maging mas exciting ang inyong sex life, magandang gamitin ang oral sex para magtransition. Maganda kung gawin muna ito sa’yo ng iyong asawa para mas magkaroon ng lubrication bago kayo mag-sex.

Puwede mo din itong gawin sa kaniya para lalo pa siyang mastimulate bago kayo magsimula.

4. Hindi kailangang magmadali

Isa pang dapat tandaan ay huwag magmadali. Hayaan lang na maging natural ang iyong galaw, at huwag itong madaliin. Mas nagiging sensual ang experience kapag hindi nagmamadali. 

5. Gumamit ng mga sex toys (kung gusto ninyo)

Sa mga mas adventurous, puwedeng gumamit din ng mga sex toys habang nasa missionary position. Mabuti ito para mas magkaroon ng stimulation ang iyong vagina.

Para sa mga mas adventurous, puwede kayong gumamit ng vibrator sa loob ng anus para mas may stimulation habang nagsesex.

6. Humiga ka sa dibdib ng iyong asawa

Isa pa itong twist o variation sa regular na missionary position. Nag-iiba ang experience para sa iyo at sa iyong asawa kapag nakahiga ka sa dibdib niya habang naka-missionary kayo.

Bukod dito, nag-iiba din ang angle ng pagpasok sa iyong vagina, at lalong magkakaroon ng stimulation sa iyong clitoris sa ganitong position.

7. Sumubok ng iba’t-ibang mga variations

Marami din iba-ibang mga variations ang missionary position. Kasama na dito ang tinatawag na ‘cross booty position’ kung saan magsisimula kayo sa regular na missionary. Pagkatapos, magsslide ng dahan dahan ang iyong asawa, hanggang mag form ng ‘X’ ang inyong mga binti.

Maganda ang variation na ito dahil nag-iiba ang mga bahagi na nasstimulate habang kayo ay nakikipagsex, pero hindi ito kasing komplikado ng iba pang mga sex positions.

 

Source: Women’s Health

Basahin: 6 Tips for better marital sex, according to a porn star